SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Kinabukasan, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko akong nagising. Hindi ko nga alam kung dahil ba sa excitement o dahil may kakaibang saya akong nararamdaman matapos ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Pagdilat pa lang ng mga mata ko, unang pumasok sa isip ko ay ang mukha ni Ryker kung paano siya ngumiti habang inaabot sa akin ang mga pulang rosas kagabi, at ang pag-aalalang maramdaman ko agad nang makita ko ang text niya bago ako makatulog. Bumangon ako at agad na inayos ang kama ko. Nasa isip ko na kailangan kong maagang makapasok ngayon, hindi lang dahil sa trabaho kundi dahil gusto kong patunayan kay Ryker na kaya kong maging responsable bilang secretary niya kahit na kami na. Ayokong isipin ng ibang tao na nagiging kampante ako dahil lang girlfriend ni
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


