SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Pagdating ko sa bahay, para akong lantang gulay na bumagsak sa sofa. Ramdam ko pa rin ang bigat ng buong araw sa katawan ko—ang unang araw ng OJT na akala ko ay magiging maayos, pero nauwi sa puro ako ang gumagawa habang ang kasama ko naman ay parang invisible lang sa trabaho. Napapikit ako sandali, saka dahan-dahang hinubad ang sapatos ko at isinunod ang blazer at blouse. Mabuti na lang at may suot pa akong panloob na sando at cycling kaya hindi ako masyadong naiinitan. Binuksan ko ang TV para may kaunting ingay sa paligid habang nagpapahinga. Pero bago pa man ako tuluyang makarelax, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Si Mama. Doon ko lang biglang naalala—hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na nagsimula na kami sa OJT. “Hello, Ma,” bati ko habang inaabot an

