CHAPTER 4—LUNCH

1152 Words
SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Habang abala pa rin ako sa pag-eencode, napansin ko si Reevana na parang lutang na lutang at nahihirapan sa ginagawa niya. Lihim akong napailing. Napakayabang pa kung magsalita sa’kin kanina, pero tingnan mo naman kung sino ang mukhang bibigay ngayon. Ayan kasi ang napapala ng puro bibig ang ginagamit at walang masyadong ginagawa ang utak. “Oh, Reevana, hindi mo pa nakakahalahati itong mga documents. Magla-lunch na,” sabi ni Ma’am Carmina na biglang lumapit sa amin. Napatingin ako kay Reevana, na agad ding napatingin kay Ma’am at lihim na napa-irap. “Medyo nalilito pa lang po ako, Ma’am… hindi kasi ako sanay sa ganitong filing. Mas sanay ako sa encoding,” sagot niya na may bahid ng pagkairita. Halos mapairap na rin ako. Encoding daw? Papalusot pa. Wala talagang alam gawin kundi manghusga ng tao at magpabida sa salita. “Sana sinabi mo kanina para naibigay ko ‘yan kay Syrelle,” patuloy ni Ma’am Carmina. “Pero mukhang matatapos na ni Syrelle ang encoding, kaya matutulungan ka na niya d’yan.” Lihim akong nainis sa sinabi ni Ma’am. Bigyan mo na lang ako ng bagong task, Ma’am, huwag lang ‘yang trabaho ng babaeng ‘yan. “Ma’am, medyo matagal pa po ito… pero nasa kalahati na ako,” maingat kong sagot. “Gano’n ba? Sige, basta kung sino sa inyo ang mauna, magpaalam na lang,” sabi niya bago siya umalis nang nakangiti. Pagkatalikod ni Ma’am Carla, agad akong tinusok ng tingin ni Reevana. Kita ko ang irap niya bago siya muling bumalik sa papel na tinatamad yata siyang galawin. Lihim akong nanggigigil. Tusukin ko kaya ‘yang mata mo? Grabe, lumalabas talaga ang masama kong ugali sa isip ko tuwing siya ang kaharap ko. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng OJT trainees na pwedeng ma-assign dito, siya pa talaga ang nakasama ko? Kung minamalas ka nga naman. Nakakairita. Habang tuloy ako sa trabaho, rinig ko ang mahihinang reklamo niya—mga bulong na parang sinasadya para marinig ko pero hindi marinig ni Ma’am. Gusto kong matawa, pero pinigilan ko. Sige lang, Reevana. Kapag narinig ka ni Ma’am Carmina, siguradong may sermon ka sa unang araw pa lang natin. Habang patuloy akong nag-eencode, pasimple kong naririnig ang mahihinang daing at reklamo ni Reevana sa tabi ko. “Ang hirap naman nito… ang dami… bakit ganito…” bulong niya pero sapat para marinig ko. Halos mapailing ako habang pinipigil ang tawa. Kung maririnig siya ni Ma'am Carla, malamang unang araw pa lang eh makakatikim na siya ng sermon. Pero syempre, hindi ko siya isusumbong — mas masarap kasi sa pakiramdam na ako lang ang nakakaalam kung gaano siya nahihirapan. “Syrelle, tapos ka na ba?” mahina pero medyo iritado niyang tanong. “Hindi pa,” maiksi kong sagot, hindi man lang siya tinitingnan. Napansin kong bigla siyang huminto sa ginagawa niya at umayos ng upo, halatang pagod na. Ako naman, steady lang. Pinipilit kong huwag magpakita ng kahit anong reaksyon na magpapakitang natutuwa ako sa paghihirap niya. Pero sa loob-loob ko, ayan kasi, puro ka yabang kanina. Lumapit ulit si Ma'am Carla matapos ang ilang minuto. “Oh, Reevana, kamusta? Medyo bilis-bilisan natin ‘to para makahabol tayo sa lunch.” Ngumisi ako sa loob-loob. Alam kong ayaw marinig ni Reevana ang salitang “bilis-bilisan.” “Ma’am… pwede po ba si Syrelle muna dito? Mas sanay kasi siya…” pilit niyang dahilan. Pero bago pa makasagot si Ma'am Carmina, mabilis na akong nagsalita. “Ma’am, Medyo matatagalan pa po ito. Pero tatapusin ko ‘to para hindi mabitin.” Saglit na natahimik si Reevana. Halata sa mukha niya ang inis. Sorry na lang, girl, pero hindi kita sasaklolohan, kapal mo naman na ibigay saakin ang trabaho mo manigas ka dyan. Maya-maya, napansin kong napapabuntong-hininga na siya kada dalawang papel. Hindi ko na alam kung tawa ba o awa ang mas nangingibabaw sa akin. Pero sa huli, pinili kong mag-focus sa trabaho ko. Kasi sa totoo lang… unang araw pa lang ng OJT namin, at sa 18th floor pa, alam kong mahaba-haba pa ang laban. “Okay, break muna tayo para may energy kayo. Balik kayo after thirty minutes,” sabi ni Ma'am Carmina habang inaayos ang mga papel sa mesa. Halos sabay kaming napahinga nang maluwag. Pero bago pa ako makatayo, narinig ko si Reevana na halos mapasigaw ng, “Yes! Finally!” Napatingin ako sa kanya at halos mapatawa. Akala mo naman nakumpleto na niya lahat ng gawain. Samantalang kanina pa ako abala at siya—eh halos hindi pa nga nakalahati sa dapat tapusin. Drama queen talaga, naisip ko. Pero hindi na lang ako nagsalita at kinuha ko na ang bag ko. “Uy, tara na, baka maubusan ng table sa pantry,” sabi ko. Sumimangot siya. “Wait lang, ayusin ko lang ‘to para kunwari productive.” Halos mapangiti ako sa sinabi niya. At least, aware siya. Habang naglalakad kami papuntang pantry, napansin kong ang gaan-gaan ng hakbang niya, parang wala talagang kahit kapirasong pagod. Samantalang kanina, parang mamamatay na sa upuan. Kung maririnig lang ‘to ni Ma'am Carmina, siguro wala nang break-break sa kanya, bulong ko sa isip ko, sabay pigil sa tawa. Pagdating namin sa pantry, una pa siyang umupo at naglabas ng baon na parang walang iniintinding trabaho sa 18th floor. Samantalang ako, kahit gutom, nasa isip ko pa rin yung mga papeles na iiwan namin. Sa loob-loob ko, alam ko na—pagbalik namin, mas lalo lang akong matatawa sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang mas marami pa siyang gagawin. Habang nagbubukas ako ng baon kong adobo, napansin kong kanina pa ako tinititigan ni Reevana. “Ano?” tanong ko habang nagbubukas ng spoon at fork. Napangisi siya. “Wala… iniisip ko lang, parang mas bagay sa’akin yung maging secretary kaysa OJT. Alam mo ‘yung tipong taga-kape lang, taga-print. Hindi ‘yung ganitong heavy workload.” Napataas kilay ko. “Talaga lang, ha? Eh kanina nga, hindi ka pa nga nakaka-three pages ng encoding, sumuko ka na sa sarili mo.” Natawa siya at inabot ang iced tea. “At least ako, marunong magpahinga. Ikaw kasi workaholic, baka mamaya mag-collapse ka diyan sa sobrang pagiging sipag.” Umirap ako pero napangiti. “Mas gusto ko na yun kesa sa magmukha akong tamad sa unang araw.” “Hindi ako tamad, strategic lang,” sagot niya, sabay kagat sa sandwich. “Alam mo, minsan kailangan mo ring matuto ng art of pretending to work.” Napailing na lang ako. “Kung maririnig ka ni Ma'am Carmina, baka bukas wala ka nang lunch break.” Tawa lang siya nang tawa, tapos tinapik ang balikat ko. “Relax ka lang, Syrelle. Baka mamaya, ikaw pa maging OJT of the Year.” Sa loob-loob ko, kahit nakakainis siya, natatawa rin ako. Hindi ko alam kung dahil gutom ako o talagang may talent lang si Reevana sa pang-aasar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD