CHAPTER 6—THE CEO

1242 Words
SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Pagkatapos naming mag-lunch ni Reevana, agad kaming bumalik sa 18th floor. Bitbit ko pa rin ang baon kong kaba mula kanina, kahit halos walang pinawis si Reevana sa trabaho namin. Ako, pinilit kong maging mas mabilis para hindi mapahiya sa unang araw, pero siya? Nakangiti lang habang panay ang kwento at biro—parang wala lang. “Syrelle, relax ka lang,” sabi niya habang nakasakay kami sa elevator. “First day pa lang natin, baka mag-collapse ka agad sa sobrang seryoso mo.” Napailing na lang ako. “Hindi mo kasi alam, kahit trainee tayo, may mga boss dito na parang… isang maling galaw mo lang, tapos ka na.” Pagdating namin sa floor, bumungad sa akin ang ilang empleyado na abala sa kani-kanilang gawain. Tahimik at maayos ang paligid—hanggang sa biglang bumukas ang elevator at lumabas ang isang matangkad na lalaki na hindi ko kilala, pero ramdam ko agad ang matinding presensya niya. Suot niya ang mamahaling suit na perpekto ang fit, at ang tingin niya… parang kaya kang tunawin sa isang segundo. Kasama niya ang isang lalaking medyo mas bata pero mukhang personal assistant—siguro yun si Niko na narinig ko sa mga staff kanina. Halos sabay kaming napalingon ni Reevana nang lumapit sa kanila si Ma’am Carmina.Sir Ryker,” magalang niyang bati habang bahagyang yumuyuko. “Pasensya na po, pero gusto ko pong ipakilala sa inyo ang dalawang bagong trainees na na-assign dito sa 18th floor.” Parang napako ang mga paa ko sa sahig. Siya pala yung CEO? Kaya pala parang biglang lumamig ang hangin sa paligid. Narinig ko pa yung mahihinang bulungan ng ibang empleyado—hindi raw biro kausapin ang lalaking ‘yon. ““Sir, si Syrelle at si Reevana,” wika ni Ma'am Carmina. “Magiging bahagi po sila ng OJT program natin for the next few months.” Napakagat ako ng labi at agad yumuko bilang pagbati. “Good afternoon po, Sir.” “Good afternoon, Sir,” sabay na sabi ni Reevana pero may halong pilyong ngiti, parang hindi man lang kinakabahan. Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa, parang sinusukat kung karapat-dapat ba kaming narito. “Let’s see,” malamig niyang sabi. “Kung tatagal kayo rito, hindi lang galing sa trabaho ang kailangan—disiplina at tiyaga. Ayoko ng palamunin sa opisina ko.” Hindi ko alam kung bakit pero parang mas lalo akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko rin na hindi iyon simpleng babala—parang may bigat at kasaysayan na nakadikit sa bawat salita. Pagkatapos noon, iniwan niya kami para ituloy ang pag-iikot niya sa floor kasama ang assistant niya, habang si Ma’am Carmina ay lumapit para ibigay ang susunod naming gagawin. At doon ko lang napagtanto—hindi pala biro makaharap ang CEO. Pagkaalis ng CEO, para bang biglang bumalik sa normal ang paligid. Yung mga empleyadong kanina ay tila napako sa kinatatayuan, nagbalik na ulit sa kani-kanilang ginagawa—may bumalik sa pagtitipa sa keyboard, may muling tumawag sa telepono, at may iba na parang wala lang nangyari. Ako naman, naiwan lang na nakatayo sa gilid, hawak pa rin ang folder na iniabot sa akin kanina, at parang nanlalambot ang tuhod ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng tingin ni Sir Ryker o dahil sa bigat ng presensyang dala niya. “Uy, grabe, Syrelle…” bulong ni Reevana sabay mahinang tili na parang fangirl. “Ang gwapo niya sa personal! Yung tipong kahit sigawan ka niya araw-araw, okay lang basta siya yung boss mo.” Napalingon ako sa kanya, hindi makapaniwala. “Gwapo? Reevana, mas mukha nga siyang…—” natigilan ako at napabuntong-hininga. “Basta, intimidating. Parang isang maling salita mo lang, tatanggalin ka na sa kumpanya.” Ngumisi siya, halatang hindi apektado. “Eh ikaw kasi, masyado kang serious. Alam mo, baka yung pagka-intimidating niya, charm lang yun para hindi siya lapitan ng basta-basta. Pero deep inside, baka mabait.” Napataas kilay ko. “Charm? Kanina nga halos hindi ako makahinga sa tabi niya.” “Eh ako nga kinikilig,” sagot niya sabay ngiti na parang may iniisip na hindi ko maintindihan. Habang siya ay abala sa pag-iimagine kung ano man ang pinapangarap niya tungkol kay Sir Ryker, ako nama’y nanatiling tulala, iniisip kung anong klaseng CEO siya sa likod ng titig na parang nababasa lahat ng iniisip mo. Hindi pa rin ako nakaka-recover sa naging eksena nang biglang bumukas ulit ang pinto ng opisina ni Ma’am Carmina. Lumabas siya, dala ang clipboard, at agad kaming tinawag ni Reevana. “Syrelle, Reevana—dito muna kayo sa desk ko. May ipapagawa ako sa inyo,” seryosong utos niya habang tinitingnan kami mula ulo hanggang paa, para bang sinusuri kung kaya ba namin ang ipapagawa niya. Agad naming iniwan ang table namin at lumapit sa kanya. Ako, tahimik lang, pero si Reevana… ayun na naman, parang may natitirang kilig sa mga mata. “Bakit ba nakangiti ka pa diyan?” mahina kong tanong habang naglalakad kami. “Ano ka ba, Syrelle… baka makita pa ulit natin si Sir Ryker,” pabulong niyang sagot, na para bang iyon ang pinakamahalagang bagay sa araw niya. Napailing na lang ako. Pagdating namin sa desk ni Ma’am Carmina, inilapag niya ang clipboard at nagsimulang magpaliwanag. “Kayo ang mag-aasikaso sa pag-aayos ng mga papel para sa report ng department na ‘to. Kailangan ma-encode at ma-organize ‘to bago mag-4 PM. Naiintindihan?” Sabay kaming tumango, kahit ako ay medyo nagulat sa dami ng papeles na ibinigay sa amin. Habang sinisimulan namin ang trabaho, napansin kong panay ang sulyap ni Reevana sa pinto. Hindi ko alam kung inaabangan niya si Sir Ryker o kung may iba siyang iniisip, pero malinaw na hindi pa tapos sa kanya ang kilig effect kanina. Ako naman, kahit ayokong aminin, hindi ko rin maiwasang isipin yung malamig pero matalim na titig ng CEO kanina. Parang may iniwan siyang mabigat na tanong sa utak ko—at hindi ko pa alam kung gusto ko bang makahanap ng sagot. Habang abala ako sa pag-eencode ng mga papel na iniabot sa amin ni Ma’am Carmina, ramdam ko na halos magdikit na ang noo ko sa monitor sa sobrang pokus. Malinaw na malinaw ang tunog ng mabilis kong pagtitiklop ng mga daliri sa keyboard, parang typing test lang. Samantalang sa tabi ko, si Reevana… ayun, nakatungo sa mesa pero hindi naman gumagalaw ang kamay. Nakangiti lang siya mag-isa, para bang may iniisip na napaka-sarap alalahanin. Napatingin ako sa kanya, bahagya akong umiling. “Hoy, anong ginagawa mo diyan? Hindi naman yata sa ngiti mababayaran yung grades natin.” Parang natauhan siya at agad umayos ng upo, pero hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi. “Sorry, naalala ko lang si Sir Ryker… ang gwapo niya, grabe. Para siyang artista na mas may dating sa personal.” Napabuntong-hininga ako, sabay balik sa monitor. “Kung patuloy kang ganyan, baka hindi lang ikaw ang mabaliw, pati ako madadamay sa pagka-late ng report.” Natawa lang siya at kinuha ang isa sa mga folder, pero halatang hindi pa rin seryoso sa ginagawa. Paminsan-minsan ay napapahinto siya para mangarap, at ako naman ay napipilitan na doblehin ang trabaho para may matapos kami sa oras. Pero kahit anong pokus ko, hindi ko rin maalis sa isip ko yung matalim na titig ni Sir Ryker kanina. Para bang kahit wala siya sa paligid, ramdam ko pa rin yung presensya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD