SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Halos manghina ako sa upuan nang maisara ko ang folder na muling inedit at inayos ko. Ilang ulit kong binasa mula umpisa hanggang dulo, bawat numero, bawat linya, bawat graph. Para akong baliw na paulit-ulit na nagsusuri, halos dumudugo na ang mata ko sa kakatingin, pero tiniyak kong wala na talagang mali. Pagtingin ko sa oras, may kalahating oras pa bago mag-3PM. Napalunok ako, pinakawalan ang mabigat na buntong-hininga, at marahang tumayo bitbit ang bagong report. Hindi ko alam kung matutuwa siya na natapos ko ito agad o may hahanapin na naman siyang mali. Pero dahil iyon ang trabaho ko, wala akong pagpipilian. Pagpasok ko sa opisina niya, nakasandal siya sa swivel chair, nakapikit at hawak ang tulay ng ilong niya na para bang pagod o naiirita. Agad siyang tu

