Tama nga siya dapat lahat ng mabigat na dala namin sa dibdib ay maisiwalat namin sa isat-isa para wala kaming pasan-pasan dahil hindi maganda ang naging simula namin. Lalo na siya, sa tindi ng dinanas niyang hirap mula sakin na naging bangungot para sa kanya. Dahil nadin sa pagkakamali ko at sa dalusdalos kung disesyon. Sa maling paghihiganti ko hanggang ngayon inaani ko pa ang pait dito sakin puso. Dahil hanggang ngayon hindi ko paring lubos na nakukuha ang tiwala at pagmamahal ng nag-iisang babae sa buhay ko, kaya ang takot andito parin saking dibdib. Kung wala ang dalawa kung anak hindi rin siya magiging akin kaya ang aming mga anak ang tanging nagbubuklod samin. Para sa kanya hindi baling magtiis siya ng hirap kung para sa ikaliligaya ng mga anak namin. Kaya kung minsan dama ko parin a

