Kabanata Dalawangput Tatlo

2025 Words
Kailangan kung magdoble sipag ngayon sa kaalaman buhay ang aking ina. Mayroon na akung pag-aalayan ng aking mga tagumpay lahat gagawin ko mapasaya lang siya. Sa kanya ko ibubuhos lahat ng hindi ko naibigay kay Daddy. Pagsisilbihan ko siya hanggang sa huling hininga niya. May mga bagay man akung hindi alam sa pagkatao niya sa ngayon hindi na mahalaga yun basta makasama ko siya sapat na sakin. Kahit hindi ko alam ang buong istorya ng buhay nila. Hanggang ngayon hindi ko paring lubos maisip kung bakit pinagkait sa amin ni Daddy ang karapatan namin sa isat isa bilang mag-ina. Ano ba ang dahilan ni Daddy at nagsinungaling siya sa amin ni Mommy. Itinago niya samin ang katotohanan. Pinatay niya kaming dalawa ni Mommy para sa pansarili lang ba niya o mas may mabigat pa siyang dahilan. Ni hindi ko naranasang arugain ng isang ina. Mga katanungan hindi ko alam kung mabibigyan pa ba ng kasagutan dahil wala na si Daddy. Itinutok ko nalang ang buong attention ko sa mga gawain ko. Binuksan ko ang laptop ko para i-check ang mga e-mails ko kailangan kung sagutin ang mga tungkol sa mga negosyo ko. Mahihinang katok sa pintuan ng opisina ko ang ang aking narinig. Kasunod nuoy ang pagbukas at pagsara nito. Nanglingunin ko kung sinong pumasok ng wala akung pahintulot nakita ko siyang nakangiti kaya hindi na ako kumibo dahil mukhang may maganda siyang balita base na rin sa pagkakangiti niya. "Sir good afternoon" bati niya at nagtuloy tuloy na siya lumakad papalapit sa table ko. "Upo na sir ako." anyaya niya sa sarili niyang umupo sa harap ko. At ililapag niya sa ibabaw ng table ko ang mga dala niyang mga brown envelope. "Sir hindi ko alam kung problema ba o solusyon ang makipagkita ka ngayon kay Mrs. Khan da...." "Who's that f*****g Mrs. Khan?" singhal ko agad sa kanya kaya hindi na siya nakapagsalita at kinunotan ko ng noo dahil hindi yun ang inaasahan kung sasabihin niya sa akin. Napasandal nalang ako sa likuran ng swivel chair ko. Pero nginisihan lang niya ako. "That f*****g Mrs. Lorena Ibanez Khan is only your mother sir." pangaasar niya sakin. Kaya napa mura ako ng sunod-sunod na ikinangisi nanaman niya. "Now tell me all about her." utos ko nalang sa kanya para pagtakpan ang pagkapahiya ko. "Nagpakasal siya sa isang Jefferson Khan isang half Korean half Australian. Nagkaroon sila ng isang anak na babae. But sad to say na namatay na ang asawa niya. Hindi ko lang nakuha ang buong delatye kung kailan pa namatay ito pero ang sabi matagal na daw. Wala rin nakakakilala sanag-iisang anak niya. Sa ibang bansa daw nakatira ito. Ang sabi palipat-lipat daw sa America at Australia ito. "Ayun pa sa nasagap kong balita kaya sila nagpunta ng apo niya sa ibang bansa dahil nagpa-heart surgery siya. At dito niya piniling magpagaling ng lubusan kaya hindi ko alam kung makakabuti ba sa kanya ang pagkikita niyo o hindi. Alam naman nating maraming bawal sa mga ganyang kondisyon. Naisip ko lang na baka malagay sa panganib ang buhay niya pagnabigla siya." mahabang paliwanag niya kaya naihilamus ko ang mga palad ko sa aking mukha. "Ano ba ang dapat kung gawin nasasabik na akung mayakap at mahagkan siya." piping bulong ko. "How about the kid? Who is he?" tanong ko nalang dahil hanggang ngayon magtataka ako dahil kamukha ko siya ganun na ganun ako noong maliit pa ako. "Anak siya ng nag-iisang anak na babae ni Mrs. Khan. Si Ella Lorraine Khan. Nasa ibang bansa pa ito. Tanging ang mag-lola lang ang umuwi dito, dahil dito daw mag-aaral yun bata. litaniya niya. At inabut sa akin ang mga envelope na hawak niya. "Akala ko nga noong una anak mo yun bata kasi para kayung binagbiyak na bunga. At kung hindi sa bata baka hindi ko rin nakilala ang mother mo." ngisi pa niyang pang-aasar sakin. "Kung may katanungan kapa d'yan mo nalang tingnan. Kumpleto na yan. Mauna na ako" Aniya at tumayo na siya at tinalikuran na ako. "May anak na pala nag- denied pa." mahinang usal niya bago pa niya naisara ang pinto pero dinig na dinig ko naman. Kinuha ko nalang lahat ng ibinigay ni Agent Travis sakin. Isa-isa kung inilabas yun sa mga envelope maging ang mga larawan ng mag-lola. Saan anggulo ko man tingnan ang bata kamukha ko nga siya ang kulay ng pares ng mga mata niya, ang hugis ng mukha ang ilong at mga labi niya maging ang kulay ng buhok niya tulad ng sakin. Bigla akung kinabahan sa mga naiisip ko. Kahit naman mag-kapatid kami sa ina hindi naman siguro kukuha ng mukha sakin yung bata. bulong ko pa. Iba rin ang nararamdaman ko pagtinititigan ko siya kahit sa mga pictures lang. Kinakabahan ako bumibilis ang t***k ng puso ko.. Ilang beses na akung nagpapabalik-balik sa lugar kung saan sila nakatira pero hindi ko sila makita minsan humihinto pa ako sa harap ng bahay nila nagbabakasakaling lumabas sila pero wala rin. Samantala abalang-abala lahat ng empleyado sa opisina ng mga Khan. Uupong muling CEO si Mrs. Khan matapos ang limang taon pamamahinga nito dahil nasa abroad ang anak nitong babae. "Kailangan ko ang report ng lahat ng department ngayon. Paki sabing mag-submit na silang lahat." utos niya sa secretary. Marami ng nabago sa mga tao nila dahil maraming tinanggal sila Ella at Dwayne dahil sangkot sa anumalya sa kompanya nila. Nawalan sila ng napakalaking halaga na kita ng mga negosyo nila buti nalang maagapan kung hindi baka bumagsak na sila. "Good morning Tita sorry po na late ako may kausap kasi akung clients ko." paliwanag agad ni Dwayne pagpasok palang niya sa opisina nito. "It's alright hijo. Kumusta naman ang business mo?" tanong nito sa kanya pagkaupo niya sa harap nito. Ito ang nagma-manage ng mga business ng mga Khan pag nasa ibang bansa sila lalo na ng nasa Australia siya na pinili ni Ella para maoperahan siya. "So far so good naman Tita." aniya rito. "Tita Lorena may mga meeting po tayo ngayon. May board meeting po tayo ngayon 10:30am mamayang hapon may investor pong gusto kumausap satin gusto niyang mag-invest sa inyo. Ok lang po ba inyo or ipare-schedule ko nalang kung hindi niyo pa kaya." saad ni Dwayne. "Don't worry kaya ko na mahigit isang taon nanaman yung surgery ko at magaling na magaling na ako." aniya dito. "Baka po kasi pagalitan ako ni Ella pagnalaman nuon pinapagod ko kayo." tungon nito sa kanya. "Huwag niyo akung intindihin kayang kaya ko na malakas na ako ngayon hindi tulad ng dating konting galaw ko lang nahihirapan na akung huminga sa pagod." paliwanag nito. "Kahit na po Tita huwag po kayong masyadong magpagod. Hinay-hinay lang po andito naman ako tutolungan ko kayo." aniya nag-aalala din siya dito baka mabigla ito at bumalik ang dating sakit. "Magkapatid nga kayo ni Ella parang ayaw na ninyo akung pagtrabahohin. Lalo lang akung magkakasakit kung magkukulong lang ako sa bahay." anito masyadong malalahanin ang mga ito. "Dapat po kasi sa inyo nagre-relax nalang sa buhay. Nagsho-shopping nalang." anito. Kaya natawa nalang siya. "Tita ito na po lahat ng mga files natin, napirmahan ko na kahapon yun iba. Simula po ngayon kayo na uli ang signatories. Huwag po kayung magpupuyat kaya kailangan pong umuwi kayo ng maaga." litaniya niya. "Labas lang po muna ako may titingnan lang ako." paalam ko kay Tita Lorena. Nagsu-surprise visit kasi ako sa ibat ibang department dahil ayaw ko ng maulit yung nangyari noon na halos malugi na ang negosyo ng mga Khan buti nalang naagapan pa namin. Ayaw ko rin ng puro tsismisan lang ginagawa ng mga empleyado. Pag may nakita ako pinatatawag ko at bibigyan ko ng warning sa ikalawang makita ko pa sila tatangaling ko na. Kailangang maging istrekto pagdating sa trabaho. "Rem kailangan kung pumunta sa America sa isang linggo para mabisita ko rin yun negosyo ni Mama duon magdadalawang taon na akung hindi nakakapunta duon." mahabang wika ko kay Rem. "Ikaw na bahala dito. Babalik nalang ako pag naayus ko na ang iba pang negosyo namin." dagdag ko pa sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "May business din kayo sa US?" tanong niyang nanglalaki ang mga mata. "Oo isang hotel lang yun at isang clothing line." aniko. "Akala ko noon una sa Pilipinas lang kayo may business maging dito pala sa Australia at US meron din kayo. Ang yaman nyo pala nagkalat mga negosyo n'yo." litaniya ni Rem. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Rem ang totoo hindi naman sakin lahat ng yaman ng mga Khan. 'Yun lang sa Canada ang sa amin ng anak ko na hindi pa alam ni Mama ang tungkol doon. Kailangan ko din maprotektahan 'yun para hindi pagmulan ng issue. Darating din ang araw na ipagtatapat ko sa kanya ang lahat pero sa ngayon mananatiling lihim muna ang lahat dahil hindi pa ako tapos sa mission ko sa mga taong umapi sa akin. Nag-uumpisa palang ako at uunti-untiin ko sila hanggang gumapang sila sa paanan ko. Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko. Paano kung dumating ang araw na mag-kaisip na ang aking anak at malaman niya ang mga ginawa o mga gagawin ko baka hindi niya ako mapatawad dahil ama niya ang pinaghihigantihan ko. "Para saan naman 'yang mga malalalim mong buntong hininga may problema ba sa mga business 'yo sa US?" tanong niya kaya napabalik ako sa wisyo. "Wala naman problema na-miss ko lang si Franz dati lagi ko siyang kasama ngayon hindi na dahil nag-aaral na siya." pagsisinungaling ko nalang kay Rem. "Gusto mo samahan nalang kita? Sa US nakatira ang Daddy ko." saad niya. "Nasa US ang Daddy mo?" agad kung tanong sa kanya. "Oo duon sila nakatira ng second wife niya may dalawa na rin silang anak isang babae at isang lalaki." aniya. "Si Mommy ko lang ang dito nakatira pero ngayon wala na si Lola baka mag-stay na yun sa pinas anduon kasi boyfriend niya." dagdag pa niya. Kaya nagpatangutango nalang ako. Ayun sa kanya bata palang nang maghiwalay mga parents niya. Kaya sa Lola niya siya lumaki. Sa katunayan hindi lang sa US ako pupunta, pupuntahan ko din 'yun dalawang negosyo ko sa Canada kaya hindi ko pwedeng isama si Rem baka malaman pa niya ang mga sekreto ko mahirap na. "Kaya ko naman mag-travel mag-isa sanay na ako. Maiwan kana dito para mag-supervise sa project natin iba parin kung may nakabatay isa sa atin." aniko. Para hindi na siya magpilit pang sumama sa akin. Buti nalang dito ko naisipan ipagamot si Mama kung hindi di ko siya makikilala. Noong nasa US ako ilag ako sa mga lalaki dahil na rin siguro sa naging experience ko sa piling ng isang halimaw at sa mga babaeng aleporis niya. Nagpapasalamat din ako sa Doctor ni Mama sa pinas at dito sa kaibigan niyang Australiyano na isang magaling na cardiologist niya kami ini-referred. Tatlong clothing line lang sa mga kilalang mall meron si Mama dito. Na mina-manage ng kaibigan niya. Na ayun sa kanya malaki daw utang na loob nito sa kanila ng namayapang niyang asawa. Dati US at Australia lang ang mga flight ko ngayong tatlo na nasama na ang Canada. Pero kaya ko pa naman at kakayanin ko alang-alang sa pinakamanahal kung anak. Para sa iyo ito anak kung sakali mang hindi satin mapunta mga negosyo ni Mama Lorena meron pa tayong magiging kabuhayan. Lahat gagawin ko Franz para hindi mo maranasan ang hirap na napagdaanan ko. Pagdating ng araw sana maintindihan mo ako anak kung bakit ko ito ginagawa. Kailangan magkaroon ka rin ng bahagi kung anung meron ang iyong ama sa mabuti man o sa marahas na paraan. Dahil kabahagi ng buhay niya alam kung pagdating ng araw hahanapin mo rin siya. Sana pagdumating ang araw na 'yun matanggap ka niya ng maluwag sa kaluoban ng ama mo. Darating din ang araw na makikilala mo siya. At kung anung ugali mayroon siya kung paano niya ako sinaktan. Sana huwag kang magtatanim ng galit samin ng iyong ama dahil nabuo kang walang pagmamahalan sa pagitan namin dalawa. . . . . . ......................................................... please follow my account and add my stories in your library. .........."Lady Lhee".......... ......thanksguys....loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD