"Mahal saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya ng makita ko siyang nakabihis at may dalang shoulder bag hawak din niya ang susi ng kotse. "May pupuntahan lang ako may kakausapin akung tao." aniya "Sasamahan na kita." Saad ko. "Huwag na walang kasama si Wyatt wala ding magbabatayan dito." aniya at nilampasan na niya ako. Kaya wala akung nagawa kung hindi sundan nalang siya ng tanaw. Mahigit isang buwang nadin ako dito two times a week lang ako pumupunta sa opisina. Kabisado ko narin ang negosyo niya minsan ako na kahera niya. Sa pag-classify nalang ng palay ako medyo nalilito. Kaya ko na din mag-drive ng malaking truck at tractor. Kabisado ko na din kung ano ba ang sariwa at tuyong palay na kailangan pang ibilad ang sariwa at mas mababa din ang presyo kung sariwa ang palay. Sa pagbibilang

