CHAPTER 05- Face Off

1571 Words
JUSTEEN SA dinami-dami ba naman ng makaka-encounter ko today sa ganitong scene ay sina Lucky at Liya pa talaga. Kung alam ko lang na si Liya pala ang babaeng nabangga ni Josef dahil nabangga ko siya ay nilakasan ko na nang severe ang pagbangga para sumubasob talaga siya sa sahig. Nakataas ang kilay ko sa kanilang dalawa pero napapa-smile ako nang slight dahil nadi-distract ako sa presence ni Josef na nasa gitna naming tatlo. “I never thought na kaya mong maging mapanakit, Justeen. Tingnan mo ang ginawa mo sa girlfriend ko. You hurt her palm!” Naiiling nasabi niya sa akin. “`Buti nga siya, palad lang ang nasaktan. Sa akin kasi, puso.” “Pak na pak ang linyahan mo, bes! Ipo-post ko iyon sa sss. Now na!” Kinuha ni Mocha ang phone niya at nagtype doon. Ipo-post nga yata niya ang sinabi ko. “Kahit na. Kung bitter ka pa rin sa break-up natin, `wag kang mananakit ng ibang tao. Sayang, Justeen… Gusto pa sana kitang balikan pero sa ginawa mo, hindi na.” “Kapal naman, Lucky! Bakit? Sa tingin mo ba gusto pa kitang balikan? Magsama kayo ng Liya mo na sobrang arte!” “I’m not maarte!” protesta ni Liya. Galit na galit si ateng. Mas hinigpitan nito ang pagkakayakap kay Lucky na parang iniinggit pa ako. “Babe, tell me… I’m not maarte naman, `di ba? Babe!” “Yes, babe. Hindi ka maarte. Huwag kang maniniwala sa sinasabi ni Justeen—“ “Hah! Anong hindi maarte? Nasubsob lang, emergency room at ambulansya agad? Nakakaloka `yang girlfriend mo, ha!” Nag-apir pa kami ni Mocha at nagtawanan. Nakakatawa naman kasi talaga. Dinaig pa si Mocha sa pagiging OA. Grabe talaga. Mas lalo namang nagalit si Liya sa ginawa namin. Mukhang nainsulto siya sa pagtawa-tawa namin. Dinuro ako ni Liya. “You shut up!” “No! You shut up!” ganti ko. “Ikaw ang mag-shut up, Justeen!” Nakisali ulit si Lucky. “Kayong dalawa ang mag-shut up!” sigaw ko ulit. Nagulat kaming lahat nang biglang sumigaw si Josef habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang tenga. “Shut up kayong lahaaat!!! You and you and you and you! Shut up!!! Kanina pa tumatalsik mga laway niyo sa mukha ko, e!” Isa-isa niya kaming itinuro. Ako, si Mocha, si Liya pati na si Lucky. “Hoy! Hindi ako kasali diyan, ha. Saling-pusa lang ako dito.” Protesta ni Mocha. “Pwede bang huwag kayong mag-away dito? Konting konsiderasyon naman. Nabibingi na ako sa sigawan niyo, e!” “Ito kasi, e!” sabi sabay turo kay Liya. “Anong ako? Ikaw kaya—“ “Enough!” sigaw ulit ni Josef sabay walk out. Nagkatinginan kaming lahat sa ginawang pag-alis ni Josef. “Kasalanan mo talaga ito, Liya!” “Kung hindi mo itinulak `yong tao hindi niya ako mababangga kaya ikaw ang may kasalanan nito!” “Excuse me! Tinulak ako ng bes ko kaya ako nasubsob kay Josef. Maarte ka kasi. Sabunutan kita diyan, e!” “Tama na, Justeen. Umalis ka na lang!” ani Lucky. Umiling ako. “Hindi ako aalis dito, Lucky. Hindi!” “At bakit? Manggugulo ka lang. Umalis ka na. Give us a favor.” “Hindi ako aalis dito dahil hindi pa ako nakakabili ng pagkain! Ano `to? Ikaw nagpagawa nitong canteen kaya may karapatan kang paalisin ako?! Nakakaloka!” Exxagerated na sabi ko. Natameme naman sina Lucky at Liya sa sinabi ko. Akala siguro nila ay kaya nila ako, ha. Nagkakamali sila. Bwahahaha! “BES, pa’no na ito? Parang sa dami ng disaster na nagawa ko kay Josef, I don’t think na magugustuhan pa niya ako!” Problemadong sabi ko kay Mocha habang naglalakad na kami palabas ng school. Yes, gusto kong maging kami ni Josef para kapag nangyari iyon ay magiging isang malaking sampal iyon kay Lucky. Makakaganti na rin ako sa mayabang na iyon. Gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko rin siyang palitan agad-agad at mas better pa sa kanya. At si Josef lang ang nakikita kong perfect subject para sa aking mission. Gwapo, instant popular at mukhang fresh. Mabilis na inubos ni Mocha ang kinakain niyang banana cue. Iinom pa sana siya sa samalamig pero pinigilan ko siya. Sinabi ko na sagutin muna niya ang himutok ko. “Ano ka ba naman, bes?! Painumin mo muna ako at nakabara pa sa lalamunan ko `yong saging!” “Oo na! Bilisan mo na sa pag-inom. Takaw mo kasi!” Nang makainom na siya ay sinagot naman niya agad ako. “Ikaw kasi, masyado kang clumsy minsa. Ganito na lang, bumawi ka na lang sa kanya. `Di ba, marunong kang mag-bake ng cookies? Igawa mo siya tapos bigyan mo. Sabi nga nila, a way to a man’s heart is through his tiyanak.” “Anong tiyanak? Baka stomach!” “Hayaan mo na. Magkatunog naman, e. Basta iyon ang suggestion ko sa’yo, bes. Bahala ka na sa buhay mo kung susunduin mo o hindi. Basta, nagsuggest lang ako bilang kaibigan mo because I care for you and I care for our friendship. That’s why—Ump!” Bigla kong ipinasok sa bibig niya iyong banana cue ko. Alam ko naman kasi na magda-drama na naman siya. “Oh! Tama na! Magpapaka-OA ka naman!” saway ko sa kanya. Pero may point din naman ang sinabi ni Mocha. Marami man akong nagawang kasalanan kay Josef, pwede naman akong bumawi sa kanya. At susundin ko ang suggestion ni bes! Aja! “Ewan ko sa’yo, bes. Be supportive na lang. Pero nakita mo ba si Josef kanina no’ng mainis siya sa inyo. Parang… ang taray niya.” “Taray?” “Yes. Para siyang babae pala kung magalit, `no?” “Ang dami mo namang napapansin, bes. Ganoon lang talaga siguro siya magalit. Ipag-pray mo na lang na magustuhan niya ang ibe-bake kong cookies!” “Oo na. Isang malaking goodluck, bes!” BAGO ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa grocery store para bumili ng ingredients para sa gagawin kong cookies for Josef. Nauna nang umuwi si Mocha dahil magri-research pa raw siya para sa report niya bukas sa English. Iyong ibang ingredients lang ang binili ko dahil alam ko naman na iyong iba ay meron na sa bahay. Umuwi na rin agad ako dahil medyo matrabaho ang paggawa ng cookies. Kailangang masimulan ko agad ito. Chocolate cookies ang napili kong gawin. Nag-enroll kasi ako sa baking class last summer kaya marunong akong gumawa ng cookies pati na rin cupcakes saka simpleng cakes. Excited na ako sa gagawin kong ito dahil first time na magbi-bake ako ng cookies para sa isang lalaki. Hindi ko naman kasi naipag-bake ang hitad na si Lucky noong kami pa dahil hindi daw siya kumakain ng cookies. Diabetic daw ang family niya kaya nag-iingat ito sa intake ng sugar. Actually, dahil sa kanya kaya ako nag-aral mag-bake. Ang buong akala ko kasi ay magagamit ko sa kanya ang pagbi-bake para mas lalo siyang mainlove sa akin. Iyon naman pala, I was so wrong. Well, anyway, wala na sa akin iyon. Ang goal ko na lang talaga ay maging kami ni Josef para makaganti sa walanghiya kong ex! Saka magagamit ko na rin naman kay Josef ang skills ko sa pagbi-bake. Pagdating ko ng bahay ay kumain agad kami ni Mama Jolina ng dinner. Habang hinuhugasan niya ang pinagkainan namin ay inumpisahan ko na ang paggawa ng chocolate cookies. “Aba, aba, aba! Anong meron at magbi-bake ka?” Tudyo sa akin ni Mama Jolina. “Mama!” Kunwari ay nahihiya kong saway. Pabebe lang? “Ibibigay mo ba iyan kay Lucky para magkabalikan kayo?” “`Ma, don’t say bad words. Hindi ito para sa hinayupak na iyon.” Mi-nix ko na iyong dry ingredients at wet. Tapos nang well mixed na sila ay saka ko naman sila pinagsama sa electric mixer. Tinapos na ni Mama Jolina ang paghuhugas at nilapitan ako para panoorin ang ginagawa ko. “Well, well, well! Eh, sino naman ang lucky—uhm… maswerte palang lalaki na pinagbe-bake mo, junakis?” Sinundot-sundot pa niya ako sa tagiliran kaya naman nakikiliti na humagikhik ako. “Basta po. Saka ko na lang sasabihin sa inyo ang lahat. Pero this is for my revenge, `ma!” “Naku, ang taray naman talaga ng anak ko! Mana ka talaga sa akin. Alam mo ba noong dalagita pa ako niloko din ako ng jowa ko. Gumanti rin ako! Sinapak ko sa gitna ng maraming tao ang walanghiya. Ganiyan dapat tayong mga babae, hindi dapat tayo nagpapaapi. Girl power!” “Girl power!” Itinaas pa namin ni Mama Jolina ang mga kamao namin. “Sige na. Ikaw na nag bahala dito. Galingan mo sa paggawa ng cookies. Manonood lang ako ng Encantadia!” At kinanta pa niya iyong theme song ng Encantadia. Iyong makapatid-litid na kanya. “Haaa! Yaaa! Haaa! Yaaa!” Kailangang masarapan talaga sa gagawin kong chocolate cookies si Josef. Baka sa way na ito ay mawala ang bad impressions niya sa akin at kapag nangyari iyon, magagawa ko na ang next move—ang magkagusto siya sa akin. Tingnan ko lang kung hindi lunukin lahat ni Lucky ang sinabi niya sa akin kapag naging kami na ni Josef.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD