CHAPTER 43 - Sasama ka sa akin!

909 Words

BUMALANDRA sa sahig si Irenea. Hindi pa man nakakahuma sa pagkahilo at pamamanhid ng mukha ay muli itong napangiwi nang daklutin ni Roberto ang buhok nito at hilahin. "Mamamatay pala muna, ha?! Lalo mo lamang akong ginagalit! Minahal kita, walanghiya ka! Pero ano ang ginanti mo?! Ano ang iginanti mo?! Nilagyan mo ng tae ang ulo ko! Marumi kang babae!", pagkasabi ay walang kaabog abog na inundayan ng suntok ang sikmura ni Irenea! "Agh!", daing ng napaluhod ang babae. Parang kandilang naupos. ''Huwag! Tama na Roberto! Baka kung mapaano ang anak ko. Maawa ka sa kanya.", paputol putol na pakiusap ni Irenea nang muling iamba ng lalaki ang kamao. Nakasapo ito sa tiyan na nasaktan. ''Talagang pati ang hayup na batang yan ay sisingilin ko sa ginawa mong kataksilan!", nanlilisik ang mga matang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD