“ANO’NG nangyari? Bakit ayaw na mag-start?", tanong ni Milen. Nasa tono nito ang takot sa sinabi ni Aldo na baka magtawag nga ang matanda at katayin sila ng mga magda-datingang tagaroon. Nagtatanong din ang mga mata ni Aldo nang tignan ni Butsoy. "Ewan ko pare, kanina ay maayos naman ang takbo natin bago pa natin muntik mabundol 'yong matanda. Nakita niyo naman, 'di ba?", paliwanag ni Butsoy. "Teka lang at titignan ko.", pagkasabi ni Butsoy ay lumabas na ito sa sasakyan. Inangat ang hood at inalam ang dahilan kung bakit ayaw mag-start ng makina. Sumunod naman agad si Aldo upang alamin din kung ano ang nangyari. "Putsa pare! Baterya ang problema natin, drain na!'', sigaw ni Josh nang makita ang battery gauge ng sasakyan. "Putang ina! Paano nangyari 'yan?!", napipikong tanong ni Aldo pa

