CHAPTER 20 - Yabag ng matanda

898 Words

DAHIL sa nangyari ay nawalan na rin ng gana si Aldo. Lumabas na siya sa silid ni Josh,at pumasok sa silid na para sa kanya. Iniwanan niyang bukas ang pinto upang kung magbalik ang dalawang kaibigang umihi at makitang wala siya doon ay malalaman namang naroon lang siya sa loob ng kanyang silid. Nagsindi siyang muli ng sigarilyo. Bahagya niyang binuksan ang bintanang salamin upang makalabas ang usok na ibubuga niya. Napagawi ang tingin niya sa malaking puno kung saan nakita ang isang taong nakatayo roon kanina. Muling nabuhay ang kagustuhan niyang tiyakin ang nakita bago pa magpasukan ang mga kaibigan. Sa tama ng liwanag na nagmumula sa kidlat ay muli niyang tinitigan ang madilim na bahagi ng lugar na yon. Hindi siya kumukurap. Ultimo ang paghinga ay halos pigilin upang hindi makasagabal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD