Chapter 27.5. Ynah's POV Muntik na akong matawa sa mga pinagsasabi ni Pat. Wala na naman kasi sa lugar ang pagpapagana ng mga instincts niya. "Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo Pat? Oo, alam na naming matalino ka sa mga ganyan.. pero ibang usapin na 'to. Okay nang alam mong may nagpapadala sa akin ng mga gan'tong bagay, kung kada kailan ito at kung anong mayroon sa mga binibigay niya sa akin." Napakamot siya sa ulo niya, "Pero Ate, isipin mo naman kasi.. sino sa tingin mo magpapadala---" "Hindi ko alam. Wala rin naman akong idea kung sino nagpapadala sa akin ng mga 'yan." "Ayun nga, wala ka ngang idea kaya nga we will find out kung sino ang nasa likod nang lahat ng ito." "Sino ba sa tingin mo? Si Zayn?" Dineretso ko na siya. Ayan din naman ang gusto niyang marinig, diba? Napahinto s

