CHAPTER TWENTY TWO HINDI ALAM ni Dom kung gaano siya katagal nawalan ng malay. Ngunit dahil ramdam niya pa ang hapdi ng kaniyang bibig na tumama sa matigas na lupa, pakiwari niya ay saglit lang iyon. Pero nang tumingin siya sa paligid ay wala na sina Matilda at ang lalaki nito. Mabuti nalang at walang mga nakakita sa kanilang mga kapitbahay nila, kaya hindi masyadong nakakahiya. Nakabakod din ang bahay nila kaya mahihirapan talagang managap ng balita 'yong mga tsismosang nasa paligid nila. Napailing na lamang si Dom habang dahan-dahang tumayo. Naisip niyang wala na ngang pakialam ang kaniyang asawa sa kaniya, kasi hindi na nga ito nag-abalang ilipat siya habang nawalan ng malay diba? Bagkus ay pinabayaan lang siya nitong nakalugmok sa lupa. Mabigat man ang kaniyang kalooban dahil sa s

