13: Dating Stage

2339 Words
CHAPTER THIRTEEN "MAYBE YOU'RE wondering why I want to be alone with you?" Tanong ni Dom kay Autumn habang nakaupo silang magkaharap sa table ng VIP Room ng restaurant. "Well, I just want to ask you something. And I hope that you'll answer me honestly." Dagdag niya pa na sinagot lang nito ng tango. "Why did you do that?" Diretsang tanong niya rito habang tinitigan ito ng seryoso. Hindi agad nakasagot si Autumn, at kumunot lang ang noo nito tanda na hindi nito naiintindihan ang ibig niyang sabihin. "P-po?" Naguguluhang tugon-tanong nito habang sinalubong ang seryoso niyang titig. "That thing you did to me more than five years ago, why did you do that?" Seryosong paglilinaw niya dahilan upang bigla itong mamutla. Hindi ito nakasagot at bigla itong napaiwas ng tingin sa kaniya. Pansin niya rin ang paglabas ng pawis sa noo nito kahit na malamig naman dito sa loob. Her eyes became restless while nervously looking around room like a cornered criminal who wants to find a way to espace from her captor. Upon seeing her reactions, his jaws tensed. Naisip niyang mukhang totoo nga 'yong sinabi ni Damian Wayne sa kaniya kahapon bago ito umalis papuntang Maynila. Damian was one of the few trusted men of Salvatore inside the prison. Isa ito sa mga taong kasama ng Mafia King sa mismong quarter nito kaya alam nito ang halos lahat nang ginagawa ni Salvatore. One of which was the thing they did to make a certain woman seduce him. Bilang right-hand man sa loob ng bilangguan, gustong gusto ni Salvatore na regaluhan siya babae upang gawin niyang pang-aliw, ngunit ilang ulit niya itong tinanggihan noon sa kadahilanang kinamumuhian niya ang lahat nang babae sa mundo. Paulit-ulit siyang ni-regalohan ni Salvatore ng babae at paulit-ulit niya rin itong tinanggihan. Not until Autumn came. Yes! Salvatore is the person who made Autumn seduce him. And this truth, that he just found out, was the hardest pill for him to take. Akala niya nagustuhan siya ng dalaga kaya nito ginawa ang bagay na iyon sa kaniya. Akala niya bukal sa kalooban nito gawin ang bagay na iyon dahil ramdam niya iyon sa nakakatuwang reaksyon nito no'ng una silang magkita pagkatapos ng nangyari sa kanila. When his heart became hard rock because of what his ex-wife have done to him, when he became numb due to so much hearache he once suffered, Autumn was the one who made him feel something similar to love again. Autumn was the one who made his heart beat in a wierd but pleasing manner, again. Autumn was the one who awakened his emotions. Kaya hindi niya matanggap nang sabihin ni Damian sa kaniya na ang nangyari sa pagitan nila ni Autumn ay dahil sa utos ni Salvatore. Si Damian pa raw mismo ang nagsabi noon sa direktor ng bilangguan na gustong iregalo ni Salvatore kay Dom si Autumn dahil napansin daw ng Mafia King na palagi niyang tinitigan ang dalaga mula sa malayo. Hindi niya alam kung paano nakombinse ng direktor si Autumn upang isuko nito ang virginity sa kaniya. But one thing is for sure, it was because of Salvatore. At hindi niya ito matanggap. Kaya naman, pagkatapos makabalik sa trabaho, ay agad niyang pinatawag si Autumn dahil gusto niya nang itanong dito ang tunay na dahilan kung bakit nito nagawa ang bagay na iyon noon. Aminado siyang nalilibang siya sa ginagawa niyang pagkukunwaring hindi niya naalala na may nangyari sa kanila minsan, dahil ito sa 'cute' reactions ng dalaga na nakakapagbigay kiliti sa kaniyang dibdib. Her reactions whenever they're together were so amusing. Nakyu-cute-tan talaga siya rito. Ngunit matapos marinig ang sinabi ni Damian, bigla siyang nawalan ng gana. He invested his time and emotion to play with Autumn because he thought she did it in her own will. He didn't treat her the way he treated his b!tches because for him she's different. However, despite his ruthlessness, he is still a reasonable man. Ginagawa niya ang mga bagay na ginagawa niya dahil may sapat siyang dahilan at basehan. And before he'll change his treatment towards Autumn, kailangan niya munang pakinggan ang side nito. Kailangan niya itong bigyan ng pagkakataong magpaliwanag, at kailangan niya munang malaman ang dahilan nito. "I am waiting for your answer." Seryosong wika niya nang hindi pa rin nakapagsalita ang dalaga. Huminga siya ng malalim sabay sandal sa kaniyang upuan at seryoso itong tinitigan. "E-excuse me, Sir. I-I need to use the bathroom." Namumutla at pinagpapawisang sabi nito sabay tayo sa kinauupuan. "You're not going anywhere until you'll give me an honest answer." Tugon niya rito at mabilis ding tumayo. At bago pa makalapit sa pintuan ng VIP Room dalaga ay agad niya nang naiharang ang katawan sa harapan nito. "S-Sir." Parang nininerbyos nitong wika habang napaatras. "Don't you dare dodge my question, Autumn. I need to know the real reason why you did that, and I need to know it now." Mariin niyang sabi habang mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat nito. "So, let me repeat it. Why did you do that?" Ulit niya pa sa kaniyang tanong. Sinubukan ng dalaga na kumawala sa pagkahawak niya sa balikat nito, ngunit dahil mas malakas siya ay halos hindi man lang ito makagalaw. "B-because I.. I l-like you." Cornered and no way for her to get out of this conversation, Autumn decided to concede and answered his question. "Look at me in the eyes." Utos ni Dom dahil nakayuko lang ito nang sabihin nito ang mga bagay na iyon. Hindi alam ni Dom kung totoo o hindi ang sinabi nito. And the only way to know the truth is through looking at her eyes. Tumalima naman ang dalaga dahilan upang magkasalubong na naman ang kanilang mga mata. Ngunit saglit lang iyon dahil agad itong umiwas ng tingin pagkatapos. Hindi alam ni Dom kung totoo ba ang nakikita niya, but the look in her eyes told him that she's telling the truth. Isa pa, napansin niya rin na ang kaninang maputla nitong mukha ay namumula na. At kaya ito umiwas ng tingin sa kaniya dahil nahihiya ito. Ibig sabihin, totoo ang sinabi nito. Totoong nagkagusto ito sa kaniya kaya nito nagawa ang bagay na iyon. Pero paano naman 'yong sinabi ni Damian? He knew Damian. Malalim ang pinagsamahan nila ng taong 'yon. Kahit tauhan niya ito, he considered him as his brother. He trusted the man and Damian was yet to disappoint him. Kaya alam niyang nagsasabi rin ito ng totoo. 'Damn it.' Mahinang mura niya sa isip dahil hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan. Ngunit sa isang banda sa kaniyang isipan ay mas naniniwala siya may Autumn. Maybe, nasuhulan nga ito ng direktor ng kulungan noon kaya siya nito ginawan ng gano'n, but the fact that she's a virgin doesn't make sense. May gano'n bang babae na handang ibigay ang virginity sa isang lalaking hindi nito kilala? Siguro meron, kung ang babaeng 'yon ay gipit na gipit na sa buhay. But Autumn was not. She's an independent woman based on his intelligence. She's living on her own and she's making a decent money because she's working in a huge company. Kaya hindi ito gipit sa pera to the point the ibebenta na nito ang virginity. So, the only valid reason why she did that thing was because she likes him. While inside that hellish prison, ilang ulit na ring bumisita si Autumn kasama ang grupo nito. Kaya ilang ulit na rin silang nagkikita. At sa tuwing tinititigan niya ang dalaga mula sa malayo ay palagi siya nitong nahuhuli. Kaya baka sa hindi mabilang na mga gano'ng pagkakataon nahulog sa kaniya ang dalaga. "S-so, all this t-time, you.. you r-remembered t-those things?" Maya-maya lang ay narinig niyang tanong ng dalaga. Mahina at nauutal pa ito habang sinabi ang mga bagay na iyon. "Did I ever say I didn't remember?" Tugon niya naman sabay balik sa kaniyang upuan. "Actually, sinadya ko talagang magpanggap na hindi ko naalala ang nangyari sa atin noon. And my reason is simple, I am just amused by your reactions every time you're near me." Sabi niya pa habang pasalampak na umupo sa malambot na upuan. "I don't know, but out of all the women around me, you're the only one who made me feel that way. It's maybe because I also like you." Dagdag niya pa habang nakatingin sa chandelier na nasa gitna ng ceiling ng VIP Room. Hindi niya alam pero bigla nalang siyang nakaramdam ng kakaiba dahilan upang masabi ang mga bagay na ito. It's a confession. But he doesn't care. He just felt good, and he feel like saying it, kaya niya ito sinabi. Samantalang si Autumn naman ay biglang na estatuwa sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng kaniyang Boss. "... It's maybe because I also like you." Those words echoed in her mind repeatedly making her blush even more. 'H-he. Likes me?' Di makapaniwalang bulong niya sa isip habang hindi pa rin nagalaw sa kaniyang pwesto. 'Did he just confess?' Dadag niya pa sa isip habang tinitigan ang kaniyang Boss na ngayon ay parang nakatingin sa kawalan. "Ma'am, Sir. Here's your order." Ang katahimikang namagitan sa kanila ay biglang nabasag nang magsalita ang waiter na may dalang mga tray ng pagkain, may tatlo pa itong kasamang nasa likuran nito at may dala ring mga pagkain. Pumasok ito mula sa isang special door na sadyang ginawa para daanan ng mga waiters. "Mmm." Tanging sabi ni Dom sa mga ito kaya maingat nang nilagay ng mga waiters ang pagkain sa mesa. "Come on. Let's eat." Sabi nito sa kaniya kaya bumalik na lang din siya sa upuan. "I already asked Geline to order a food for us before we came into this room." Paliwanag naman nito nang tumingin siyang may pagtataka sa mga pagkaing nasa kanilang harapan. "Ahh." Tanging sagot niya dahil hindi pa rin siya nakahuma mula sa nangyayari. She was forced to confess. And later on she was being confessed too. Plus the fact that his Boss actually remembered the things that they did in the past. Everything was blowing her mind. Kahit makapal ang kaniyang mukha minsan ay halos hindi niya kinaya ang hiyang naramdaman. She almost passed out due to embarrassment. Mabuti nalang talaga at nagtapat din ito sa kaniya. Kaya nabawasan din ng kaunti ang hiyang naramdaman. And now that he's acting like nothing happened, ay unti-unti na rin siyang naka-recover. Or let say, pinilit niya ang sarili to act as if nothing happened, too. Pero may isang parte pa rin ng kaniyang isip ang sumisigaw ng "you have mutual feelings!" at "this is your official first date". "Let's eat." Wika nito dahilan upang mapatigil siya sa pag-iisip ng kung ano-ano. Matapos pilitin ang sarili to act as if nothing happened, ay maingat na siyang kumuha ng pagkain. At nang magsimula nang kumain ang kaniyang Boss ay kumain na rin siya. Pagkalipas ng halos dalawampong minuto ay natapos na rin silang kumain. Kaya nang tumayo si Dom ay tumayo na rin siya. Sabay silang lumabas ng VIP Room, at pagkalabas nila ay nakita niyang naghihintay na pala rito ang mga bodyguards ni Dom. Kung kanina ay parang napaka-carefree ng ekspresyon ng mukha ng kaniyang Boss habang nasa loob sila ng VIP Room, ngayon naman ay bumalik na naman ito sa nakakatakot nitong aura. Stern and formal. But with dangerous and restless eyes na maya't mayang sumusulyap sa paligid. Kaya habang naglalakad sila palabas ay halos nakayuko lang iilang costumers at staff ng restaurant na nakakasalubong nila. Pagkalabas nila ng gusali ay naghihintay na ang tatlong Armored Rolls-Royce Cullinan SUV. Nang lumapit na sila rito ay agad naman binuksan ng driver ang pintuan ng SUV dahilan upang mas lalong nailang si Autumn. Feeling niya kasi, isa siyang VIP. Nang makasakay na sila ay pinausad na ng driver ang kotse patungo sa Mindanao Summit Corporation Building. Habang tumatakbo ang sasakyan ay tahimik lang sila. Kasama niya kasi ngayon ang kaniyang Boss. At silang dalawa lang, maliban sa driver ang lulan ng kotse. Naiilang pa rin si Autumn dahil sa nangyari kanina. Kaya tinikom niya ang kaniyang bibig habang pinipilit ang sariling huwag sulyapan ang kaniyang katabi hanggang sa makarating sila sa kanilang destinasyon. Nang huminto ang sasakyan ay napansin niyang hindi gumalaw ang kaniyang katabi, kahit na nang buksan ng isa sa mga bodyguards nito ang pintuan ng SUV. Kaya dali-dali nalang siyang bumaba dahil baka hindi ito aakyat sa opisina nito. "I won't be going to my office for now. But I will fetch you later, after your work. Let's have dinner together." Diretsang sabi nito sa kaniya sa seryosong tono. "Y-yes, Sir." Kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang pumayag nalang. Her boss is like a type who won't accept "no" for an answer, kaya mapipilitan talaga siyang pumayag. Anyway, gusto niya rin naman ito. Like, who won't? She'll be having a dinner with their handsome CEO. Para na siyang tumama ng lotto no'n kahit hindi siya tumaya. "It's Dom." Narinig niyang sabi nito pero hindi niya na-gets ang ibig nitong sabihin. Kaya magalang niya itong tinugon ng tanong. "S-Sir?" Aniya. "Call me Dom. And don't you ever call me 'Sir' again. We are dating now, so, isn't it natural to call ourselves in first name basis?" Tugon naman nito. "Remember, I'll fetch you after work." Dagdag pa nito at bago pa siya nakasagot ay isinara na nito ang pintoan ng SUV at pagkatapos ay dahan-dahan na itong umusad paalis. Naiwan namang nakatayo sa kaniyang pwesto si Autumn habang nakanganga. Pulang-pula ang kaniyang mukha habang hindi makapaniwala sa narinig. 'Did he just say we're dating now?' Bulong niya sa sarili. "Unbelievable." Mahinang sabi niya habang tinitigan ang papalayo nang SUV ni Dom. "Did he just declare that we're now dating without even asking me if I'm okay with it? And he just leave me like that." Dagdag reklamo niya pa, ngunit hininaan niya lang ito at baka may makarinig. Pero sa kabila nito, inaamin niyang kinilig siya. She'll be dating with her boss. What the hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD