CHAPTER THIRTY FIVE HALOS mabingi si Dom sa samu't saring sigaw ng mga prisong nasa gilid ng pasilyong dinadaanan niya. Kahit may kasama siyang Jail Guards na nasa magkabilang gilid niya ay may mga priso pa ring sumubok na abutin siya. Mabuti nalang at maagap ang mga guards at madali nilang nahahampas ang mga kamay na sumubok umabot sa kaniya. Sa kabila ng ingay sa paligid ay kalmado at tuwid lang siyang naglalakad sa kung saan siya ihahatid ng mga jail guards na kasama. Halos wala na siyang pakialam sa kaniyang buhay sa mga sandaling ito. Binabagabag siya ng konsensya nitong nakaraang isang buwan at halos gabi-gabi niyang nakikita ang duguang katawan ni Willie. Dumagdag pa rito ang katutuhanang hawak niya ang kamay nito at nakita niya pa ang huling paghinga ng kakusa na naging kaibiga

