CHAPTER SIXTEEN
Sa kalagitnaan ng malamig at tahimik na gabi, sa ilalim ng mahinang ilaw ng buwan, makikita ang isang malaking yati na naka-angkla sa isang pantalan. Maya-maya lang, ang mapayapang kapaligiran na pinuno lamang ng tunog ng alon na maya't mayang humahampas sa dalampasigan, ay bigla binasag ng malalakas na tunog ng sasakyang umaandar.
Nagmula ito sa mga sasakyang dumarating sa pook at huminto ilang metro mula sa pantalan. Mula sa mga sasakyang ito ay lumabas ang mga kalalakihang nakasuot ng itim na damit at may hawak na matataas na kalibre ng baril.
Pagkalabas ng mga ito sa kani-kanilang sasakyan ay agad silang kumalat sa iba't ibang bahagi ng pook. Matapos masigurong walang ibang tao narito ay kumumpas sila sa iba pang hindi pa nakababa ng sasakyan.
Matapos makitang secured na ang buong kapaligiran ay inilabas na ng mga kalalakihan ang dalawang tao, babae at lalaki, na naka-posas ang mga kamay at paa. Binuhat itong ng dalawang lalaki at dali-daling isinakay sa nakadaong na yati.
Sumunod namang lumabas sa isang Rolls-Royce Cullinan ang isang makisig na lalaki, at tulad ng dalawang nauna, ay may binubuhat din itong katawan, isang babaeng parang natutulog.
Matapos makasakay sa yati kasama ang halos dalampong tauhan ay dahan-dahan na itong umandar at maya-maya lang ay umusad na ito paalis ng pribadong daungan na iyon.
Nang makalayo na ang yati, ay nagsialisan naman ang mga natitirang kalalakihan sakay ng mga sasakyang nakaparada malapit sa pantalan.
Sa top deck naman ng lumalayag na yati, ay makikitang nakatayo si Dom dito habang nakatingin sa malayo kahit na purong kadiliman lamang ang makikita sa banda roon. Hindi niya alintana ang malamig na simoy ng hangin na tila yumayakap sa kaniyang buong katawan dahil maliban sa iniinom na whiskey ay napakalalim din ng kaniyang iniisip. Ang ekpresyon ng kaniyang seryoso at madilim na mukha ay tila ba repleksyon ng madilim at payapang karagatan na mahinang nilalayag ng yati.
Kanina pa siyang tahimik mula no'ng makaalis sila sa bayan ng Santa Fe.
Habang bumabyahe patungo sa pribadong pantalan, ay gulong-gulo na ang kaniyang isipan. Mabuti nalang at hindi na siya naistorbo ni Autumn dahil pinaamoy niya ito ng kimekal na pampatulog bago pa sila makaalis sa mansyon ni Don Antonio.
Wala sa kaniyang orihinal na plano ang pagkakasangkot ni Autumn sa ginagawa niya ngayon. Ngunit dahil anak ito ng taong kinamumuhian niya, ay mukhang kailangan talaga niyang mag-desisyon.
Idadamay niya ba ito sa napakabigat na kasalanan ng ama nito sa kaniya?
Ito ang tanong na nagpapagulo sa kaniyang isipan ngayon. Dahil sa unang pagkakataon, walang ideya si Dom kung ano ang gagawin.
Malalim, napakalalim ng kaniyang galit kay Don Antonio. At dahil sa lalim nito ay handa siyang ibigay ang kaniyang kaluluwa kay satanas, mabigyan lang ng hustisya ang ginawa nitong kababuyan sa kaniya. Kung mapapatay niya man ito ay handa siyang pupunta sa impyerno upang doon ito patayin ng paulit-ulit hanggang sa maibsan ang galit at pagkasuklam niya rito.
Gano'n kalalim ang galit ni Dom kay Don Antonio.
Ngunit sino bang mag-aakala na ngayong nasa kamay niya na ang pagkakataong mapagbayad ito sa lahat nang kasalanan nito sa kaniya ay susulpot naman ang isang napakalaking hadlang sa kaniyang planong paghihiganti? Si Autumn.
Ang anak ng taong kinamumuhian niya na siya ring bumubuhay sa patay niya nang damdamin. Ang babaeng nagpapaalala sa kaniya kung gaano kasarap ang umibig.
"Damn it!!" Galit at inis na inis na sigaw ni Dom sa kalagitnaan ng karagatan sabay bato ng hawak na basong may laman na alak.
At sa kalagitnaan ng kanilang paglalayag, kasabay ng paghampas ng mga alon sa yating umaabante patungo sa direkyon ng islang makikita na mula sa malayo dahil sa ilaw mula sa isang watch tower, ay dahan-dahan namang bumalik sa isip ni Dom ang lahat nang mga nangyayari sa nakaraan.
Ang mga pangyayaring naging dahilan kung bakit nabago ang kaniyang buhay at pagkatao. Ang mga pangyayaring maaaring magbibigay sa kaniya ng liwanag upang makapagpasya sa kung ano ang mga susunod na gagawin.
....
....
Twenty One years ago.
"Wow! Ang ganda!" Puno ng paghangang sigaw ng batang Dominic habang nakatingin sa isang islang unti-unting lumalapit sa kaniyang paningin.
Halos tatalon na siya sa sinasakyang barge nang lumalapit na ito sa pampang ng isla na iyon.
Nagniningning ang kaniyang mga mata dahil sa ganda ng tanawin na halatang ngayon niya lang nakita. Sabik na sabik na siyang lumangoy sa malinis na tubig dagat lalo pa at nakikita niya na ang puting buhangin na tila ba naglalaro sa ilalim ng malinaw na tubig. Gusto niya nang hawakan ang kulay rosas na mga korales na nagbibigay buhay sa ilalim ng dagat, at ang ilang mga isda na nakikitang sumasayaw sa ritmo ng alon.
Nang dumaong ang barge sa pantalan ng isla, nakikita niya ang mga manggagawa na tila ba ay kanina pang naghihintay sa kanilang pagdating. Maluwang at matamis ang ngiti ng mga ito habang nagbibigay ng mainit na pagtanggap at malugod na pagbati sa kanila.
"Dominic, please." Saway ni Matilda sa kaniya dahil kanina pa silang pinagtitinginan ng kanilang mga kasama dahil para siyang batang hindi mapakali dahil sa excitement bagay na nakakapanibago para sa lahat.
Ngunit para kay Dom, natural na reaksyon lamang ito.
Lumaki kasi siyang nakatira sa bukiring bahagi ng probinsya ng Bukidnon ilang daan milya ang layo mula sa lungsod ng San Diego. Dahil sa kahirapan ay hindi niya naranasang makaligo o makakita man lang ng dagat. Oo nga pala, nakakakita na pala siya ng dagat, ngunit hanggang larawan at tv lamang iyon.
Simula pagkabata, ay nakagisnan na ni Dom ang hirap ng buhay. 'Yong tipong wala kang makakakain kung hindi ka magta-trabaho. Kaya bilang bata, na-miss niya ang mga pagkakataong makapaglibang kasama ang mga kaibigan, dahil palagi siyang nagta-trabaho sa taniman ng tubo ng amo ng kaniyang mga magulang.
Maaga silang pumupunta sa tubuhan, kasama ang kaniyang inay at itay at hapon na kung uuwi. Tanging araw ng linggo lamang ang kanilang pahinga na ginagamit naman ni Dom upang magsimba at maglaba ng mga damit. Kaya ilang oras lamang naigugugol niya sa paglalaro at paglilibang.
At malaki ang naging epekto nito sa buhay at pagkatao ni Dom. Naging mahiyain siya at halos hindi marunong makikipagkaibigan.
Hindi na rin siya napag-aral ng kahit na elementary dahil araw-araw silang nasa tubuhan. Dahil nga kung hindi sila magta-trabaho ay wala silang pambili ng pagkain at gamot ng kaniyang sakiting kapatid.
Mabuti nalang at may Alternative Learning System o ALS, kaya naman nakapag-aral din siya at nakatapos ng elementarya.
Dahil sa kagustuhang makapag-aral ng high school ay nakiusap siya sa amo ng kaniyang mga magulang na magwo-working student. Tinanggap naman siya ng mga ito, at pinayagan din siya ng kaniyang mga magulang dahil nangako siyang ibibigay sa mga ito ang kaniyang kikitain.
Nagta-trabaho siya sa araw bilang cleaner sa malaking bahay ng mga Montenegro, ang amo ng kaniyang mga magulang, at nag-aaral naman siya sa gabi.
Nakapagtapos naman siya ng high school, at dahil likas na matalinong bata ay naka-graduate pa siya with high honor, dahilan upang mabigyan siya ng full scholarship ng isang kilalang unibersidad, na siyang dahilan kung bakit nakapagpatuloy siya sa pag-aaral ng kolehiyo.
At dahil sa Lungsod ng San Diego na siya nag-aaral, napakalayo mula sa bahay nga kaniyang amo, ay napahinto sa pagta-trabaho rito at napilitang maghanap ng panibagong trabaho pangtustos sa kaniyang pag-aaral at para na rin may maipadala siya sa kaniyang mga magulang.
Natural na masipag na bata si Dom, kaya madali lang siyang nakahanap ng trabaho. Nakapasok siya bilang delivery boy ng isang negosyante na nagbebenta ng iba't commodities at grocery items sa buong lungsod.
Bilang delivery boy, ang trabaho niya ay maghatid ng mga panindad sa iba't ibang tindahan ng lungsod na siyang resellers ng kaniyang amo.
Hindi siya marunong mag-drive ng motorsiklo, ngunit dahil tricycle ang kaniyang gamit ay madali lang siyang natuto rito. Kaya isang linggo lang ay pinagkatiwalaan na siya ng kaniyang amo at may sarili na siyang area kung saan siya madi-deliver.
Masipag at matiyagang magtrabaho si Dom kaya napabilib sa kaniya ang kaniyang amo dahilan upang taasan nito ang kaniyang sahod na iniipon niya naman at pinapadala sa kaniyang mga magulang ang ilang bahagi.
Tulad no'ng Highschool, nagta-trabaho siya sa araw at nag-aaral naman siya sa gabi.
Maliban ssa kaniyang katalinuhan ay may taglay rin na ka-gwapuhan si Dom, kaya naman sa kanilang paaralan ay naging lapitin siya ng mga babae. At isa na rito si Matilda.
Ang babaeng crush niya no'ng una palang nilang pagkikita.
Maganda si Matilda, sexy at mahinhin. Desente rin itong manamit kaya madali siyang nahumaling dito.
Bilang isang mahiyaing teenager na baguhan sa larangan ng pag-ibig, at mahina pagdating sa pakikipag-kaibigan, lalong lalo na sa mga babae, ay hindi alam ni Dom kung ano ang gagawin upang maipagtapat ang kaniyang damdamin kay Matilda.
Ngunit noong naging ka-partner niya ito sa kanilang ballroom dance sa PE Subject, ay hindi na sinayang ni Dom ang pagkakataong ligawan ito.
Hindi naman agad tinanggap ni Matilda ang kaniyang pag-ibig, dahil nais nitong masuri muna kung gaano siya ka seryoso.
Kaya mula noon, sa tuwing walang trabaho ay bumibisita siya sa bahay ng dalaga at nakikipag-usap dito habang nakikipaghalubilo sa mga magulang nito.
Tumutulong din siya sa mga gawaing bahay, tulad ng pagsibak ng kahoy at pag-igib ng tubig mula sa tapstand ng barangay.
Ito kasi ang paraan ng panliligaw sa panahon na iyon.
Makalipas ang kalahating taon, second year na sila no'n ay sinagot na rin siya ni Matilda.
At dahil sa kapusukan, ay hindi nila napigil ang sarili at nagawa nila ang bagay na dapat ay ang mag-asawa lamang ang gumagawa.
Nalaman ito ng mga magulang ni Matilda dahil sa mismong bahay ng dalaga nangyari ang lahat, kaya nang dumating sila sa edad na dyes y otso, ay ipinakasal silang dalawa sa huwis.
Ipinaliwanag naman ni Dom sa mga magulang ni Matilda ang kalagayan ng kaniyang pamilya, mabuti nalang at naintindihan naman iyon ng mga ito, kaya hindi na nila pinilit na papuntahin ang mga magulang niya sa San Diego.
Civil ang naging kasal nila, at binigyan din sila ng maliit at lupa ng mga magulang ni Matilda upang makapagbukod. Gamit ang maliit na halagang naipon ay nagpatayo sila ng maliit na barong-barong.
Masaya naman sila sa kanilang buhay at ipinagpatuloy pa rin nila ang pag-aaral sa kabila ng lahat.
Mabuti nalang at medyo malaki na ang sahod ni Dom, kaya kahit papaano ay hindi naman sila naghirap ni Matilda.
Ngunit hindi alam ni Dom na ang lahat nang ito ay nakatakda na palang mababago dahil sa isang tao.
"Doming, tulungan mo nalang din si Manny sa pagdadala ng mga gamit natin." Utos ni Tomas kay Dom nang makababa na ito sa barge na sinasakyan nila dahilan upang mabalik sa kasalukuyan ang isip niya.
Doming ang tawag ng amo niya sa kaniya kaya ito na rin ang naging palayaw niya. Si Matilda lang at ang kaniyang mga kakilala sa probinsya nila ang tumatawag sa kaniya ng Dom. At minsan, magiging Dominic siya kapag naiinis sa kaniya ang asawa.
Si Tomas naman ay ang kaniyang amo. At si Manny ay ang personal na driver nito.
Nandito sila ngayon sa isang island resort dahil dito gustong mag-christmas party ng asawa ni Tomas. At bilang pasasalamat sa mga tauhan nito, ay imbitado silang lahat pati kanilang pamilya, kaya nandito sina Dom at Matilda.
"Sandali lang, Mahal, ah. Tutulungan ko lang si Manny." Paalam niya sa asawa at bumalik aa barge upang hakutin ang mga gamit nila.
Pagkatapos dalhin ang kanilang mga gamit sa loob ng nerentahan nilang kwarto ay tumulong na rin si Dom sa pagluluto ng kanilang tanghalian.
Habang ang kaniyang asawa ay abala sa pag-i-enjoy ng magandang tanawin sa paligid.
Samantalang sa isang parte ng isla, sa isang mala-palasyong beach mansion na nakatirik katabi ng beach kung saan pumuwesto sina Dom, ay makikita ang isang middle aged na lalaking nakatanaw sa bughaw at malinis na dagat gamit ang kaniyang mamahalin na telescope.
"Don Antonio, nakahanda na po ang tanghalian." Nakayukong sabi ng magandang babae na nakasuot ng itim na uniporme at puting apron. Ito ang katulong ng Don sa Rest House niyang ito.
"Mmm." Tugon naman ng Don habang patuloy pa rin sa pagtingin sa paligid gamit ang kaniyang teleskopyo.
"Sige po." Sabi naman ng katulong at maingat na umalis sa veranda ng mansion.
"Oh. What a beauty." Maya-maya'y bulalas ng Don nang mapako ang paningin nito sa isang babaeng naglalakad sa malinis at puting dalampasigan ng katabing beach resort.
Bihirang humanga ang Don sa kagandahan ng isang babae simula noong mamatay ang kaniyang asawa. Ngunit kapag may nagugustuhan naman siya, ay handa niyang gawin ang lahat makuha lang ito.
At ngayong may babae na namang nakaagaw ng kaniyang atensyon, ay hindi malabong gagawin niya na naman ang dati niyang ginagawa.
Naniniwala kasi ang Don na hangga't may pera siya, walang dilag na aayaw sa kaniya.
"Give me the information of that woman in purple shirt and black shorts. I like her." Bulong ng Don habang tinitigan pa rin mula sa kaniyang teleskopyo ang babae na ngayon ay nakatingin sa banda niya dahil upang makita niya ang maamo at malaanghel nitong mukha.
"What are you waiting for?" Dadag pa ng Don sabay baba ng kaniyang hawak na binoculars at sinipat ang kaniyang dalawang tauhan na kanina pang nakatayo sa kaniyang likuran.
"S-sorry, Don Antonio. We will do what you've asked us now." Tugon ng isa sa mga ito sabay yuko sa Don at pagkatapos ay mabilis na umalis sa veranda ng mansyon.
At pagkaraan lang ng ilang sandali ay makikita na ang dalawa na pumasok sa beach resort kung saan naroon sina Dom. Pagkatapos ay agad na nilapitan ng mga ito si Matilda na noon ay nakatingin sa isang napakagandang bahay na nakatayo sa gilid napakagandang dagat.