Ako si Samatha De velthel ngunit tinatawag saakin ay halimaw kalabaw
Dahil ako ay pinanganak na pangit...
Hindi ko iniinsulto sarili ko ngunit yan ang aking nakasanayan
Sino ba naman ang magkakagusto sa isang pulubi at may napaka pangit na itsura kagaya ko?
Mga bulag ata Haha...
Totoo bulag lang ang mag-kakagusto sa isang katulad ko
Ako ay may pangit na imahe na mas mapapacompara sa isang manananggal
Dahil sa kapangitan ko ako ay laging tinutukso ng ibang mga tao...
Pati nga sarili kong pamilya mas gugustuhin nalang daw ako mamatay kaysa mabuhay kasama nila
Pinagtabuyan nila ako at di itinuring tao dahil isa daw akong malas na bata...
Lahat yan naranasan ko nung akoy anim na taong gulang...
Kahit anong gawin ko, sa paningin nila ako ay dakilang pangit na madaling tapaktapakan
Sa buhay na ito gusto ko lang naman maranasan ang buhay na hindi sinasaktan ng kahit sino
Gusto ko lang naman may magmahal sakin kahit isa lang... maranasan ko lang ang kagandahan dito sa mundong ang mukha ang binabasehan sa pagrespeto sa tao...
Dito sa mundong para bang mga pangit ay walang karapatang mabuhay...
Napaisip ako Bat di nalang ako mamatay?
"*Sigh* Sa kabilang mundo nalang ako magpapangarap ng isang magandang buhay..."
!!!!?
"Meow!"
Isang pusa?
!!!!?
"Ang cute naman neto!!"
Ang pusang ito lumapit saakin at para bang pinapagaan niya ang aking pakiramdam
Napahanga ako sa kagandahan nitong pusa parang mas maganda pa eto kaysa saakin eh Hahahaha
"Asan na pala ako? Ay oh noh! Pag namatay ako wala naman mag hahanap sakin....Munting pusa alam mo ba sa halip matutuwa pa ang pamilya ko kaysa sa magdusa sa aking pagkawala Hayst...-
Napatingin ako sa ulap
-Samatha, Maging masaya nalang tayo sa kabilang buhay... sisiguraduhin ko walang makakasakit sayo..."
Sa pagkakataon na yun wala na akong inisip ngunit ang lumisan dito sa mundo ko ngunit dahil sa munting pusa na ito parang may pagasa akong mabuhay na masaya...
"Munting pusa gusto mo ba maging kaibigan ko?..."
Ewan ko saan galing itong pusa na ito ngunit itong pusa sa pagkakataon na andyan siya napagaan ang aking pakiramdam...
"Meow meow..."
Ito ay lumapit saakin at binigyan ako ng parang isang ngiti
"Pumapayag ka munting kaibigan? Ayos!"
Sa sobra kong kasaya bigla ko kinuha ang aking bagong munting kaibigan at aksidenting na tapon sa labas ng bahay...
"MUNTING KAIBIGAN KO!- oooo?"
Napangiti ako buti nga na ligtas ng puno namin ang munti kong kaibigan
"Patawan munting kaibigan di ko sinasadya mangyari yun halika tumalon ka saakin..."
Inabot ko ang aking kamay ko ngunit ang aking munting kaibigan ay may kalayoan
"Hintayin mo ko aakyat ako!"
Sa pagkakataon na eto pilit kong inaabot ang aking kamay sa munti kong kaibigan ngunit malayo pa eto
"SAMATHA!!!!"
Sa sigaw na iyon ako ay nabigla at muntik na mahulog
"Ano kailangan mo?!"
Nairita kong tanong
"Wag kang tatalon!!"
Hayst napatingin ako sa munting pusa
"Di ako tatalon kukunin ko lang ang kaibi-...
-gan..."
Sa pagtalikot ko nawalan ako ng balanse
'Eto naba? Mamamatay naba ako sa gantong paraan?'
...
...
...
...
...
...
'Bat parang may sumangit sa damit ko?'
Sa pagtaas ko sa aking ulo nasilayan ko ang isang napakagwapong walang isip at gusto maging isang bayani na di mapakaling nilalang ang kaibigang kong si Alenzo na ang siyang dahilan bat ako nawalan ng balanse
"Sam!! Kunin mo kamay ko at wag kangbibitaw!!"
"BOBO BITAWAN MO DAMIT KO!!!!"
Napasigaw ako sa galit Pag nagpatuloy pa ito masisira damit ko!
"Ang bigat mo!" Sigaw niya
"Edi bitawan mo!! Masisira damit ko!"
'Isa nalang magagawa ko ay ang isama siya...'
"Hindi kita bibitawan sam... dahil di pa ako nagpakatotoo sayo!! Sam sa totoo lang gus-..."
"TUMAHIMIK KANG ITSYOSERONG LALAKI!! PAG AYAW MO KO BITAWAN PWES!! SABAY TAYONG BABAGSAK!"
"SAM!!"
"SAM !!!! GISING!!!! SA------!!!"
Eto na ba katapusan ko? Sa second floor lang kami tumalon...
'Walang kwenta ka Alenzo pag di mo lang ako pinigilan sana maayos ang pag landing ko!.... '
Di naman ako magpapakamatay Kukunin ko lang ang pusa sa puno para sumaya naman buhay ko (╥﹏╥) at umalis sa mapanakit na mundong nakasanayan ko.