Episode 2

3422 Words
MIA's POVs Mahamog ang kapaligiran at malamig ang simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat. Kulang isang kilometro lamang ang layo ng dalampasigan mula sa kalsada kaya mababatid ang maalat na simoy ng hangin. Naglalakad ako sa gilid ng kalsada patungo sa isang chinese restaurant. Napakaliwanag at makulay ng mga establisyemento na aking nalalagpasan may mga nagtitinda rin ng iba-ibang lkase ng streetfoods sa mga tapat nito. Komportableng ibibulsa ko ang aking parehong kamay sa aking drawstring hoodie pocket. Malaya akong naglakad at nagmasid-masid.Kakaiba talaga ang buhay sa labas ng maynila sabi ko sa isip. Ngunit kong meron man itong pagkakatulad ito ang epekto ng kasiyahan at ingay nang bawat club. Napakaingay at ma-tao sa kabilang bahagi ng kalsada. Magkakatabing Bars at clubs ang nasa kabilang tapat ng restaurant na kinatatayuan ko. Bago ako tuluyang pumasok sa restaurant ay inayos ko muna ang aking itsura. Nakasout din ako ng itim na fitted mask tulad sa mga kdrama na napapanood ko. Maingat kong itinulak ang glass door ng restaurant madami rin ang mga taong kumakain. Pumasok ako sa loob, hindi ko maiwasan na mairita sa kanilang mga ekspresyon may masama ang tiningin , pinasadahan din nila ako mula ulo hanggang paa. "Bakit naman ganyan kayo makatingin sakin?parang ayaw nyo kung pakainin dito" bulong ko sa sarili. Nanatili akong nakatayo at sinipat kung may bakanteng lamesa para mapwestuhan ko. Lumapad ang aking ngiti nang may nakita akong tatlong customer na paalis na. Mabilis kong binaybay ang pwesto doon at naupo. Malinis na ang lamesa na aking kinaroroonan. Agad akong linapitan ng waitress para iabot ang menu nila. "Good evening po, welcome to taihao, here is our menu" Bati nito sakin, Binati ko rin siya.Inabot ako nang ilang minuto sa pagoorder. Habang naghihintay ako , may grupo nang mga kabataan sa tapat ng mesa ko. Sa tantsa ko ay mga kolehiyo ito at tila may mga kaya. Ilan sakanila ay Maarte magsasalita at pasosyal kumilos. Hindi ko gusto ang mga titig ng ilan sakanila. Yung mga babaeng nakaupo sa kabilang bahagi ng table ay nakaharap sa gawi ko. hindi ko maiwasang mairita nagbubulungan tsaka tila ako pinaguusapan, nakaramdam ako ng kauntinh pagkaasiwa. "problema ng mga bruhang toh" bulong ko sa sarili habang nakapatong ang aking nga siko sa lamesa. Kahit ang mga kasama nilang mga lalaki napapatingin at napapalingon na din sa gawi ko. Naging iritable lalo ako sa grupo nila. Nagtaka ako na tila linalarawan nila ang aking itsura na tila akong kriminal na pumuga sa kulungan kung pasadahan nila. "Ano raw? anong artista? disguise? " Mahinang bulong ko sa sinabi ng binatang Nakapolo ng puti. Lumingon ako sa bahagi na may glass panel ng kainan. Nabigla ako sa tindi ng takip sa aking mukha. Nakahood na may suot na cap at mask at glasses sa gawi ng glass panel. Hindi ako sanay sa atensyon at chismisan kaya tuluyan ko na lang inalis ang mga nakatakip sa aking anyo. Una kong hinawi ang aking hood, sunod ang cap kong itim, bahagya kong inayos ang aking buhok sa ibabaw, inalis ang aking salamin na ipinatong ko sa ibabaw ng cap ko. Dahan-dahan kong inalis ang aking mask . Pasimple kong sinipat ang aking mukha sa aking cellphone front camera para masiguradong may liptint pa saking labi. Dahilan para Napanganga yung mga lalaking nakaharap sa gawi ko. Habang naghihintay naisipan kong ichat ang aking mga kaibigan noong highschool. Busy ako sa pagtitipa sa aking cellphone ngunit abala din ang aking pandinig sa usapan ng mga nasa kabilang lamesa. " bro, talagang maraming namamatay sa maling akala nohh" sabi ng isa sakanila ngumuso ito sa kanila. "tol, sabi mo pa nga panget yung nakasuot ng itim likuran ko mas maganda pa nga yan sa artista" komento ng isa pa. " hoy wag nga kayo mga tol., syempre mas maganda yan sa artista siguro maganda din katawan nyan, sobrang balot" dagdag pa ng isang lalaki. "Yan kasi napapala niyo, grabe judgmental kasi kayo manyak nyo" singit nang babae sa tapat ko.Naputol ang kanilang usapan dahil sakin. "Ikaw kaya nagsabi kanina na..." di na natuloy iyong linya nung cute na babae. Nalingon silang bigla sakin ...bila akong nasamid habang nagtitipa sa aking cellphone at tuluyan na akong naubo. Agad kong kinawayan yung waiter sa may counter. Hindi ko parin makalma ang hapdi ng aking lalamunan.Agad itong lumapit sa akin. Humingi ako nang bottled water. Bago pa maihatid sakin ng waiter yung tubig. Biglang may nag-abot na agad sakin. "Heto iyo na lang" alok mahinhin na boses. Agad ko itong ininum nang hindi siya linilingon dahil nagyuko ako ng ulo sa sakit ng aking lalamunan., inabot din niya sakin yung tissue para punasan ang ilang tulo ng tubig sa aking labi. "salamat po " sabi ko pagkatapos kung punasan ang bibig ko inangat ko ang aking paningin upang pagmasdan ang itaura niya. "salamat po , ma'am" ulit kong sabi. Maamo ang kanyang mukha at matamis kung ngumiti sa aking palagay ay nasa mid-30s na ito base na rin sa kanyang mukha. "walang anuman iyon miss" sabi nito. "Pwede bang maupo na lang ako dito? wala kasi akong maupuan? may kasama ka ba?" sunod-sunod nitong tanung sakin. "okay lang po, mag-isa lang din naman po ako dito" nahihiya kong sagot. Bago ako ulit nagtipa sa cellphone ko. Tinanong niya ako kung pwde bang sumabay na lamang siya kumain sakin agad na man akong tumango. Magaan ang pakiramdam ko sakanya. Kinawayan niya yung waitress at agad na umorder nang pagkain. Nagsalita ulit ito. "taga dito ka ba miss?ako pala si Kitchie." biglang tanong ng kasama ko sa lamesa at agad na nagpakilala.. "hello po ms. kitchie." sabay lahad ko ng kamay sakanya. "MJ po" nginitian ko siya. "hindi po ako nakatira dito, pero nandito po yung buong angkan ko , eh kayo po saan po kayo dito?" usisa ko sakanya at ibinaba ko iyong hawak kong phone. "tiga-maynila ako, sa pasig, may important business deal lang iyong boss ko, eh alam mo na kapag assistant laging kasama"? tawa nito. "sana all sinasama ng boss" tukso ko kay ms. kitchie. Sabay dinala iyong order namin. Naging enjoy ang dinner ko kasama ang bago kung kakilala na si ms. kitchie. Panay rin ang papuriniya sakin. Maganda daw ako pilit din niya akong tinatanong sa beauty regimen ko. Naiiling na lamang ako sa kadaldalan nito.Masaya siyang kasama madami siyang kwento tungkol sa trabaho samantalang ako ngiti at bungisngis na lang at may kaunting tanung din. Inabot din ang dinner naming dalawa nang higit sa isa't kalahating oras. Treat ko na kay ms.kitchie yung dinner namin. Pilit niya tinatangihan na ako ang magbabayad ng order namin kaso inunahan ko na siya kanina noong nagpunta ako ng wash room. Inabot ko na yung card ko sa counter. Nang pagbalik ko sa table namin ay sumenyas na siya sa waitress. Agad na lumapit sa amin yung babae. Inabot nito kay ms.kitchie yung isang paper bag na inorder niya kaninang wala ako. "heto , para sayo Mj , A simple token of appreciation ko" alok niya sa akin. "ay sana wag na po...pero salamt po. nag-abala pa po kayo sakin" tanong ko sakanya. "it's okay mj sabi ko naman kasi sayo my treat eh kaso inunahan mo na 'ko" ngumiti ito na tila ako linalambing. Naalala ko tuloy si mommy sonia sakanya. "ayos lang po iyon, maliit na bagay pero salamat po dito." sabay kuha ko sa paper bag na nasa harap ko. Ngumiti siya sakin.Sabay kaming lumabas sa restaurant. Mag-aalas nuwebe na ng gabi. Hinatid ko siya sa kanyang sasakyan na nakaparada sa harap ng isang convenient store. Nagpresenta siyang ihatid ako kaso sinabi kung may dala akong sariling sasakyan kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. Sa halip ay Inabot niya sakin ang kanyang calling card. Nagpalitan din kami ng numero.Ito ang nakalagay sa card na inabot niya. "Linero Group of companies" " Linero Construction And Steels" Kumaway ako sakanya at nagpatuloy na naglakad patungo sa direksyon ng Pay Parking.Tinalukbong kong muli ang aking hoodie sa ibabaw ng aking itim na cap, sobrang mahamog na ..Tumawid ako sa kabilang kalsada , may parte dito na madilim at malalayo ang pagitan ng poste ng ilaw. Nagkibit balikat na lamang ako at hindi alintana ang peligro. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Naging kakaiba ang aking pakiramdam tila may sumusunod sakin. Hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy lamang sa aking paglalakad. May mga sasakyan man na dumadaan hindi parin naging komportable ang aking pakiramdam. May sandaling lilingon ako kaso wala aking makitang anino. Bahagya na akong malapit sa kinaroroon ng Pay parking nang bigla akong tutukan ng kutsilyo sa aking kanang tagiliran. Wala akong maramdamang pag-aalinlangan at takot sa taong nasa likuran ko. Nanatili lamang akong nakatayo at bahagyang nakataas ang aking mga kamay pantay sa aking dibdib.Tanda na hindi ako lalaban sakanya.Pansin kong may mga iilang sasakyan din ang nakaparada sa di kalayuan. Hindi ko din inaasahan na may tutulong sa akin sa mga oras na ito. Napakainosente ng Gabing ito. Walang buhay na bulong ko sa sarili. Malalim at nakakatakot ang boses na lumabas sa bibig ng lalaki sa aking likuran. Sa tantsa ko ay mas tangkad lamang ako sakanya nang bahagya "Akin na ang pera at cellphone mo kung ayaw kong butasin ko iyang tagiliran mo" utos ng holdaper sakin, nanatili lamang akong tahimik at pinapakiramdaman ito. "Narinig mo ba ako, Akin na ang pera at cellphone mo bilisss" ulit nito sakin. "eh boss limang daan lang po pera kong dala" saad ko, medyo liningon ko siya kaso nagalit ito sakin "wag kang lilingon kung ayaw mong bumulagta dito" banta niya sakin. Nag-isip ako nang bahagya kung paano ko to iiwasan ang isang ito. "eh boss, pwde niyo po ba ibaba na yung hawak nyo sa gilid ko, ibibigay ko naman po wag mo lang akong saktan" pakiusap ko sakanya. Kaso hard to get ang kuya mo. "wag mo kong binubola , akin na dali sabi" saad niya sa akin na tila ba may alinlangan. Mababakas sa boses nito sanay ito sa ganitong trabaho. Pilit kong dini-distract iti sa pag-mamakaawa ko. Narinde na ata ang kolokoy. Sinamantala ko ito para isahan siya. Mabilis kong hinawakan ang kanyang kanang kamay para pigilin ang nakatutok sa aking katawan.Gamit ang right hand ko I grab his right wrist and twisted it in forward position then pulled his same arm forward in between my arm that made him dropoed his weapon meanwhile my right leg is on a back step positon and my left leg slightly forward to balanse my defense position samantalang my left elbow is in anchoring position on his lower jaw .I automatically fold my right elbow para puntiryahin ang kanyang tyan kaya iyo bahagyang natumba. Ngunit muli itong tumayo at naglabas ng panibaging armas ,hawak na balisong. Winasiwas nito sa harapan ko nang may paghihiganti. Ilang hakbang din paatras ang ginawa ko.Nasa Attack mode ito. Nasa tapat na kami ng poste ng ilaw kung saan mas malinaw kung naaninag ang kanyang anyo. I held his right arm with my whole right arm in full force to avoid it to moved. while my left arm is holding his lower face to stop him for a counter attack. Using my whole strength I did my best to knocked him down to the ground. Now I am over him holding his face and my right knee is on his arms while my left foot is on his other arm that causing him a hard time moving while I locked him down. Samantalang hawak na ang aking phone para tumawag ng pulis. Biglang lumabas iyong mga gwardiya sa Pay Parking area. Pinaubaya ko na sa dalawang gwardiya yung lalaki. "Ma'am ano pong nangyari sakanya?" hingal na tanong nang matabang gwurdiya. "Hinuholdap po ako nito eh kayo nang bahala sir" sambit ko sakanila. "Ayos Lang po ba kayo Ma'am?" tumango lang ako at nagpagpag ng damit sabay lakad sa direksyon ng paradahan. Ngunit Nagpupumiglas yung holdaper bigla itong nakatakas sakanila , humiyaw sila at mabilis na hinabol ako ng kawatan, napalingon ako sa likuran ko. Mabilis na Turning round kick ang pinakawalan ko sakto sa kanyang panga dahilan para ito tumilapon at bumagsak sa semento. Natulala iyong mga gwardya sa ginawa ko. Mala-black widow kong pinakawalan ang mabilis na sipa sa pasusugod na lalaki. Nagmistula akong SCARLET JOHANSSON sa harapan ng dalawang gwardya. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang mga pulis. Agad nila akong linapitan. "Magandang gabi, ma'am! kayo ho ba iyong tumawag sa police station?" saad ng pulis na romesponde." Magandang gabi rin ho mga sir" bati ko..Sinalaysay ko ang buong pangyayari. Inimbitahan ako ng mga pulis sa police station para sa case report nila. Habang nagbibigay ako ng statement lumapit yung pulis na nasa front desk. Nakiusap na hintayin ko raw yung provincial chief nila para personal akong makausap dahil isa palang most wanted person ang lalaking aking naincounter. Alas-onse na nang abisuhan ako ng pulis na narating na daw ang provincial chief nila. Inabisuhan ko ang mga pulis on duty na sa sasakyan ko na muna ko maghihintay at tawagin na lamang ako sakaling dumating ang boss nila. Kinatok ako ng pulis mula sa bintana nang aking kotse. pabalikwas akong lumingon sa ajing kaliwa. "Ma'am...ma'am.." katok ng pulis " Nasa loob na si chief, tara na po" dugtong nito.Tanging sunod-sunod na tango lang ang ginawa ko. Inayos ko ang aking itsura. Sinipat ko kung may morning glory ba sa mata ko.. nakakahiya kung nagkataon...nag powder dun ako para mukhang fresh lang naglagay din ako ng kaunting liptint. Sinuklay ko ng aking kamay ang aking buhok at bumababa ng sasakyan. Nasa loob na ko tapat ngfront desk, hindi ko inaasahan na makikita ko ang kasama ng provincial chief. Nangunot ang noo ng lalaking nasa tabi nito. Mabilis akong tumalikod at akmang hahakbang palabas nang biglang tawagin ako ng taong tatakasan ko sana. " Mia is that you? " nagtatakang tanong ng boses na tumawag saakin. " it's you..wag ka nang tumakas... huli pero di kulong" litanya nito sa akin. "lumapit ka nga dito...lspit dito" tawa pa niya. " Hi " sabay ikot ko paharap may ngiwi sa aking labi "...kuya Simon este Gov pala, nice to see you here" naiiling kong sagot habang kamot ko ang aking ulo. Lumapit ako sa tabi niya at binati ang pulis chief.Tinaguan lang ako nito at ngumiti.Pinakilala niya ako sa mga kapulisan. at tsaka ako mabilis na Hinatak ng kapatid ko palapit sa kanya at inakbayan ako. Nagkatinginan ang mga tao samin at parang kinikilig pa. " Ano ba kuya, wala tayo sa bahay. Baka isipin nila mag-jowa tayo." bulong ko sa kapatid ko. " hayaan mo sila...don't you know i miss you little missy." bulong din niya sakin. Kinurot ko siya sa kanyang likuran. Pinagpatuloy niya ang paguusap nila ng mga pulis . Minsan lumilingon din sakin si kuya habang ako naman panay kurot sa likod niya .Pinagtripan ko na lamang siya dahil malamang sa malamang, mamaya ay popolbusin niya ko ng sermon lalo pa at pilegro ang kinasangkutan ko. Dahil sa nasangkot nanaman ako sa peligro na labis nilang kinakabahala saakin. Inabot nang trenta minutos ang kanilang station visit sa station . Hawak ako ni kuya sa punong pulsuhan ko. Hatak lang naman niya ko na tila ko tatakas. Nangalay na rin ang kamay ko sakanya. nagpasalamat at nagpaalam na kami pagkatapos.Palabas na kami nang nagsalita ito. " Sumabay kana sakin Mj....manong freddie? convoy niyo yung sasakyan ni Mj satin." utos nito sa driver niya.Agad itong tumalima. Inabot ko ang susi ko kay manong, pinakuha ko rin ang bag ko sa sasakyan. Pinagbuksan ako ng pinto ni kuya simon. " gentleman mo gov, ikaw ba yan" tukso ko kay kuya. hawak ni kuya ang aking ulo para di ako mauntog bahang lingon ko siya. " Ngayon lang yan Namnamin mo na,Missy, bukas hindi na" biro rin ito sakin. Sakay na kami ng sasakyan seryoso ng mukha nito nang tumingin ako sa kanya. "But still we're not yet done missy, tomorrow ,you have alot of explaining to do" tumawa lang ako ng mahina at pumirmi ng upo. Diretso kami ngayon sa hacienda margarita Na pagmamay-ari ng aming pamilya. Kasalukuyang nakasandal ang right side ng ulo ko sa kaliwang dulo ng balikat ni kuya simon inayos niya ang aking ulo. Iidlip muna ko sabi ko sakanya. Nasanay ako sa ganitong sweetness sa mga kapatid ko lalo na kay kuya simon. Kahit na sa katotohanan ay mga pinsan ko lamang sila . Magkapatid ang aking namayapang ina si mama Mirasol at ang kinikilala kong ama ngayon na si daddy Maning.Kung paano iyon nangyari ay sa ibang araw ko na ikwekwento. Nagising ako sa mabagal na pag-talbog nang sinasakyan namin. Dahan-dahan akong kumilos at umayos nang upo. minasahe kong bahagya ang aking leeg dahil sa ngalay. Linihon ko ang kuya ko.Nakapikit ito at nakaidlip din tulad ko. tumingin ako sa labas ng bintana sa kaliwa ko . Madilim ang paligid ngunit may mga poste nang ilaw sa gilid ng kalsada at sa mga kabahayan na aming nalalagapsan. Nanatili parin akong nakatanaw sa may nakasinding ilaw sa labas nang kanilang bahayan.May mga humps din kaming linalagpasan kaya napapatalbog ang sasakyan kapag natatapat dito. Nanatiling madilim at kapansin pansin ang mga poste ng ilaw na nakakalat sa labas sa poste sa gilid ng kalsada at sa bahaging taniman sa mismong hacienda na. "wow...solar ba ang mga yon?"sabay silip ko sa mga poste na aming nadaraanan. Boses ni kuya ang biglang sumagot. " yes, dad provided those, para tipid sa energy" saad nito " may mga nangunguha kasi sa mga pinya at nagmimilagro sa tubuhan". dugto pa nito sa sinabi. "talaga?...bongga naman..ibaleng ang lupain ni dad..yayamanin talaga. naol may pasolar si papang" sambit ko na ikinatawa ni kuya at ginulo nito ang ibabaw ng buhok ko. " sana all talaga, even sa bahay they installed alot of solar panel.." dagdag pa niya sakin. " mahal kaya yan..." ngumuso ako kay kuya. sumang-ayon siya sakin at muling pumikit. Samantalang ako naman ako nakatingin sa harap nang sasakyan. Natanaw ko ang malayo pa naming bahay. Nasa gitnang Bahagi ng hacienda ang aming magandang bahay na may disenyon na parang country home. Batuhang disenyo sa labas at may veranda sa bawat bintana sa taas at mga halamang sumasakop sa bahagi ng pader na gumagapang paakyat sa taas. Masyadong maliwanang ang buong kapaligiran na dulot ng mga bumbilyang nakasabit sa mga poste. Palapit nang palapit kami sa maluwang na harapan ng bahay may parte sa harap ng bhay na makalaan para sa paradahan ng sasakyan nasa 10 ang kasyang kotse dito. Huminto ang sasakyan sa mismong tapat ng malaking kahoy na pintuan namin. Kanina pang gising si kuya. Agad akong Bumaba hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ko ni manong steve. Tinawag ako ng kuya ko bago ko pa maisara ang pinto ng kotse. " let them carry you stuff,sinabi ko nang iakyat sa taas , pumasok kana mahamog na missy...susunod ako" bilin nito sakin agad akong pumasok sa loob. Tahimik ang buong bahay. Naupo ako sa sofa nasalikuran ko ang dining area..Tulog na siguro silang lahat...walang ingay na ipinasok nila manong freddie nag mga gamit ko. inabot ni mang freddie yung paper bag na bigay ni ms. kitchie sakin.Kumuha ako ng plalto at nagtimpla ng kape sa kusina.At kinain ito. nagulat ako nang sumulpot sa likuran ko si nanay saling. Punong Kawaksi ni Mommy sa bahay. " pulannggg galaaa kaaa" napaintad ako sa pagkakaupo ko. gulat na natapon ko pa yung 3n1 kung ibubuhos sa tasa. lumingon ako sakanya. " nanay naman para kang pusa... nakakagulat ka" Maktol ko sakanya. "oh hija, pasensya na.." ngumiti ako sakanya at ngumuso pagkatapos "ginabi kana sa paguwi..."-saling "oho...kasama ko si kuya umuwi"-mia "kamusta kana?nagugutom ka ba ...sandali'tt ipagpagiinit kita ng makakain" alok nito sakin. "mabuti naman po....wag na nanay okay na ko dito"sabay angat ng plato. " magpahinga na po kayo sa silid niyo ako na pong bahala dito" ngumiti ako sabay thumbs up pa. "oh siya ...sigurado ka ha..." paniniguro nito sakin ...." mauna na ko, gisingin mo ko hija kapag may kailangan ka" dagdag pa nito. lumapit ako saknya at humalik sa pisngi niya. Hinaplos naman nya ang aking mukha at ngumiti. Namiss ko ang mga tao dito. Ininit kong ang 1 container ng dumplings na bigay ni ms. kitchie. sa microwave at nagtimpla ng panibagong kape. Dinaanan din ako ni kuya simon sa kusina para maggoodnight sakin.Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako nang toothbrush sa storage room malapit sa kusina at nagsipilyo.Tinamad na kong umakyat sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD