Apple Antoinette Maraño Mag-aalas otso na nang gabi ng handa na kaming matulog ng biglang may bumusinang sasakyan sa labas ng mansion. Mabuti na lang at tulog na ang anak ko kaya hindi na ito naagambala. Pagka kasi nakatulog na ito ay hindi na ito magigising pa ulit hanggat hindi nag-uamaga. Maliban na lang kung humingi ito ng gatas. Hindi ko na sana bababain ngunit mukhang tulog na rin sina Lay at Manang Elvie. Kaya ako na lang ang nagbukas ng pinto para sa kung sino mang bisita. Wala din kasi akong ini-inspect bisita lalo na at gabi na. Sigurado naman akong hindi ito si Jeremy dahil maghapon itong hindi nagparamdam. Muli akong nakarinig ang busina kaya nagmamadali akong bumaba. Naka-day off din kasi ang Guard kaya walang pwedeng asahan. Matapos buksan ang entrada ng mansion a

