Apple Antoinette Maraño Four years later “Apo naman, di ba sabi ko sayo wag kang malikot? Ayan tuloy madumi na manan ang damit mo,” stress na wika ni nanay kay Jereriah. Ito ang naabutan kong takpo pagpasok ko sa bahay. Galing ako sa bakery na pinahtratrabahuan ko. Pinapagalitan ni nanay ang apo niya dahil ang kalat naman. At ang snacks niya na cereals ay pinaglaruan lang. Kaya ang nangyari ay pareho nagkalat ang mga patak nito sa sahig at ang mukhang anak ko ay punong-puno ng lugaw. Ang lagkit tuloy tingnan. Napailing na lang ako. Nasobrahan sa kakulitan ang anak ko. Palibhasa ay spoiled sa mga taong nakapaligid. Lahat na lang ng gusto ay binigay sa anak ko. Lalo na sa dalawa niyang ninang na spoiled na spoid siya. “Lala, play ako,” rason naman ng anak ko. “Pagkain to. Hindi laruan

