Apple Antoinette Maraño Mabilis na umakyat pabalik sa taas si Jeremy, dala-dala ang walang malay na si Nicole. Punong-puno ng dugo ang noo ng bata. Nakita kong may sugat ito marahil ay nasagi ito ng bato na dahilan upang mawalan ito ng malay. “Diyos ko,” tanging usal ko na lang. “Babe, buksan mo ang backseat,” Utos sa akin ni Jeremy. Kinarga ko si Jeremiah at tinakbo ang sasakyan upang buksan ang backseat nito. Mabilis akong sumakay doon at itinabi si Jeremish sa gilid ko. Ipinasok naman ni Jeremy si Nicole at pinaunan sa hita ko. Pagkatapos ay mabilis niyang isarado ang pinto at dali-daling umikot sa driver’s seat. Agad niyang pinaandar ang sasakyan pababa sa burol. Ang daming dugo na umagos mula sa ulo ni Nicole at sobrang putla na niya habang wala pa rin malay. Nanginginig n

