Apple Antoinette Maraño Lumipad nga patungong Los Angeles si Jeremy. Iwan ko ba ang bigat ng loob ko nang umalis siya pakiramdam ko ay nangyayari na kakaiba. Sinasawalang bahala ko na lang muna dahil wala pa naman. Baka masyado lang akong nag-emote at nag-isip. “Ate? Okay ka lang?” tanong ni Lay sa akin. “Oo okay lang ako. Asan si Jeremiah?” tanong ko sa kanya. “Nasa kusina. Kumakain ng paborito nyang fried chicken.” sagot niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. Magkasama kasi ang dalawa. Nag-volunteer si Lay na siyang mag-aalaga sa anak ko. Para daw may magawa naman daw sya. Hinayaan ko na lang dahil gusto rin ng anak ko na laging may kalaro. “Na miss mo si Kuya, ate?” tukso ni Lay sa akin. “Hindi, ah. Ikaw talaga kung ano-anong nakikita mo,” sabi ko at ginulo ang buhok

