Jeremy Cole Zueralga Pinagmasdan ko ang anak kong natutulog sa kama niya habang tinatabihan ni Apple. Naaawa ako sa ako kong ito. Mukhang malaking trauma ang dala sa kanya ang tunay niyang ina. Plus nasira pa ang birthday party niya dahil sa pagsulpot ng ina. Napaka inconsiderate talaga ng ina niyang yon. Sana kung manggulo itinaon na lang sana sa ibang araw. Hindi sa mismong party ng anak. “Tulog na,” sabi ni Apple at kumilos para bumaba sa kama ng anak ko. “Salamat,” sabi ko sa kanya. Inalalayan ko siya para makababa at lumabas na kami sa kwarto ng anak ko. Bumalik kaming dalawa sa kwarto namin. “Anong plano mo ngayon?” tanong niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Maging ako ay hindi alam ang gagawin ngayon. Ang

