Los Angeles California Tuwang-tuwa ang mga bata na nag ligaliw sa isa sa mga famous beach resort dito LA, California. For the first time, dinala ni Jeremy ang pamilya niya dito. Ayaw niyang maiwang ng matagal ang pamilya niya sa Pilipinas. Ngunit kailangan ni Jeremy na lumipad patungong LA dahil nagkaproblema sa firm na pag-aari niya. Nagkataong summer na din sa dito sa LA kaya hindi malamig at pwedeng-pwede magsuot ng summer outfit. Mainit ngunit hindi masakit sa balat. Hindi katulad ng Pilipinas na kapag summer ay para kang sinusunog. At para mag-enjoy ang buong pamilya ay mas binabuti ni Jeremy ipasyal sila sa mga tourist na nandito. "Ang saya naman dito," puna ni Apple habang nakaupo sa picnic mat. Pinagmasdan lang nila sina Nicole at Jeremiah ang mga anak na nagtatampisaw s

