Apple Antoinette Maraño Ilang linggo ang lumipas, masaya kami bilang pamilya. Hindi naman maiwasan na nagtatalo but at the end of the day ay nagkabati-bati lalo na ang dalawang bata. Ang kukulit parang hindi nababawasang ang energy. "Mommy, play!" Sigaw ni Jeremiah habang nakaturo sa isang arcade na narito sa mall. "Ask, dada, baby," sabi ko sa kanya. Nasa mall kami ngayon. Ang plano ay mang-grocery lang pero dahil makulit ang mga kasama ko ay napadaan na din sa arcade nitong mall. "Let's go, daddy," sabi naman ni Nicole at hinila ang ama. Wala nagawa ang isa kundi samahan ang dalawa. Ako naman ay umupo sa bench na nakikita ko. Napagod ako sa kakalakad. Hanep ang energy ng mga bata. To the highest level pa. Bigla akong napatingin sa milk tea na biglang sumulpot sa harapan ko.

