After they said sorry to us, ni libre pa nila kami! We refuse but when they said this is the last time na mag bonding kami dahil lilipad na sila pang ibang bansa next week, agad kaming pumayag ni Krystin. "Baliw! Mauubos mo yon? Ang dami dami ng order mo! Ang mamahal pa!" Mahina kong sabi sa kanya habang nagbabayad sina Iveth at Nelia. "Baliw ka rin! Sabi nila kahit ano at ilan daw! Sinunod ko lang!...Kung makaasta to, akala mo sya ang magbabayad!" Sighal sa akin ni Krystin. Binatukan ko tuloy. "Mas baliw ka! Kung anu-anong tinuro mo sa menu! Pag yon hindi mo maubos, sisiraan kita kay Diyan!" Banta ko sa kanya. She dramatically gasped kaya napairap ako. "Oh no! Wag mong sirain ang future love life ko!" Ma drama nyang sabi. Nalukot tuloy ang mukha ko. "Anong future love life?...Kayo?

