CHAPTER SIX

2999 Words
Bakit alam nya ang birthday ko? Bakit hindi ako pumasok kahapon? Bakit sinasayang ko lang ang mga pagkakataon? Yan ang paulit-ulit na tanong na pumapasok sa utak ko! Hindi ko masagot dahil kung sasagutin ko, manghihinayang lang ako. Gusto kong ibalik ang kahapon para hindi ako nanghihinayang ngayon pero alam kong hindi na pwede dahil hindi ko kayang maibabalik ang kahapon. "Pansin mo din Riza, palaging tumitingin si Jason sayo! Minsan nga, yong mga self proclaim na kaibigan daw nya tumitingin rin sayo eh! Curious din siguro! Kaya sabi ko na nga ba eh! May gusto yon sayo!" Positive ma sabi ni Nelia, grabe talaga kung mag conclude ng mga bagay bagay. Tamad ko syang tinignan. She smile sweetly, proud na proud sa naisip nyang walang kwentang theory. "First of all, wag nyong bigyan ng ibang meaning ang mga simpleng bagay lang and walang gusto si Jason sa akin, okay?" Mahinahon kong sabi. She roll her eyes kaya napangiwi ako. As expected, hindi ako paniniwalaan. "Duh! Alam ko na ang mga galawan na ganyan Riza dahil dyan kami nagsimula ng boyfriend ko kaya maniwala ka sa akin, na t-torpe lang yan o di kaya naghahanap ng pagkakataon para lumapit sayo!" Proud nya talagang sabi. Lumaylay ang balikat ko. May gusto akong iba! Nag first move na nga yong crush ko, nag greet na din ng happy birthday and it warm my heart dahil sulat kamay talaga nya, nag effort talaga sya. May nice to meet you pa! Hinding hindi ko yon ipagpapalit noh! Never. "Bahala kayo! Basta hindi nya ako gusto! Period" tamad ko ng sabi. Bahala na sila kong palagi nila akong tinutukso kay Jason, I don't care the boys here dahil ang akin! Nasa labas, nasa tabi tabi. Nag-aaral pa ba yon? Or graduate na? Pero bata pa naman mukha nya kaya baka graduate na at may trabaho o studyante pa talaga, hindi ko alam, ang tanging alam ko lang, gusto ko sya. Hindi sana ako mag o-verthink nang ganito kong hindi ako umalis sa burol eh at kung sana pumasok ako sa trabaho noomg gabing yon! edi sana alam ko kung nasaang lupalop na sya ng mundo ngayon! "Basta rin! May gusto yan sayo! Promise" hindi nagpapatalong sabi ni Nelia. I just roll my eyes. Kahit may gusto si Jason sa akin, wala akong paki! Kay Dylan lang talaga ako! Kung ayaw sa akin ni Dylan?...Abah! Hindi ako papayag! Ipipilit ko talaga! Kahit ako pa ang manligaw, gagawin ko! Gagawin ko ang lahat mapa sa akin lang sya! Kahit magpagawa pa ako ng gayuma gagawin ko, mapa akin lang sya! "Tigilan nyo nga ako kay Jason! Nakakahiya na sa kanya! Baka kung ano pang isipin ng tao at mga kaklase natin!" Sergoso ko na talagang sabi. Disspointed na umiling-iling si Nelia sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inasta nya. "Riza! Riza! Riza!...ang innocente mo pa when it comes to love. Ma diskarte ka, matalino pero ang bobo mo pagdating sa pag-ibig" iling iling nyang sabi. "Anong pinagsasabi mo dyan?" Taka kong tanong. Ako? bobo sa pag-ibig? ulol! Bakit naman ako maging bobo? Ni wala nga akong jowa! "My point Riza is...Kung hindi ka lalandi! Hindi ka talaga magkaka boyfriend dahil dyan sa prinsipyo mo. Try to lossened a bit?...Makikita mo, maraming manliligaw sayo" walang kwentang advice nya. "Ayoko, hindi ako magpapaligaw sa school" sagot ko. Ayoko dito sa school! Dahil ang nagustuhan ko ay nasa labas, Pa chill chill lang sa buhay, hinding hindi ko ipagpapalit yon no! Duh! "Kaya ka hindi nagkakaboyfriend Riza eh dahil Napaka choosy mo!" Sabi ni Kystin na kakarating lang. Hindi yan maperme sa isang lugar eh. Ang rason ay...nang h-hunting ng mga gwapo kahit may kalandian na at humahagilap ng mga chismiss. Napangiwi na lang ako. "Anong choosy? May pinagpipilian ba ako?" Taas kilay kong sabi. Natigilan naman sya at ma dramang tinakpan ang bibig nya. "Oh my! Oo nga pala!" Ma drama nyang sabi. I rolled my eyes. "Huwag kang mag aalala Riza! Gagawan natin ng paraan yan para maging kayo ni Jason" nakangising sabi ni Nelia. "Hindi ko nga sya gusto!" Madiin kong sabi. They laughed. "Sya ang may gusto sayo, gaga!" Natatawang sabi ni Nelia. "Tama! Okay naman sya, matino, may hitsura, athletic, mabait pero masungit pero okay na yon, bagay kayo" "Bagay talaga kayo Riza, promise! Halatang pag nagmahal yan si Jason, loyal yan, promise..." Napakamot na lang ako ng ulo. Wala nga akong nagustuhan rito! Nasa labas! Nagpadala na nga ng card sa akin para batiin ako ng happy birthday! Tss! Gusto ko yong ipag mayabang pero ayoko! Ayokong mabulgar na may nagustuhan na ako dahil dapat lowkey lang para hindi masakit sa tainga. "Bahala kayo! Study first ako" matamlay ko na lang sabi. Naghagalpakan naman sila ng tawa. I sigh. Pigilan mo ang sarili mo Riza! Don't let them know about Dylan or else sira ang future mo! "Study first? Ano ka high school? Sipain kita dyan eh" natatawang sabi ni Nelia. "Gaga! Tumatanda ka Riza huh! Hindi bumabata kaya ayosin mo yang Study first mo! Nanggigil ako sayo" I sigh!kapag talaga kasama ko ang mga ito! Palaging pinupuna ang kawalan ko ng boyfriend! Naghahanap naman ako para matahimik sila, may nakita na ako pero ayokong sabihin dahil feeling ko kapag malalaman nila, wala ng thrill, wala ng kilig dahil inis ako palagi sa kanila. Hindi pa naman marunong ang mga tong mahiya! Kahit ang raming tao, sumisigaw, nagtitilian o di kaya may mga maruming salita na lumalabas sa bibig. Hindi nilalagay sa lugar eh. "Cr na muna ako, bahala kayo dyan" Ani ko na lang. Ayoko ng mataggal dito baka kung saan pa umabot ang usapan namin! O di kaya masabi ko na may nagustuhan ako at binigyan ako ng card at nagpang abot kami sa burol. And speaking of him. Paano kaya nya talaga nalaman ang birthday ko!? Sinabi ba ng mga ka trabaho ko o may nabanggit ako sa burol na birthday ko nang hindi ko namamalayan!? Hindi ko alam. "Ma'am, bawal pa pong gagamitin tong CR na to dahil nililinis pa. Sa baba na lang po kayo" magalang na sabi ng janitor. "Ugh...ganon po ba?...Sige po" magalang kong sabi. Ugh! Mapapalayo pa ako pero mas mainam yon para hindi kaagad ako bumalik doon kina Nelia! Ako na naman ang pag tripan non dahil wala akong jowa! Ang epal talaga! Kapag talaga magka boyfriend ako! Who you talaga sa akin ang mga yon! "Sina Nelia?" Tanong ni Iveth na kakarating lang. "Nasa taas, bakit ngayon ka lang?" Tanong ko. Tapos na ang first subject namin tapos kakarating lang ng isang to!? "Ngayon lang ako nagising! Nakalimutan kong may klase! Psh! Pero hayaan na minor subject lang naman yon! Saan ka pupunta?" She asked. "Cr. Sama ka?" "May Cr sa taas, doon ka na lang" "Bawal daw eh! Kaya doon na lang ako sa baba" Napangiwi naman sya. "Ikaw na lang, inaantok pa ako eh! Kaya mo na yan, malaki ka na" aniya. I shrug. Ayoko namang may kasama ako dahil nga tumatakas ako sa kanila! "Okay, nandoon sila, paki dala na lang nong bag ko if papasok na kayo sa classroom" bilin ko, she nod. "K" mataray nyang sabi. Napangiwi na lang ako. Nasubraan sa tulog kaya naka absent, sana all. Ako nga kahit kulang na kukang ang tulog at pagod pa pinipilit pa rin ang sarili na maagang magising dahil may klase! Tapos sila? Ganon lang? How irresponsible. Dahil gusto kong makatakas sa tatlo, nagtagal ako sa Cr. I comb my hair, sinisipat ang sarili kung okay ba o ano. Sana magkita ulit kami nong Dylan o di kaya may time akong pumunta ulit sa burol baka pumunta na naman sya doon. I want to be with him baka kapag naging close kami, may chance na maging kami! Ang swerte nya pag nagkataon, his my first boyfriend, my first kiss, my first date, my first in everything! At kung mangyayari man yan, I swear, aayosin ko talaga ang sarili ko nang bonggang bongga! Para naman hindi ako magmukhang pulubi kapag magkasama kami. "Bruh! I heard that you like Riza?" Napatigil ako sa pasuklay nang marinig ang pangalan ko mula sa labas. "Heard? Where?" My eyes widen nang narinig ang boses ni Jason kaya lumapit ako sa pinto at dinikit ang tainga para mas marinig ko ang pag-uusapan nila. "Classmate mo...You really like that girl?...That kind of girl?...seriously bro?" Natatawang sabi ng kung sino. Natulala naman ako sa kawalan dahil sa narinig. "You should fact check of what you've heard before you asked me that kind of question" "That's why I am here, I'm f*****g checking it...so you really like that girl?" "You know that's not my thing" "Yeah right! I forgot! It's you and your basketball! And if you want to have a girl! Have a taste bruh" Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Ano ba akong klaseng babae sa mata ng mga lalaki? Bakit parang nakakatawa sa ibang lalaki kung may gusto talaga sa akin si Jason? I never been touch, never been kiss, never into a relationship, virgin pa ako, I am very preserve! Kaya bakit ganon ang tuno nya nong nagtanong sya kay Jason na may gusto nga sya sa akin? Ano bang gusto nila? Yong babaeng ilang lalaki na ang nakatikim? Hindi na virgin? Malandi? Maraming lalaki?... Kung ganyan pala...Tangina! Anong klaseng pag-iisip yan!? Bakit ganon!? Ang iniisip ko lang naman ay mabuhay at makatapos ng pag-aaral! Bakit ganon na lang sa kanila kapag nagustuhan ako ng isang tao!? Dahil ba mahirap ako? Yon ba? Dahil tangina kapag yan ang basihan, naintindihan ko sya! O di kaya Dahil ba nagt-trabaho ako? Boring? Puro aral? Walang paki sa sarili? Puro kalyo ang kamay? At kung anu-ano pa? Mas naka turn off pa yong mga babae na ang gaganda nga! Pero ang tamad naman! Walang pangarap, puro lakwatsa! Walang respeto, hindi tumutulong sa magulang! Yan ba ang gusto nila? Gago pala lahat ng lalaki eh! Mabigat ang loob kong bumalik sa classroom, nagbiro nga sa akin ang tatlo pero hindi ko pinansin dahil ang bigat bigat ng loob ko. Seeing those three! Ang sarap mag break down. Krystin Dyle, she has this bubbly behavior, everyone's favorite, may hitsura, has this innocent look, bagsak na bagsak ang buhok, nakakagala kahit saan, mayaman, nabibili lahat ng gusto! Nelia Smith, maldita pero wala kang mapipintas pabalik sa kanya! She's screaming power of beauty, ang ganda ng mata, hulma na hulma ang kilay, her lips is so perfect, flawless. Iveth Cerritos, tamad pero ang ganda, ang kinis ng balat, ang puti! Ang ganda ng shape ng mukha, ang ganda ng katawan. While me? I am all flaws! Walang wala ako sa kanila! Kahit sa kalingkingan kaya naintindihan ko kung bakit natatawa ang kasama ni Jason kanina kung may gusto ba sa akin ang lalaki. I know Jason doesn't like me, halata naman pero yong way ng pagbato ng tanong nong kaibigan nya made me question my existence. I know my insecurities is just eating me up pero hindi ko maiwasang masaktan! Down na down! Nangarap pa akong may gwapong boyfriend pero ganito lang ako? "Hoy! Ano bang nangyayari sayo?" I blink and shook my head. "Weh? Anong problema?" "May nakaaway ka ba sa baba?" "Nagtampo ka ba dahil hindi kita sinamaan sa Cr?" Tanong ng tatlo. I sigh. Ako! Ang sarili ko ang problema ko! Ano ba kasing gagawin para mag glow up ako!? I already apply to my face a beauty products my effect naman dahil pumiti-puti na ang mukha ko! Kaya ano pa ang kulang para hindi na ako insultuhin ng ganon? "Hay naku! Dalawa lang yang problema ng babaeng yan!" I heard them say. Ayoko munang magsalita ngayon dahil ang sama sama ng loob ko dahil sa narinig. I know that's the truth dahil yon ang nakikita nila sa akin pero hindi ko maiwasang masaktan. All my life I am striving so hard to survive in this world, all my college life, ginapang ko talaga para makaabot ako sa 4th year! At sa mga panahong yon! Wala talaga akong pakialam sa sarili ko! Kung hindi pa ako tinuro-an ng mga kaibigan ko na gamiton ang beauty products na yon, ayosin ang buhok ko, lagyan ng ganito ganyan ang mukha ko, wala talaga akong pakialam sa sarili ko! As long as may maitutulong ako kina Mama, may baon ako at makakabayad ako sa mga bayarin sa school, okay na ako. Now that I heard insult about myself, nagsisi na ako kung bakit hinayaan ko lang ang sarili ko! Kung alam ko lang na maging ganito ang future ko sana nag pa rebound ako, nag practice mag make up at bumili ng kung anu-ano sa sarili. Why everyone are looking on people physical feature? Bakit hindi sa history ng isang tao?... Kung anong ginawa nya para amabot ngayon sa ganito, mga paghihirap na nalagpasan nya. Mga ganon. Bakit sa physical pa!? Like what I've said again and again, beauty fades kaya bakit!? Bakit ang hilig nilang tignan ang physical na anyo? Wala ako sa mood buong araw kahit sa pagpasok ko sa trabaho, para na akong sasabog sa nararamdaman ko, gusto ko itong ilabas pero paano? Hindi ako makapagsabi sa kaibigan ko na ganito ang nararamdaman ko dahil alam ko ang mga utak non! Imbis na e comfort ako, mas sasama lang ang pakiramdam ko. "Hoy Riza! Nandito yong kinababaliwan mong lalaki!" Masayang sabi ng kasamahan ko sa trabaho. Nasa kitchen ako ngayon, dito ako nag pa assign dahil ayokong magpakita sa mga tao! Baka kung ano na naman ang marinig ko. Ang sakit na. Yes totoo ang sinasabi nila pero tao lang ako! Kahit totoo o hindi ang mga pinagsasabi nila, masasaktan pa rin ako! "Ah! Hindi ko na sya crush" matamlay kong sabi. Ayokong magpakita pa sa kanya. Yong school mate ko nga na mukhang shokoy, iniinsulto na ako, how much more sa mga ganong nilalang? Butiki na siguro ako sa paningin nong Dylan kaya ayoko na. Naawa na ako sa sarili ko. If I will enter into a relationship, gusto ko yong tanggap ako, hindi tumitingin sa physical na anyo, mahal ako sa kung anong ako.He will accept all my flaws, my work, my time. Shock syang tumingin sa akin. "Anong nangyari sayo? Nilagnat ka ba?" Taka nyang sabi at kinapakapa ang leeg ko. I shook my head. "Wala lang, na realize ko kasi na...ang kapal ng mukha kong magkagusto sa ganong lalaki. Ang gwapo non tapos tignan mo ako, ang pangit pangit" malungkot ko talaga sabi. Naapektuhan talaga ako sa narinig ko kanina! Parang ipinapahiwatig sa akin na walang magkagusto sa aking lalaki dahil ganito lang ako. "Huh? Ano bang nangyayari sayo?" Natatawa nyang sabi. I sigh. No one can understand what I am feeling right now, proud sila kung anong meron sila. Proud naman ako na ganito lang ako pero lumubog lang talaga ang nararamdaman ko sa narinig ko kanina sa school. "Ayoko ng humarap sa mga tao" seryoso ko talagang sabi. She laughed at tumulong sa akin maghugas. "Alam mo Riza, maganda ka naman, your eyes is so beautiful, hindi ako tomboy huh pero ang expressive ng mata mo, tingin ko nga, alam mo lahat cause your eyes say so" mahinahon nyang sabi. I shook my head. "Totoo, maganda ka Riza! Naiinggit nga ako sayo dahil graduating ka na sa college pero mukha ka pa ring 17...ang baby pa ng face mo! Your nose, sakto lang ang taas! In fact, bagay sayo kung anong meron ka. Ano bang nangyayari sayo?" I shook my head. What she said is so heart warming pero paulit-ulit pa ring pumapasok sa isip ko yong narinig ko kanina. Sinabi nya lang siguro to dahil kahit papaano, close kami, nakita nya sigurong napaka mesirable ko. "Hindi naman eh...Nahihiya na akong magpakita" malamlay kong sabi. She giggle. "Hindi ako sanay makita kang ganito...pero Riza, always remember that we are uniquely made by God. Hmmmm" aniya. "Hindi kasi...Wala! Basta, ayoko lang magpakita ngayon!" Ani ko at malakas na bumuntong hininga. Hahanapin ko na muna ang confidence ko! Down na down talaga ang nararamdaman ko ngayon! "Hindi ka ba mag t-tank you sa pagsauli ng panyo mo? Magpapakilala? O magtanong kung bakit alam nya ang pangalan mo?" Nakangiti nyang sabi. I shook my head. "Ayoko na muna, tyaka na" Ani ko. She frowned. "Sino bang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan? Huh? nang marisbakan namin?" I sigh! "Wala! na realize ko lang talaga na ang kapal ng mukha kong magkagusto sa mga ganong lalaki tapos ganito lang ako" mahinon kong sabi. "Hayst! Guys ang Riza natin! Na i-insecure!" Bigla nyang sigaw kaya nanlaki ang mata ko at hinampas sya. "Hoy! Ano ka ba!" Saway ko sa kanya. She smirked. "Ganyan talaga kapag nasa labas ang nagustuhan" "Nababaliw lang yan dahil yong lalaki nya nasa labas!" "Naku! Ga-ganyan ganyan lang yan ngayon pero mamaya maya nyan ganado na yang mag mop sa labas! Kami pa niluluko mo Riza!" "Insecure daw! Ang cute cute mo kaya tapos insecure?" "Hoy kennet! May gusto ka kay Riza?" "Sayo ako may gusto baby loves! Kaya huwag ka ng magselos! Cute ka rin naman...kapag may mask!" "Animal ka talagang gago ka!" "Anong nangyayari rito?" Biglang pasok ng manager namin kaya natahimik kami at nagsibalikan sa trabaho. Yan kasi! Ang iingay! Alam naman nilang nasa trabaho kami! "Si Riza po kasi ma'am!..." "Bakit ako?" Alma ko kaagad, hindi nga ako sumali sa mga asaran nila! "Kasi ma'am si Riza na i-insecure raw, pinapagaan lang namin ang loob" walang kwentang sabi ng mga kasamahan ko. Our manager look at me. Isa isa ko silang sinamaan ng tingin bago yumuko. Mga gago! Ako pa ang tinuro! Pag ako nasesante, sila talaga ang e f-flash ko lababo. Magsasalita na sana ako nang nauna si ma'am sa akin... "Bakit insecure? You are made by the likeness of God kaya bakit kayo ma i-insercure?" Seryosong sabi ng manager namin. Ngumuso ako. "Hindi naman ako na i-insecure ma'am" mahina kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD