Maaga akong nagising, hindi rin ako masyadong nakatulog kagabi. Iniisip ko kung ano ang sunod na hakbang ni Daddy. I failed my mission last night. Napabuntonghininga akong umahon sa kama ko.
Mabilis ang kilos ko, naligo ako at nagbihis na rin. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. I have a beautiful face that everyone wants to have. I have wealth that everybody wants to get, and I have the power that Xenia wanted to steal. At hindi ako papayag na makuha nito ang gusto niya. May atraso pa siya sa akin noon at hindi ko ‘yon palalagpasin.
Dumeretso ako sa kusina para mag-almusal. I'm not on diet katulad ng mga babaeng ayaw tumaba. Ako kahit ilang kanin at carbohydrates pa ang laklakin ko ay walang silbi ‘yon sa akin. I have a good body figure na kahit walang exercise ay sexy pa rin.
“La signora ipaghahanda ko na po ba kayo ng iyong almusal?” tanong ng kasambahay naming si Esrella.
“Si, renderlo più veloce,” (Yes, make it faster.) Sagot ko rito. Sa mansion na ito ay marunong lahat ang tao ng lengwaheng Italiano. My father is an Italian, sa Italy rin nagsimulang bumuo ng organisasyon ang Ayaverz elders. Hanggang ngayon ay ipinapasa sa henerasyon namin ang pagiging lider ng mafia. Hindi katulad ng ibang mafia clan na masasama ang gawain. Sa aming linya ay kabutihan ang hangad namin para sa lahat ng tao. Hustisya ang aming ipinaglalaban.
“Si, signora,” sagot naman ni Estrella sa akin. Ilang sandali pa ay dumating na nga ang pagkaing inihanda para sa akin. Maingat na inilapag ni Estrella ang mga pagkain sa harapan ko.
“Gracias, Estrella.” Pagpapasalamat ko.
“Walang anuman, signora.” Nakangiti nitong wika. Matagal na ring naninilbihan sa amin si Estrella, wala na itong pamilya pa, kaya kinupkop na lang ni Daddy nang matagpuan sa isang liblib na lugar at muntikan ng patayin.
Nagsisimula na akong kumain ng pumasok si Viper sa kusina. Tinaasan ko ito nang makita ko ang malapad nitong ngiti.
“Buongiorno signora,” bati nito sa akin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.
“Buongiorno anche a te,” bati ko rin sa kanya. “Ang saya mo yata ngayon, may nakain ka ba kagabi?” taas ang kilay kong tanong sa binata.
Nakita ko ang pilyo nitong pagngisi.
“Naka-first base na kasi ako,” nakangiti nitong pahayag. Umikot ang mga mata ko. Akala ko pa naman kung anong ikinasaya ng ungas.
“Eh, ‘di ikaw na ang masaya.” Nakairap kong pahayag kay Viper. Malakas naman itong natawa.
“Selos ka na ba niyan?” nang-aasar nitong tanong sa akin.
“At bakit ako magseselos? Wala akong panahon para sa mga kalandian. Ang kailangan ko ngayon ay lakas upang maprotektahan ko ang aking trono.” Naging seryoso na ang boses kong wika rito.
“Back-up mo lang ako! Akong bahala sa ‘yo.” Sabi nito sabay kindat sa akin. Inirapan ko lang ito sa kanyang kapilyuhan.
“Good morning, baby loves!” matinis na boses ni Xenia ang nagpalingon sa akin sa pintoan ng kusina. Tinaasan ko ng kilay si Viper. Tumawa lang ang loko sa akin.
“Good morning, my queen.” Matamis ang ngiting bati rin ni Viper sa pinsan ko.
“My queen, as if naman maaagaw niya ang trono ko.” Nakaingos kong wika kay Viper.
“She's goings to be my queen, la signora.” Seryoso ang boses na wika ni Viper sa akin. Hindi na lang ako umimik at mabilis na tinapos ang pagkain.
“Couz, balita ko pumalpak ka raw kagabi?” nakangising tanong ni Xenia sa akin.
“Ang bilis pala ng balita no? Pero anyways, huwag ka munang magsaya, baka sa susunod na misyon ay manalo na ako. Nag-uumpisa pa lang ang laban, Xenia.” Malamig kong wika sa pinsan ko.
Tumawa lang ito at kumapit sa leeg ni Viper at hinalikan ang binata. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kanilang dalawa.
“Kadiri!” komento ko sabay tayo sa hapag at iniwan ang dalawa.
Deretso akong nagtungo sa secret office ni Daddy. Tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam ng passcode sa opisina nito.
Pagpasok ko sa loob ay nakita kong seryosong nagbabasa ng dyaryo si Dad.
“Dad,” tawag ko rito. Nag-angat ito ng tingin sa akin.
“Siediti,” utos nito sa akin. Agad naman akong umupo sa upuang kaharap nito.
“Mi dispiace, ieri sera ho fallito la mia missione, Dad.” Paghingi ko ng paumanhin dito. (I'm sorry, I failed my mission last night, Dad)
“It’s alright, mi hija. But anyways, we need to switch our plan. May bago kang misyon, at mahalaga ito. Are you in?” seryoso ang boses ni Dad nang tingnan ako.
“Yes, Dad. Whatever my mission is, I will accept it. Huwag lang mawala ang trono sa akin.” Seryoso ko ring pahayag sa aking ama.
“Questa è mia figlia. Rendimi orgoglioso, mi hija,” nakangiti na wika ni Daddy sa akin. (That's my daughter. Make me proud, my daughter.)
“Lo farò, Dad.” Determinado kong wika sa aking ama.
“Ang misyon mo ay maging isang bodyguard ng isang young billionaire CEO. Nasa panganib ang buhay niya, and we need to protect him at all cost. Nakakonekta ang Black Eagle Company sa kanyang kompanya. We need to secure his safety and we also need to find evidences to take down the Black Eagle Company. Is it okay with you? May katanungan ka ba sa bago mong misyon?” tanong ni Dad sa akin.
Ilang sandali akong natahimik. Hindi kaagad ako nakaimik dahil sa sinabi ni Dad. As in, magiging bodyguard ako? The hell! Pero hindi na ako dapat mamili pa ng misyon, isa lang ang dapat kong ilagay sa utak ko. I need to protect my throne no matter what.
“Fine. I will accept that mission. Kailan ba ako mag-uumpisa?” tanong ko kay Dad.
“Bukas na bukas din ay mame-meet mo ang CEO na babantayan mo. Hide your identity, imbes na Rahzle Alyaverz ang gamitin mo, you're going to use Rahzle Borja, ayaw kong makatunog ang mga kalaban natin.” Bilin pa ni Dad sa akin.
“Noted, Dad. Can I have his details?” tanong ko sa aking ama.
“Oh! Wait, here. Basahin mo ‘yan, nand‘yan nakalagay ang mga importanteng detalye tungkol sa binata.” Dagdag pa ni Dad. Ibinigay niya ang isang brown envelope sa akin. Agad ko naman iyong tinaggap.
“Grazie, Dad. Basahin ko muna ito at pag-aaralan ko. I need to make a plan para maging maayos ang misyon ko.” Paalam ko sa aking ama.
“Buona fortuna figlia mia,” nakangiti na wika ni Daddy. (Good luck, my daughter)
Tiningnan ko ang litrato ng binatang magiging misyon ko.
“Oh! Ha un bellissimo paio di occhi.” Wala sa sariling bulong ko nang makita ang magaganda nitong mga mata. (Wow! He has a beautiful pair of eyes)
-
“Damn it! Paano nila akong nasundan?!” malakas na sigaw ko kay Spark. Tinambangan lang naman kami habang papunta sa headquarter namin. Walang nakakaalam ng lokasyon ng aming hide out, kundi ang mga myembro lamang ng organisasyon.
“Calm down. Ang importante ay hindi nila nakita ang mga mukha natin. But, we need to take an action about this. Kailangan mo munang mag-lie low. Bumalik ka na muna sa pagiging CEO mo at pamahalaan mo ang kompanyang ipinamana sa ‘yo.” Sabi ni Spark sa akin.
Napatitig ako sa kanya. Siguro ito na ang oras para balikan ko ang buhay na tinakasan ko. Ako pa rin naman ang namamahala ng Hendrix shipping line company, pero hindi ako nagpapakita sa kompanya.
“Siguro tama ka, hindi nila dapat malaman na isa akong secret agent ng organisasyon natin. I have a request, bigyan mo ako ng bodyguard. I need one, hindi ako pwedeng magpakampante.” Sabi ko kay Spark.
“Copy, magpahinga ka na muna ngayon, bukas ay ihahatid tayo ng chopper para makabalik sa lungsod.” Sabi ni Spark sa akin.
Kinabukasan ay maaga kaming umalis. Sinabi ni Spark na ipapasa sa email ko ang mga importanteng dokumento tungkol sa bagong kompanyang nakapasok sa aking kompanya. Hindi lang kasi iyon basta-bastang kompanya. Kaya mas lalong kailangan ko ng bodyguard. Kaya ko naman ang sarili ko. But I need to hide my identity, walang dapat na makaalam sa totoo kong misyon. Lalo pa at ang mismong kompanya na ang lumapit sa amin.
“Bukas ay makikilala mo na ang bagong bodyguard mo. Naitawag ko na kay Superior ang request mo at kaagad niya naman iyong inaksyonan. Ang lakas mo talaga sa kanya.” Biro ni Spark sa akin.
Si Superior ang may pinakamataas na katungkulan sa aming organisasyon. Walang nakakaalam kung sino ito, at wala pang nakakakita sa kanya. Nakikipag-usap lang ito gamit ang gadget na may code o hindi naman kaya ay sa pamamagitan ng sulat. Ngunit hindi basta-bastang sulat lang, dahil bawat sulat ay may passcode bago iyon mabasa.
“That’s a good news.” Tangi kong nasabi.
Naghiwalay na kami ni Spark sa hellipad ng isang malaking hotel na pagmamay-ari ng huli.
“See you when I see you. Good luck sa mansion niyo!” natatawa nitong pahayag sa akin. Nginisihan ko lang ito at pinakitaan ko ng gitnang daliri ko.
Sumakay na ako sa aking kotse na nasa parking lot ng hotel ni Spark.
Habang nagmamaneho ay nakikinita ko na ang galit at inis sa mukha ng aking step-father. Lalo na ang dalawa kong step-brothers na akala mo sila ang may-ari ng bahay na tinitirhan nila.
Inayos ko ang pagkaka-park ng aking sasakyan at mabilis na lumabas mula sa driver seat.
“Senorito! Maligayang pagbabalik po!” agad na bati ni Mang Roger sa akin. Tinanguan ko lang ito. Kapag nasa mansion ako ay ganito na ang ekspresyon ng mukha ko, malamig at walang emosyon na makikita.
“Malinis po ba ang kwarto ko?” tanong ko sa kanang kamay ko rito sa mansion namin.
“Opo, araw-araw ko po ‘yong pinapalinis kay Merlyn.” Sagot nito. Si Aling Merlyn ay asawa nito.
“Maraming salamat po. Sana maayos ang lahat dito habang wala ako,” ani ko pa.
“Ahm. . . Alam niyo naman pong may pagka-demonyo ang step-father mo, kaya halos lahat kami rito ay takot na magkamali.” Pabulong na wika ni Mang Roger. Kumuyom ang kamao ko. Wala itong karapatan na pagmalupitan ang mga tauhan ko rito sa mansion.
“Ako na ang bahala sa inyo, Mang Roger. Salamat po sa pagpapanatilimg malinis ang mansion.” Pasasalamat ko rito.
“Wala pong anuman. Malaki ang utang na loob ko sa inyo ng iyong mga magulang.” Nakangiti na wika ni Mang Roger sa akin.
Malakas na palakpak ang nakaagaw ng atensyon namin ni Mang Roger. Pareho kaming napalingon ng tauhan ko sa aking amain.
“Nakabalik na pala ang prodigal son ng asawa ko. So, how's your vacation? Staying for good?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.
“Prodigal son? Am I? Mukha yatang dapat sa mga anak niyo ‘yan sinasabi, hindi sa akin. And it's not your business if I'm staying for good. After all, this house is mine.” Matapang kong pahayag sa aking amain. Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito.
“Sana hindi ka na lang bumalik, ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo. You didn't protect her! Wala kang kwenta at wala kang silbing kapatid!” malakas na sigaw ni Tito Gregorio sa akin.
Tinamaan ako sa sinabi nito. Tama nga naman ito, ako ang dahilan kung bakit namatay ang dalawang babaeng mahal ko. I didn't protect them. Mahina pa ako ng mga panahong iyon. Pero ipinapangako ko sa kanila na ibibigay ko ang hustisyang para sa kanila.
“Wala kang pakialam! Wala ka namang alam eh. Puro pasarap ang nasa isipan niyo! Inuubos niyo ng mga anak mo, ang iniwang pera sa iyo ni Mommy. Sa totoo lang ay kaya ko kayong palayasin dito sa mansion na ito, ngunit hindi ko ginawa dahil may konting respeto pa ako sa inyo. Huwag niyo lang abusuhin at baka hindi ako makapagtimpi at sa kalsada kayo pulutin.” Matapang kong pahayag dito.
“Aba’t! Wala kang respeto ah! Hah! Dahil ba may ipinagmamalaki ka na kaya ganyan mo na lang ako tratuhin?” inis at galit na sigaw ng aking amain.
Hindi ko na ito pinakinggan pa at nagtuloy-tuloy na umakyat sa taas papunta sa aking silid.
Sa pagbabalik ko ay magsisimula na ang kalbaryo ng buhay nila. Sinisiguro ko iyon.