Inihatid ako ni Everest sa silid nito. Of course, it's my request. Ayaw ko yatang mapalayo sa binata. Baka may mangyari sa kanyang masama ay kargo de konsensya ko pa. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kulay cream at grey ang kulay ng kanyang silid. Very manly ang buong lugar. And I love how neat and clean his room is. “I love your room. Napaka-linis mo naman, parang nakakahiyang matulog dito sa loob,” komento ko. Humakbang ako papalapit sa malapad niyang kama. Para akong bata na tumalon-talon doon habang nakaupo. Ang lambot naman ng kama niya. “Tss. Para kang bata,” narinig kong wika niya. Nilingon ko ito. “Anong sabi mo? Gagawa tayo ng bata?” I'm just teasing him. Narinig ko naman talaga ang sinabi nito. Nakita ko kung paano kumunot ang noo nito. “What? At sinong may sabing m

