It was one weary dark afternoon. Nakatayo silang lahat sa mga huling sandaling iyon. Nandito sila sa sementeryo at dito'y napapaalam na kay Daddy Glavio. Kasama ni Storm ngayon ang mga malalapit na kamag-anak. Mga kaibigan at ang mga kasosyo ng kaniyang ama sa business world. Hawak-kamay niya si Summer habang karga-karga ang kanilang unica hija na si Sunshine. Sunshine Darling Romero. Nasa kaliwang banda naman ni Summer si Bimbo habang karga-karga si Cloud. Ang kanilang unico hijo. Claudio Grey Romero. Hindi niya mapigilang mapangiti sa sitwasyon nila ngayon. Siguro'y sadyang mapagparaya lang talaga siya. Kakalabas lang niya sa hospital kahapon at heto nga't nandito sila na nagluluksa sa libing ng batikang ginoo. Naalala pa niya ang huling sinabi ni Summer sa kaniya noong nasa ho

