CHAPTER 2

2370 Words
Chapter 2: My Fiancée??? After a couple of months naka recover na ako ng konti. Pinilit ko maging busy. Ginawa ko lahat ng mga projects namin kahit matagal pa and deadline. Kahit na group project ako lang gumawa. Pinipilit ko talaga siyang kalimutan kahit minsan naaalala ko pa ang sakit na ginawa niya. Pero kung talagang tanga tangahan ako ngayon ay malamang nag makaawa na ako sa kanya na balikan niya ako kahit na niloloko niya ako. ‘Yun ‘yung nababasa ko sa mga story eh, lalo na ‘yung isang nabasa kong 'The Destroyed Wife'  Kahit na sinasaktan at harapharapan na siyang niloko binalikan niya parin yung lalaki. If it was me, I won't do it! Hindi lang naman isang lalaki ang meron sa Earth! At isa pa parang hindi na ako ‘yun kung nagmakaawa pa ako sa lalaking ayaw na sa 'kin.    Totoong masakit. Sino bang hindi nasaktan after ng break up ng ka long term relationship nila? Normal lang naman sigurong masaktan. Oo, normal ako kaya nasasaktan ako. Haist! Sino ba kasi ang nakaimbento ng salitang LOVE ng masuntok ko ng isang beses?   Myghed! SingLe lang Ako, ‘Wag OA, Dolly. Bakit ko ba dinidibdib ang lahat kung wala naman akong dibdib? Kainis. Naalala ko na naman ‘yung babae ni Raul na parang nilagay lahat ng papaya sa dibdib niya. Kala mo naman kagandahan eh para lang naman siyang punuan ng papaya! Errr! Move on, Dolly!   December na. Christmas Break na ngayon. Parang kailan lang ng kasisimula palang ng klase. Busy busyhan talaga ‘yung drama ko kaya hindi ko na namamalayang pasko na pala. Wha't good in Christmas ba eh baka ako nalang ulit mag ce-celebrate ng pasko? Uuwi muna ako sa bahay kung saan nakatira ang mga kuya ko. Sa condo lang kasi ako lage eh. Hindi ako umuuwi sa mansion kasi, basta! Mahabang istorya at ayokong mag drama! Like? Sino tao ba ang walang drama sa buhay? Bawat isa naman may kwentong hindi nila binabahagi kahit pa sa mga friends nila.   Grade ten na pala ako sa Virgin Mary Academy and I'm trying to be independent. Wala narin kasi kaming mga magulang at pinapaaral lang kami ni grandpa. Ang Virgin Mary Academy ay eskwelahan ng mga kababaehan at lesbian lang. Walang lalaki o bakla at mga babae lang talaga. Paulit-ulit?  Paano ko ba nakilala si Raul? Well, malapit lang naman ang boys school sa girls school  at na love at first sight daw siya sa ‘kin kaya mula nun sunod na siya ng sunod. Pa fall na siya ng pa fall. Tapos ano? Mag hahanap pala siya ng iba? Kaya pala masyado siyang pa fall kasi pag katapos kong ma fall sasaktan niya ako. Bakit dumating pa siya kung ganung pasakit lang pala ibibigay niya? Actually, hindi ito ang unang beses na nahuli ko siyang nambababae pero syempre pinalampas at pinatawad ko niya. Ngayon ang ikatlong beses na nahuli ko siya at ang masasabi ko ay tama na ang tatlong beses dahil hindi naman unlimited ang chance sa mundo!  Anyway, mas malapit lang ang condo unit ni kuya sa school kaya rito kami nag e stay. Miss ko na tuloy ang mga kuya ko. Busying busy kasi si kuya sa pambababae. Ewan ko ba sa mga lalaki napakadali lang para sa kanilang mag hanap ng kapalit. Kung makapalit sila ng babae kala mo nagpapalit lang sila ng damit. Like? Duh?   ** "Dolly!" sigaw ni kuya MUDOY! Actually, Madix ang ang pangalan ng kuya pero Mudoy ang tawag ko.   "Kuya," nanlalambing tawag ko sa kanya saka lumapit ako sa kanya at yumukap. Gusto kong mag sumbong sa kanya kung paano ako inalipusta ng matang isdang Raul na ‘yun.   "Anong problema, princess?" malambing naman tanong ni kuya Michael.    "Break na po kami ni Raul!" saka ako malungkot na tumingin sa mga kuya ko.   "So alam mo na?" tanong ni kuya MUDOY. Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. Anong alam ko na?   "A-ang alin kuya?" I said between my sob.   "Na may iba na si Raul!?" Sabay pa sila. Kung ganun alam pala nila pero hindi man lang nila sinabi sa ‘kin at hinayaan ako sa Raul na ‘yun?!   "So alam nyo kuya? Ba’t hindi mo man lang sinabi sa akin kuya? Ang sama niyo!" nagtatampong sigaw ko sa kanila. Ang bad ko pero naiinis talaga ako sa kanila.    "Wait, princess! Ayaw lang naman naming makialam at isa pa kung sasabihin naming sayo ‘di mo lang kami paniniwalaan." sabi ni kuya Michael, "Mahal mo siya at ayaw lang naming masaktan ka," Mas masasaktan ako kuya kasi alam niyo tapos hinayaan niyo lang ‘yung kumag na ‘yun! Naiinis talaga ako sayo Raul! Nahihiya tuloy ako kasi feeling ko kahit ang mga kuya ko hindi nila alam ang gagawin.   "Kaya naman sinuntok namin siya para sayo eh," Then kuya Mudoy, winked. Really? Well, dapat lang ‘yun sa kanya. Saktan niya ba naman ang Prinsesa ng mga kuya. Tingnan ko lang kung palalampasin siya.   "Kung ganun? Nakaganti na ako!" saka ako ngumisi.’Yan ang dapat sayo pero kahit ganun may guilt parin sa puso ko. Kamusta na kaya ‘yun?   "Tama! Hindi siya ang karapatdapat sayo, princess. Isa pa, you're still young. Marami ka pang makikilala dyan. You're beautiful," kuya Michael smiled. Then, I giggled. What a very supportive kuya's?   "Oh baka wala ka nang makikilalang lalaki sis." sabay tawa ni kuya Mudoy.  "Mauubosan ka na ng lalaki. Tamang-tama at nagkakaubusan na ngayon." I rolled my eyes to him before I glared.   "What do you mean kuya? Sa gandang kong ‘to? Marami pang isda sa karagatan. At hindi ako mananatili sa lalaking mukhang tilapya ang pinalit sa ‘kin." nagtawanan naman ‘yung dalawa sa sinabi ko. I just pout my lip! Kainis. Nag eenjoy ba sila na nasasaktan ako?   "Relax Baby -" agad akong napatingin kay kuya Mudoy.   "Ew! Baby your face kuya!! Yuck" kunwaring nandidiri kong sabi sa kanya at medyo lumayo sa dalawa. Lagi nalang nila akong bini-baby at minsan parang nagmumukha na silang tae! Tsk!   "Kung maka ewww to, kala mo naman hindi ko nilagyan ng tae ‘yung ulo niya nung bata pa siya," bulong ni kuya Mudoy kaya tiningnan ko ulit siya nang masama pero ngumiti siya na parang inosenteng walang sinasabing masama, "Actually sis, ganito ‘yun. Alam na namin na matagal ka ng niloloko ni Raul kaya naman nakipagkasundo na kami kay grandpa eh." Sabay apir pa ng dalawa. Woaaah! Edi kayo na ang close! Kambal kasi si kuya Madix A.K.A Mudoy at Michael.    Tatlo lang kaming magkapatid. Ang mga kuya ko nalang ang nakakasama ko sa bahay pag pumupunta ako dito. Gaya ng sabi ko wala na ang mga magulang namin at si lola at lolo nalang ang nag susuporta sa min. Pero teka, anong pinagkasundo? Anong ibig nilang sabihin?   "Nakipagkasundo? WTH?" Parang ngayon lang nag sink in sa ‘kin. ‘Wag nilang sabihing ginawa nila ang iniisip ko. Like, WTF????   "Yes, Yes, at Yes! Tama ang iniisip mo, kapatid." parang baklang wika nilang dalawa, talagang sabay pa sila. "Engage ka na sa isang fafa na mayaman na kasama ni lolo sa negosyo kaya Good luck!" sabay pa silang nag palakpak pero ako naka nganga lang habang nakatingin sa kambal. What just they did? ‘Wag nilang sabihing isang matandang gurang ang pakakasalan ko at talagang sasakalin ko sila!    For heaven sake, I'm just only 17 years old. Paanong e-eengage nila ako sa edad ko ngayon eh minor de edad palang ako?! Parang nakalimutan kong huminga sa sinabi nila. Bumalik lang ako sa huwesyo ng pinisil nila ang pisngi ko.   "Ouch!" saka ko sinapak si kuya Mudoy. Ang lakas ng pagkaka pisil niya at parang naiwan sa kamay niya ang pisngi ko, "And what? Fiance? My soon-to-be--- No way! As in, NO WAY KUYA! Kahihiwalay lang namin ni Raul. And, my gosh! 17 palang ako. Nasa tamang pag iisip pa ba kayo? Anong tawas ba ang sininghot niyong dalawa?" inis sigaw ko sa kanila. Kulang nalang ay lumabas ang ugat sa leeg ko. "At what if that soon-to-be is an old man? Makakaya niyo ba akong ibigay sa matandang gurang? Kuyaaaaa.." halos maiyak na sabi ko. "Hindi niyo ba alam ‘yung 3 months rule after the break up! Mygaaad!" "Woaaaaahh! Ang haba ng sinabi mo sis ha. Una, hindi siya matandang gurang. Pangalawa, engage lang naman at hindi pa kayo ipapakasal, at pangatlo may gana ka pa talagang sabihin ang tungkol sa three months rule pagkatapos ka niyang gagohin at lokohin?!" paliwanag ni kuya. Buti nalang at hindi matanda at buti na ring hindi agad ako ipapakasal. Engage palang naman at possible pang hindi matuloy. Napabuntong hininga ako. Buti nalang pero hindi parin pwede!   "Pshss! Kahit na kuya-" hindi na ako pinatapos ni kuya Michael.   "Wala namang masama kung susubukan, ‘di ba?" nakangiting tugon ni kuya.   "‘Wag mo ng pigilan, Michael. Pabayaan nalang natin siya. Malay natin at makalimutan niya na ng tuloyan si Raul na wala namang ginagawa to have her back, ‘di ba? Mas mabuti na rin ‘yung wala siyang gawin para makapag MOVE ON narin tung si Dolly." sabi ni kuya Mudoy.   Grabe! Kuya ko nga ba talaga ang mga to? Paano nila nasasabi sa ‘kin ang mga bagay na yan? Paano nila ako ibibigay sa mayamang hindi ko naman kilala? Kahit pa anak ng Presidente ’yan hindi ko parin ’yan kilala. At talaga nga namang ang laki ng tulong nila sa ‘kin. At talagang nakatulong sila. I smiled sarcastically.   "Tama na! Oo na! Pag-iisipan ko!" sabi ko sa kanila at tumayo para makapag handa ng makakain.   "Yey!" Nag apir pa talaga ang dalawa, "So ngayon, goodluck! Kausapin mo na si lolo at sabihin mung ready ka nang makilala ang soon-to-be-hubby mo! Go, baby!" Soon-to-be my ass!   "Fine! Pero pwede ba pagpahingahin niyo muna ang puso ko? Mamayang gabi ko na kakausapin si grandpa."    "Okay Sista!" sabay rolled eyes. Yuck! Parang bading naman tung mga kapatid ko eh!   "Gosh! Stop that kuya! So Gay!" tapos tumawa pa sila. Weird!   **   Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga at nag iisip. Pagkatapos kong naligo ay napaisip naman ako sa mga nangyari at sa mga sinabi ni kuya. Tama ba tong gagawin ko? Sana nga magawa ko ng kalimutan ng tuluyan si Raul Dela Cruz. Ayoko ng isipin kong gaano niya ako ginawang tanga dahil lang sa ganung dahilan? May needs siya at talagang sinabi niya pa na dalawang beses niya lang ako nahalikan? Pasalamat nga siya at humalik ako sa isda.   Ganun ba talaga ang mga lalaki? Ang iniisip lang nila kung papano sila makakapuntos sa babae?! Kung paano sila papasok sa banga? Kung paano ka nila basta bastang makuha? Ganun ba talaga sila? Naghalikan kami ni Raul pero hanggang smack lang kami. ‘Yung dampi-dampi lang pero naman kasi, ang babata pa namin. Fourteen years old pa ako ng naging mag on kami at halos wala pa ako sa tamang pag iisip nun dahil sa nangyari sa ‘kin nung bata pa ako tapos humingi agad siya ng kiss. Anong ineexpect niya eh masyado pa akong bata nun?   Mabuti nalang at smack lang talaga ang binigay ko kasi iba pala ang totoong habol niya sa ‘kin. May pagka manyak talaga! Galit talaga ako sa inyong mga lalaki. Lahat kayo! Tingin niyo sa min ay isang laruan na pag katapos niyo kaming paglaruan ay saka niyo kami iiwan. Kung ‘yun lang naman pala ang gusto niyo ba't hindi niyo nalang sinabi edi sana nuon palang mas maaga ko siyang iniwan, ‘di ba? Hinding-hindi na ulit ako basta bastang maniniwala sa inyong mga lalaki. f**k! Lintek na luha at tumulo na naman. Naalala ko kasi ‘yung mga pinagsamahan namin tapos ganito nalang?! Sayang ‘yung three years pero natatakot akong mag habol dahil mas masasaktan lang ako.   Hindi ko namalayang naidlip pala ako. Habol hininga ang ginawa ko ng mapanaginipan ko siya. ‘Yung lalaking nakita sa elevator nung huling punta ko sa condo ni Raul. ‘Yung naka all black guy, ‘yung mga mata niyang nakatitig sa ‘kin habang dahang dahang sumirado ang pinto ng elevator.    Napabalikwas ako dahil sa panaginip ko. Pinagpapawisan ako ng sobra. Naalala ko ulit ang mga titig niya. Ang mata niya, ang makapal na kilay niya at ang nakakatakot niyang titig. Narinig kong tinatawag na pala ako sa baba ng mga kuya ko kaya agad akong nag ayos.    'Gosh, sino ba ‘yun?' ----- Bumaba na ako para mag dinner with my grandpa. Pupunta kasi siya dito para kamustahin kami, siguro tatanungin din niya ako tungkol sa SOON-TO-BE-FIANCE ko! Yuck! Kahit gaano ko man to isipin talagang nandidiri ako. Bata pa ako, seventeen palang ako. Jusko! "Good evening, senyorita. Kakain na po. Nakahanda na ang hapunan." sabi ni manang. "Manang, ‘wag mo na akong sini-senesenyorita! Nakakailang. Hindi ka naman iba sa min, manang."  I smiled.   "Pasensya ka na, señorita! ‘Yun po ang habilin ng lolo niyo sa ‘kin." sagot ni manang. Napabuntong hininga nalang ako.  "Haists! Okay, fine!" I pouted. "Naku, naku sista! Hindi ka parin nasasanay kay manang?! Loyal kay lolo ‘yan. Ganyan lang talaga ang buhay, ‘di ba Chokla?" sabi ni kuya Mudoy saka tiningnan si kuya Michael.   "Tigilan mo na nga ako sa kaka gay language mo, Mudoy. Be matured! Baka matuluyan ka na talaga. Ayaw ko ng kambal na bakla." saka nag poker face si kuya Michael.   "Pshs. Ito naman! Hindi man lang natawa. Supportive ka talaga. Sige na baby, umupo ka na sa tabi ko." sabi ni kuya Mudoy. Napailing naman ako.   "Yuck kuya!! Baby??? SO BADUY!" sabay kaming tumawa ni kuya Michael.   "Magkapatid talaga kayo." nagtatampong sagot ni kuya Mudoy.   "Nope," pigil ko, "Magkapatid talaga tayo!" sabay naming sabi ni kuya Michael.   "Oshasha, anjan na pala kayo.." Napaayos kami ng upo ng dumating si lolo. "Kamusta kayo, kids?" parang bata paring wika ni lolo sa amin.   "Hello, grandpa! I miss you po.." Malambing na sabi ko kay grandpa.   "Bolera ka talagang bata ka!" ngumiti naman ito, "Siguro may kailangan ka na naman?"   "Grandpa naman eh. Hindi na po ako bata at wala po akong kailangan. Grandpa talaga." naka pout na sabi ko.   "Ah. Oo nga pala! Matanda ka na at dapat may mahanap ka ng mapapangasawa mo." saka ngumisi si kuya Mudoy. Bakit napaka kontrabida ni kuya sa buhay ko? At talagang pinaalala niya pa.   "Hmmmm. Grandpa, sino po ba ang ipapakilala niyo sa ‘kin ? Sabi ni kuya nireto niyo na daw ako sa kanegosyo niyo?" nagtatampong sabi ko, "Sana naman hindi masyadong katandaan ’yan Grandpa. Bata pa ako, minor de edad pa ako. Huhu. Grandpa." Kunwareng maiiyak ako.   O_O ---------- Si Grandpa   "Baby/Princess!!!" Nagulat naman si kuya Michael at kuya Mudoy. Nung problema nila?   "Bakit?" tanong ko sa kanila na parang naguguluhan. Baka may dumi ako sa mukha kaya agad rin akong napahawak sa mukha ko at kinapa ito. Wala naman akong dumi sa mukha.   "Ahem. That is your fiancé, hija." may inabot na passport si grandpa at tiningnan ko naman ito. "Para saan to Grandapa? Ba't may passport? Taga saan ba yang taong ’yan at kailangan ko pa ng passport?" tiningnan ko ito pero hindi naman pangalan ko ang nakalagay.   "Tumakas siya, Dolly." napanganga ako habang nakatingin sa kanila. At siya pa talaga ang may ganang tumakas? Seryoso ba siya? Sa gandang kong 'to ay tinakasan niya pa ako? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD