"Mama look po oh." Pang-aagaw attention ng limang taon gulang kung anak. Paikot-ikot siya sa harap ng salamin. Suot niya ang toga cap at hood ko. "Wow bagay sa baby ko ah." Ani ko. Ngayon ang araw ng aking pagtatapos. Sa dami ng pinagdaan kung hirap. Nagtagumpay akung maabot ang isa sa mga pangarap ko. Ang aking pangarap na maging isang Architect. Ang sabi nila hindi daw poque nakatapos kana ginhawa na, mas maraming hirap at pagsubok pa daw ang pagdadaanan ko. Alam ko naman yun, nagsisimula palang akong tahakin ang isang bagong yugto ng buhay ko. Mas may hihirap pa ba sa buhay na dinanas ko nuong nag-disiotso ako. Buong taon yata dinanas ko lahat ng hirap sa buhay. Ngayon pa ba ako susuko. Pinatatag na ako ng panahon. Si Kuya Samuel nalang ang kailangan kung hanapin at makapagtayo ng sar

