Halos mapalundag pa ako sa gulat ng may kumalabit sa akin. Kaya kaagad ko siyang nilingon. "Maro saan ka nangaling? Akala namin umuwi ka na." Sambit ni Aya. "Bumalik ako wala na kayo. Si Evita nalang nakita ko kaya hindi na ako tumuloy." "Sinundan namin si Architect pero biglang nawala. Hindi namin alam kung sinong lalaki humila sa kanya." Bulalas ni Donna. "Sabi ko kasi sa inyon taken na yun. Malamang asawa niya yun lalaki." Saad ni Aya "Sayang kursunada pa naman ni Dax, may asawa na pala." Para akung tinadyakan sa dibdib ng marinig ang sinabi ni Rex. Hindi ko alam kung bakit naiinis na naman ako sa mga naririnig mula sa kanila. "Parang pamilyar sa aking ang kanyang mga mata hindi ko lang matandaan kung sino sa mga kakilala ko ang may ganuong mata." Saad ni Donna parang ang lalim n

