Charmaine He is furious with me at this time! Damang dama ko ang galit ni jordan sa akin dahil lamang sa kumupas na polo shirt nya. I bend down my head and I can’t look into his eyes. Nakadama din ako ng panginginig ng katawan dahil hinihintay ko ang masasakit na salitang ipupukol nya sa akin. “Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang bili ko sa isang ‘to? Sinira mo lang? My God! Kung hindi mo alam kung paano ang tamang paglalaba, huwag ka na lang magmarunong!” matapang na sabi nya sa akin. Tatanggapin ko na lang ang lahat ng mga sinasabi nya. Sanay na sanay naman akong mapagalitan. Alam ko naman na may pagkakamali ako, kaya mas mabuti nang manahimik na lang. Ayokong makipagtalo sa kanya. Kapatid sya ni Leighton, kaya ayokong dagdagan pa ang ikasasama pa ng loob nya. “S-Sorry, pa

