Agad na akong nag-impake ng mga gamit ko. Tatlong buwan lang naman akong mananatili kila Charmaine kaya ayos lang sa akin.
Ang baby ko talaga, nakakagulat ang mga desisyon. Pero lihim na natutuwa ang puso ko pati na rin si junjun.
Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay biglang pumasok si mama sa kwarto.
“Ano anak, totoo na ba yan? Sya na ba talaga?” seryosong tanong ni Mama
Gusto kong tumawa sa mga sinabi ni mama, sobrang seryoso naman ng mga sinabi nya. Ngumisi lang ako ng kaunti sa kanya.
“Ma, tatlong buwan lang to!” sabi ko
Napabuntong hininga lang si mama sa akin. Para bang nalungkot sya sa mga sinagot ko.
“Hihintayin ko pa rin ang araw na magseseryoso ka na. Anak, tumatanda ka na. Ayaw mo bang magkapamilya?” tanong nya
Napaisip din naman ako sa sinabi ni mama. Syempre, pangarap ko din magkaroon ng sarili kong mga anak. Yung asawa na mag-aalaga sa akin at sa pamilyang bubuuin namin. Yung babaeng araw araw kong lalambingin. Yung babaeng nag-iisa lang sa buhay ko.
Pangarap ko din iyon, pero paano? Hindi talaga ako makatiis na tumikim ng ibang putahe. At hindi ko alam kung paano magmahal. Hindi ko alam kung paano makuntento. Kaya ang mabuting gawin ay hintayin ko na lang din ang araw na iyon.
Hihintayin ko yung babaeng magpapatibok talaga sa puso ko. Oh darating pa ba yun?
Naks! Napakabaduy naman ng iniisip ko.
“Hayaan mo Ma, darating din yan!” sabi ko
Niyakap ako ni Mama.
Parang baliw si mama, akala mo naman ang tagal kong mawawala. Pero mamimiss ko ang yakap ni mama. Wala nang bubulyaw sa skin tuwing umaga. Walang manenermon sa akin sa tuwing mag-uuwe ako ng babae sa bahay.
Sa wakas malaya na ako!
Joke lang!
Niyakap ko din sya ng mahigpit at binigyan ng masarap na halik sa noo.
Agad na kaming bumaba dahil baka naiinip na ang baby kong amazona at masungit.
Pagbaba namin ay tahimik lang si Charmaine na nakaupo sa sofa. Hindi nya kinakausap ang mga kapatid ko. Nakaarko na naman ang mga kilay nya. Nakahalukipkip din sya at parang sasabog na sa galit.
Tumayo na sya nang makita ako dala ang isang malaking bag. Mas inarkuhan pa nya ako ng kilay.
Padabog syang dumiretso palabas ng pinto. Walang paalam? Shitt? Galit na naman talaga sya.
Napameywang naman ang kapatid kong bunso, at sinundan nya ng tingin si Charm. Nakaarko din ang kilay ni Kate. Ano naman kaya ang eksena kanina?
“Napakaarte nya talaga! Ang sungit pa, hindi kami kinakausap ni Ate Liza! Napakabastos pa, hindi man lang nagpaalam sa atin!” pagsusumbong ni Kate
“Hayaan mo na. May pinagdadaanan eh, ito kasing kapatid natin eh, ang galing manakit ng babae!” sabi naman ni Liza
Humakbang pa akong palapit sa kanila at sabay ko silang hinablot para yakapin.
“Kaya kayo, wag kayong hahanap ng tulad ko. Sige na aalis na si kuya. Magpakabait kayo dyan ha. Wag pasaway kay mama at papa!” bilin ko
Naiirita itinulak ako ni Kate. Napakaarte din talaga ng kapatid kong ‘to eh!
“Kuya, ikaw lang naman ang pasaway kay mama at papa noh! Sige na umalis ka na nga. Sundan mo na ang babaeng yun!” sabi pa nya
Kinurot ko ang ilong ng kapatid kong bunso bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Narinig ko na naman ang nakakarinding sigaw ni Kate.
Nakakatuwa talaga syang asarin.
Paglabas ko ng bahay ay galit na naghihintay si Charmaine sa loob ng sasakyan nya. Napakamot ako ng ulo habang papalapit sa sasakyan nya.
Saka ko lang napansin na sya ang may dala ng sasakyan, wala syang driver?
Naupo ako sa tabi nya. Napansin kong mahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela.
Sobrang tahimik namin sa loob ng kotse. Pero nararamdaman ko ang parang apoy na bumubuga sa kanya.
“Wala si Mang Toni?” tanong ko na lang.
Agad na nyang binuhay ang makina at pinaharurot ang kotse. Nagulat ako sa ginawa nya. Iba pala syang magalit. Ang weird lang.
Hindi ko kasi nabasa sa kontrata kung bawal din akong tumikim sa ibang babae. Ano ba ang ikinagagalit nya?
Hindi na nya ako kinakausap. Talagang ang tindi ng galit nya sa akin. Naku! Pero, lagot sya sa akin pagdating namin sa bahay nya. Matitikman nya ang cariño brutal ni Leighton. May pilyo na naman akong ngiti sa labi.
“Wag ka nang magalit. Selos ka ba kanina?” pilyo kong tanong
Pero nagulat ako nang bigla nyang ipreno ang sasakyan nya. Buti na lang at nakaseatbelt ako, kundi sumubsob na ako sa harapan ng kotse nya.
“Ano ba baby? Wag ka na kasing magalit, baka maaksidente pa tayo” sabi ko
Hinimas ko ang likod nya at pinakalma ko sya.
Pero tinapik nya lang ang kamay ko. Tumingin sya sa kabilang side ng bintana at nasaksihan ko ang pagluha nya. Bakit ba sya umiiyak? May ginawa na naman ba sa kanya ang damuhong Stephen na yun?
Parang may kumurot sa puso ko.
Ilang beses na akong nakakakita ng babaeng umiiyak nang dahil sa katarantaduhan ko, at wala naman akong pakialam sa nararamdaman nila.
Pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon kay Charm. Ayokong nakikita syang umiiyak. Ayoko ng nasasaktan sya. Ayoko nang ideyang hindi sya masaya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya. Agad kong pinawi ang luha sa mga mata nya.
“Bakit?” tanong ko
Pero ikinagulat ko ng yakapin nya ako ng mahigpit. Mas kakaiba ang yakap nyang ito sa akin. Yung ma yakap na para bang hindi na nya ako bibitawan. Yung mga yakap na sobrang init. Yung mga yakap na lagi kong hinahanap kapag mag-isa ako.
“You’re mine! Sa akin lang!” sabi nya
Parang gustong sumabog sa tuwa nang marinig ko iyon kay Charm. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko. Pero masaya ako. Masaya ako kahit na alam ko namang hindi iyon totoo.
“Okay baby. Sayo lang ako.” Sabi ko
Inangat ko ang mukha nya at hinagilap ko ang labi nya. Gusto kong ipadama sa kanya, na pagmamay-ari nya ako.
Kahit panandalian lang.
kahit pansamantala lang.
kahit sa loob lang ng tatlong buwan ay sa kanya lang ako.
Pumiglas sya mula sa paghalikan namin. Pinunasan nya ang mga luha na kanina pa dumadaloy. Nasilayan ko ang ngiti nya. Sa wakas ngumiti din ang baby ko. Nakita ko rin yung mga ngiting miss na miss ko na!
Pinaandar nyang muli ang kotse nya. Sa pagkakataong ito ay nakahawak ako sa beywang nya. May maliliit akong pisil sa tagiliran nya. At sa tuwing susulyap sya sa akin at napapangiti muli sya. Napakatopakin naman ng baby ko.
Magagalit sa akin ng todo, pero sa isang lambing ko lang nawawala na agad. Pero yun ang gusto ko sa kanya. Masungit pero malambing. Nakakagigil naman sya!
Pagdating namin sa mansyon nya ay agad kaming sinalubong ng mga kasambahay nila.
“Kunin ko na po ang bag nyo Sir, ilalagay ko na po sa kwarto nyo!” sabi ng isa nilang kasambahay.
Naagaw ng kasambahay nila ang atensyon ko. Parang ngayon ko lang sya nakita. Batang bata. Mga eightteen years old lang siguro sya.
Pwede! Gumana na naman ang pilyo kong utak. Pero kailangan kong pigilan.
Nilibot ko ang tingin sa buong mansyon. Sobrang elegante talaga ng loob nito. At talagang mamumuhay mayaman yata ako dito sa mansyon.
May mga kasambahay dito na pwedeng utusan, at hindi ko kailangang magtrabaho. Ang saya naman! Makakaranas na rin ako sa wakas ng buhay maharlika, kahit sa loob lang ng tatlong buwan. Oh Yeah!
Inabot ko ang bag ko sa cute girl na kasambahay nila Charmaine.
“Thank you!” sabi ko
Sa tingin ko ay nahihiya sya sa akin. Naging mapula ang mga pisngi nya nang nginitian ko sya.
Virgin pa kaya sya? Naku, ano ba ang naiisip ko. Kung nakakapagbasa lang ng isip si Charmaine ay malamang kanina pa nya ko binatukan. Nangako na pala ako sa kanya, na mula ngayon ay sa kanya lang ako. Pagmamay-ari na nya ako. kaya pipigilan ko ang sarili ko sa unang pagkakataon. Sana makayanan ko.
Pero paglingon ko kay Charm..
Naku! Ayan na naman ang magkasalubong na kilay nya. Ayan na naman ang itsura nyang parang susugod sa giyera! Ano na naman ba ang kinagagalit nya? Wag nyang sabihin na nababasa nya nga ang nasa utak ko? Shitt!
Nilapitan nya ako at hinatak ang braso ko. Dinala nya ako sa may garden nila at doon kami naupo.
Kapag sya ang nagagalit, triple yung kaba ng dibdib ko. Ayokong nagagalit sya. Nakakatakot eh. Parang bigla na lang mangangain ng buhay.
Hindi pa rin nawawala ang magkasalubong na kilay nya. Nakabusangot na naman ang baby ko.
"Talagang pinanganak kang babaero noh? Hindi mo talaga mapigilan?" Tanong nya.
Ohhh! Nagseselos ba sya? Pero bakit naman? Nagpapanggap lang naman kami.
"Kasama ba sa kontrata na bawal mambabae?" Pilyo kong tanong
Nasaksihan ko ang panginginig ng panga ni Charm. Naku! Galit na galit na sya! Ititikom ko na lang ang bibig ko.
"I will just revise the contract tomorrow!" Sabi nya
Sumang-ayon na lang ako para wala nang gulo. Ayoko ng parati syang galit.
Sandaling nanahimik ang paligid. Nakamasid na lang ako sa napakalaki at malawak nilang pool.
"Ma'am, Sir! Heto na po ang juice ninyo! Enjoy po!"
Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Cute girl sa harapan namin dala dala ang dalawang baso ng juice.
Napalunok ako dahil nakatingin ng masama sa akin si Charm.
Nilihis ko ang tingin ko at sa pool na lang ako parating nakatingin. Hindi ko dinapuan ng tingin ang cute girl na yun! Behave ako ngayon. Kasi magagalit na naman ang baby ko.
Uminom ako ng juice na nakasideview. Halos mabali na ang leeg ko sa pag-iwas ng tingin sa kasambahay nila. Sumipol sipol pa ako kunwari wala akong pakialam sa babae na nasa harapan namin.
"Salamat, Rio!" Sabi ni Charm
Oh! Rio pala ang pangalan ni Cute Girl. Pero hindi ko na sya pwedeng tignan. Hindi na talaga!
Kinaya ko naman ngayon, at sana ay sa mga susunod pa.
Umalis na si Rio.
Nangawit na ang leeg ko kaya iginawi ko na ang ulo ko sa pwesto ni Charm.
Pero nakita kong nakangiti sya sa akin.
"Good boy!" Sabi nya
"Sabi mo eh! Basta sayo lang ako!" Sabi ko sa kanya.
Inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko.
Sa ganitong posisyon ay kontento na ako. Ang sarap lang mangarap sa tabi nya. Sa loob ng tatlong buwan ay ganito ang magiging buhay ko kasama sya.
Kinabukasan...
Nagising akong wala na sa tabi ko si Charm. Ang aga naman nyang gumising. Halos madaling araw na kami nakatulog kanina dahil sa matinding salpukang ginawa namin kagabi.
Parang mapupudpod na si Junjun sa mga pinaggagagawa namin.
Naku! Nabubuhay ulit si Junjun sa tuwing iisipin ko ang mga nangyari kagabi. Shitt! Hindi yata ako magsasawa sa kanya.
Tumayo na ako at nag-ayos ng kama. Sobrang laki at magara ang kwarto ni Charm. Bakas pa sa kama ang mga ginawa namin kagabi.
Siguro ay ipapalinis na lang ito sa kasamabahay nila.
Naghilamos muna ako sa kanyang banyo bago tuluyang lumabas.
Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Manang.
"Good morning Ser! Pinapasabi po ni Mam Charmaine na magpunta daw po kayo sa opisina nya ngayon po." Sabi nito
"Okay Manang!" Sagot ko.
Agad na nga akong nagtungo sa opisina nya. Halos maligaw ako sa laki ng mansyon nya. Paano sya nakakatiis tumira dito ng mag-isa? Ni hindi nya nga kinakausap ang mga tao dito sa mansyon. Ganun ba talaga kalungkot ang buhay nya?
Pagpasok ko sa kanyang opisina ay nakita ko syang nakaupo sa office chair nya. Pinapaikot ikot nya ang ballpen sa kamay nya.
"Have a seat." Pagyaya nya sa akin
Naupo ako sa harapan nya. Pakiramdam ko ay nasa isang final interview ako sa posisyon naming ito.
Inabot nya ang isang white folder. Ito na yata yung sinasabi nyang revised contract. Ano naman kaya ang laman nito.
"May mga idinagdag lang ako." Sabi nya
Nakasandal na sya sa kanyang office chair at nakatitig sa mga mata ko.
"Unang una, bawal kang makipagrelasyon or makipagse.x sa iba! Hindi pa ba ako sapat? Tatlong buwan lang naman." Sabi nya
She raised her eyebrows.
Pero ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya.
"Ikaw lang sapat na baby. Promise behave ako." Sagot ko sa kanya
Pero mas lalong umarko ang kilay nya sa akin. Napalunok na lang ako sa nakita kong pagkairita nya. Tinanggal nya ang mga kamay kong nakapatong sa kamay nya. Sungit!
"Number two, hindi ka pwedeng lumabas ng mansyon ko. Dito ka lang. Lahat naman ng kailangan mo ay narito na sa loob ng bahay ko. Lalabas ka lang kapag kasama mo ako! Kapag gusto ko." Sabi nya
Nakakatakot naman yung mga sinabi nya. Ikukulong nya ako dito sa mansyon nya. Pero ayos na rin, tatlong buwan lang naman. Mabilis lang yan. At tama sya, dahil lahat naman ng kailangan ko ay narito na sa mansyon nya.
Ang tanging gagawin ko lang ay paligayahin sya kapag darating na sya galing sa trabaho. Oh yeah!
"Okay!" Maikling sagot ko.
Ngumiti din sya sa akin. Gustong gusto ko talaga kapag ngumingiti sya. Parang ang bait bait nya. Pinirmahan ko agad ang kontrata. Hindi ko na binasa, hindi naman ako lugi.
"Don't worry, every month padadalhan natin ng pera ang pamilya mo. Hindi naman matitigil ang pagsustento mo sa kanila." Sabi pa nya.
Wow! Naisip nya pa talaga ang pamilya ko. Ayos!
"Yown! Salamat." Sabi ko
Pakiramdam ko ay ang swerte ko sa trabaho na ito. Wala akong ibang gagawin, hindi ako magpapakahirap magtrabaho pero nakakasahod ako ng malaki. Ang sarap ng buhay ko dito. Pwede bang life time na to?
May pilyo na naman akong ngiti sa labi ko.
"Do you have a passport?" Tanong nya
Nagtaka ako sa tanong nya. Nagkunot ang noo ko at tumango.
"Meron naman. Nakakuha ako noon nung nagcompete ako sa isang pageant sa Singapore. Two years pa bago maexpire yun eh. Bakit?" Tanong nya
Tumayo sya at inayos ang mga folders na nasa lamesa nya.
"Magbihis ka na ngayon. We will process your visa. We will travel to Iceland!" Sabi nya.
Napanganga ako sa mga sinabi nya?
Magbabakasyon kami sa Iceland. Wow! Wala ba talagang magawa si Charmaine sa pera nya?
Iceland! Nasabik tuloy ako!
Ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo! Yahooo!