Charmaine Mag-uumaga na ng makauwe kami ni Mich galing sa birthday party ng boss ko. Inihatid kami ni Mr. Pineda sa tinutuluyan kong bahay. Umalis agad ang matanda pagkahatid sa akin. Ganun din si Mich. Halos hindi na deretso ang mga tingin nya ng mag-paalam sa akin. "Mich, dito ka na lang muna kaya?. Baka kung mapaano ka pa sa daan." Pag-aalala ko sa aking kaibigan. Umiling iling ang kaibigan ko. Ikinaway nya ang kanyang kamay sa akin at saka sumusuray na nagtungo sa kotse nya. Nakita kong hirap na hirap syang kunin ang susi sa loob ng kanyang bag. At nang makita ang pakay nya ay agad na syang pumasok sa kotse nya at saka pinaharurot ito. Nahihilo na rin ako sa dami ng nainom kong red wine. Napahawak ako sa aking tiyan. Pinakiramdaman ko ang bata sa loob ng aking sinapupunan.

