Chapter 30

2146 Words

Leighton Ito na ang simula ng malaking pagbabago sa buhay ko. Hindi maipaliwanag ng puso ko nang malaman ko ang katotohanang mahal pa rin ako ni Charm. Napatawad na nya rin sa wakas ang kasalanang nagawa ko sa kanya noon. At nangako naman ako sa sarili ko na hinding hindi na mauulit pa ang pangyayaring iyon. Napatunayan ko sa aking sarili na mahal ko si Charm. At kapag nagmamahal ka ay kailangan mong maging tapat sa kanya. Isinantabi ko ang dating laman ng utak ko, na dapat lahat ng babaeng matipuhan ko ay matitikman ko. Isang babae na lang ngayon ang nasa isip ko na kailangan kong mapaligaya habambuhay. At iyon ay walang iba kundi si Charmaine Dela Torre. Isang taon ang lumipas... Naging mabuti naman ang pagsasama namin ni Charm sa bahay. Sabi nga nila mama ay kontrata na lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD