Leighton Hindi ko alam kung panaginip ba ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Ang bilis lumipas ng panahon. Pakiramdam ko ay parang kahapon lang nung umiiyak ako kay mama dahil hindi nya ako nabilhan ng ice cream. Iyak ako ng iyak sa kanya pero hindi nya talaga ako binilhan dahil unang una ay hindi sapat ang pera ni Mama pambili nito, at isa pa ay masama daw sa bata ang masyadong matamis. Itinatak ko sa isip ko ang mga pangaral ni Mama na kapag may gusto akong isang bagay ay dapat na paghirapan ko muna bago ko ito makamtam. Hindi lahat ng gusto natin ay madaling makuha ng ganun na lang. Mas masarap pa rin sa pakiramdam kapag alam mong pinaghirapan mo ang mga bagay na nasa paligid mo. Parang kailan lang ay lagi kaming nag-aasaran ng mga kapatid ko. Lagi naming pinapaiyak si Kate. L

