MAYAMAYA, siya ang kusang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Magrereklamo na sana ako dahil hindi pa ako kuntento sa pagkakayakap sa kaniya, but when he cupped my face and without saying a word he planted a firm kiss on my lips, hindi ko na nagawang magreklamo. Mabilis ding tumingkayad ang mga paa ko at ipinulupot ko sa leeg niya ang mga braso ko at buong puso na tinugon ang mga halik niya.
Damn. And I missed his kisses so damn much.
Hindi ko alam kung ilang minuto na magkahinang ang mga labi namin. Basta ang alam ko lang, wala akong balak na putulin ang mainit na halik na iyon kahit pa bahagya na akong nahihirapang huminga. Pero kagaya sa yakap namin kanina, siya na rin ang kusang pumutol sa halik na pinagsasaluhan namin. Humabol pa nga ang mga labi ko sa kaniya nang lumayo siya sa akin.
“Hey!” nakangiting saad niya sa akin.
Nakagat ko na lamang ang pang-ilalim kong labi at itinuon ko sa dibdib niya ang paningin ko dahil bigla akong nahiya sa kaniya. Pero hinawakan naman niya ang baba ko at muling iniangat ang mukha ko upang magsalubong ulit ang mga mata namin.
“I missed you so much, Solana!” aniya.
Muli akong napangiti. “Namiss din kita, Rufo.” Saad ko at ipinulupot sa baywang niya ang mga braso ko. “Where have you been? Bakit tatlong araw kang nawala? I was worried about you. And I was waiting for your call or text message.”
Tipid naman siyang ngumiti at masuyong hinaplos ang pisngi ko nang bitawan niya ang baba ko.
Doon ko lang napansin ang panglalalim ng kaniyang mga mata. Ang mga balbas at bigote sa kaniyang mukha ay bahagya na ring tumubo dahil sa tatlong araw na hindi niya naahit iyon.
“Are you okay?” hindi ko napigilan ang magtanong sa kaniya habang nakikita ko ang mga mata niya na parang pagod at stress.
Tumango siya at bumuntong-hininga. “Yeah, I’m okay.” Aniya.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “Are you sure? Because you seems not.” Saad ko pa.
Bumuntong-hininga ulit siya saka hinawakan ang mga braso kong nakapulupot sa baywang niya at bahagya akong hinila upang umupo kami sa sofa.
“I’m just tired.” Aniya nang magkatabi na kaming nakaupo. Hawak-hawak pa rin niya ang mga kamay ko.
“Sana hindi ka na pumunta rito at nagpahinga ka na lang sa pad mo.” Nag-aalala pa ring saad ko sa kaniya.
Ngumiti siyang muli at ipinagsalikop niya ang mga palad namin. “That’s why I came straight here to see you and to get rid of my tiredness right away.”
Napangiti na rin ako. “Ikaw talaga.” Iyon lamang ang nasabi ko. Kinilig kasi ako bigla dahil sa sinabi niya.
Mayamaya ay muling naging seryoso ang mukha niya at inihilig niya ang kaniyang ulo sa ibabaw ng sofa habang hindi pa rin naghihiwalay ang titig namin sa isa’t isa. “I’m sorry if I didn’t call you like I told you the day before I left and I also could not call and text you in the following days. I was busy that I couldn’t even hold my phone to call you.”
Oh, feeling ko naman ay biglang naglahong parang bula ang inis at pag-aalalang nararamdaman ko para sa kaniya nitong mga nakaraang araw dahil sa pagpapaliwanag niya sa akin ngayon.
Tumango ako at binitawan ng isang kamay ko ang isang kamay niya. Umangat iyon papunta sa kaniyang mukha at masuyong hinaplos ko ang pisngi niya. “It’s okay. I understand,” wika ko at sinuyod ng tingin ang buong mukha niya. Kitang-kita ko nga ang labis na pagod at puyat niya. “Gusto mo bang magpahinga na?” tanong ko sa kaniya. “Dito ka na matulog.”
“Can I sleep beside you?” namamaos at mahinang tanong niya habang nag-uumpisa ng pumikit-pikit ang mga mata niya.
Sa halip na sagutin ko ang tanong niya, kumilos ako sa puwesto ko para tumayo. “Let’s go upstairs, babe.” Saad ko sa kaniya at bahagyang hinila ang kamay niya.
Saglit siyang pumikit pa at bumuntong-hininga bago muling nagmulat at ngumiti sa akin. “I missed you.”
“Namiss din kita. So, tara na sa kwarto ko. Roon na tayo magpahinga.”
Tumayo naman na siya at ipinulupot sa baywang ko ang isang braso niya. I did the same. Ipinulupot ko sa baywang niya ang isang braso ko at magkaagapay na kaming pumanhik sa hagdan hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Kaagad siyang umupo sa gilid ng kama ko.
“Sorry, pero maliit lang ang kama ko.” Saad ko sa kaniya.
“It’s okay, baby. Kakasiya tayo rito.” He then took off his shoes and socks. Then he also took off the round neck t-shirt he was wearing. He stood up and took off his pants as well.
Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ko. “Hey! Akala ko ba pagod ka at magpapahinga na tayo?” nagtatakang tanong ko.
Bigla naman siyang tumawa nang pagak saka muling umupo sa gilid ng kama ko at inabot ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya.
“Matutulog na nga tayo, baby,” sabi niya. “Even if I want to make love with you now... my body can’t take it anymore. I’m so tired. So, let’s sleep.”
“While naked?” tanong ko pa.
“What’s wrong?” balik na tanong niya. “I want to sleep like this, baby. Please... I’m really tired.”
Nang humiga na siya sa kama ko at hinila niya ang kamay ko, napahiga na rin ako sa tabi niya. Kaagad niya naman akong niyakap nang mahigpit nang gawin kong unan ang braso niya.
“Good night, Solana!” aniya at hinalikan pa ang noo ko.
Napangiti na lamang ako. “Good night, babe.” Saad ko saka ako nagsumiksik sa dibdib niya at pumikit na rin.
KINABUKASAN, nagising ako nang maramdaman kong may naglilikot sa tabi ko at may panaka-nakang humahalik sa pisngi at mga labi ko. Nang magmulat ako ng mga mata ko, ang unang bumungad sa paningin ko ay ang nakangiting mukha ni Rufo.
“I’m sorry for disturbing you, baby.” Aniya at mabilis na dumukwang sa akin at hinagkan ang mga labi ko.
Oh, God! Bigla naman akong nahiya sa kaniya. Kagigising ko lang at hindi pa nga ako nakakapag-mumog or toothbrush pero nanghahalik na agad siya. Mabuti sana kung smack kiss lang, but he gave me a torrid kiss. Oh, holy lord!
Napaungol ako at bahagya kong itinulak ang kaniyang dibdib upang lumayo siya sa akin.
“Babe, hindi pa ako nakakapagmumog,” wika ko.
“So what?” kunot ang noo na saad niya at iniangat ang kaniyang ulo at ipinatong iyon sa kaniyang palad nang itukod niya sa ibabaw ng unan ang kaniyang siko.
Tikom ang bibig na napangiti na lamang ako. “Morning, babe.” Bati ko na lamang sa kaniya mayamaya.
Ngumiti rin siya ulit sa akin. “Morning too, baby.” Aniya at ipinatong sa baywang ko ang isang braso niya pagkuwa’y kinabig ako papunta sa kaniya kaya nagkadikit nang husto ang mga hubad naming katawan.
I could feel his hard abs and also his erect solid-member touching between my thighs. Damn. Umagang-umaga nag-iinit na naman ang pakiramdam ko. Katatapos nga lang namin mag-make love kaninang madaling araw nang gisingin niya ako, tapos ngayon naman ay heto, nagpaparamdaman na naman ang kaibigan niya.
“Stop it!” saway ko sa kaniya at bahagyang pinalo ang dibdib niya. I know namumula ngayon ang mukha ko dahil ramdam ko ang pag-iinit niyon ngayon.
Bahagya naman siyang tumawa nang pagak. “What, baby?” kunwari ay tanong niya saka marahang nag-umpisang humagod ang palad niya sa likod ko.
Shit. Rufo, do not do that!
Gusto kong tumutol sa ginagawa niya dahil sigurado akong oras na tuluyang mabuhay ang init sa katawan ko ay hindi ko na naman mapipigilan ang sarili ko na magpaubaya sa kaniya. Hindi namin puwedeng gawin iyon ngayon lalo at umaga na at alam kong gising na ang dalawa kong kapatid.
“I said stop it, Rufo. Nasa kabilang kwarto lang ang mga kapatid ko.” Saway ko ulit sa kaniya habang may ngiti sa mga labi ko. Ugh, pasaway talaga ang lalaking ito!
He laughed again and his palm stopped caressing my back even the gentle bumping of his solid-member between my legs. “I want to eat, baby.” Mayamaya ay saad niya sa akin at ang kamay niyang nasa likod ko ay umangat papunta sa mukha ko at hinawi niya papunta sa likod ng tainga ko ang hibla ng aking mga buhok na nahulog sa tapat ng mukha ko. Inipit niya iyon sa likod ng tainga ko.
“E ’di bumaba na tayo sa kusina para magluto tayo at makakain na tayo ng almusal.” Saad ko sa kaniya at kikilos na sana ako para bumangon, pero muli niyang ikinadena sa baywang ko ang braso niya at muli akong hinapit palapit sa kaniya.
“Later. I want us to stay here for a while... like this.” Aniya. “I want to hug you for a few more minutes.” Tila naglalambing pang saad niya.
Napangiti naman ako. Ipinatong ko na rin sa baywang niya ang isang braso ko at pinakatitigan ko nang mataman ang mukha niya. Damn this man. Kahit bagong gising lamang siya ay sobrang gwapo niya pa rin. Look at him! Magulo pa ang buhok niya pero napakaguwapo pa rin niya. Perfect pa rin ang hitsura niya. Nakaka-in love pa rin ang hitsura niya. He’s so damn perfect.
“I slept well last night, especially after we made love.” Aniya at muling sumilay ang matamis niyang ngiti. Ipinagpalipat-lipat niya ang kaniyang paningin sa mga mata at mga labi ko at pagkatapos ay bahagya niyang kinagat ang ibabang labi niya.
“Ako naman ang hindi nakatulog nang maayos dahil ang kulit mo,” sabi ko at nanulis pa ang labi ko. Kunwari ay nalulungkot na saad ko.
Kinabig niya ako lalo papunta sa kaniya at mas lalong humigpit ang pagkakayapos ng braso niya sa baywang ko. “I’m sorry, baby. I just missed you.” Aniya at dumukwang sa akin at muling hinagkan ang mga labi ko.
Napapikit naman ako at tumugon sa halik niya. Damn. Adik na nga talaga ako sa mga halik ni Rufo. Sa tuwing hahalikan niya ako ay awtomatikong pumipikit ang mga mata ko at napapatugon agad ako. I really love his sweet kisses. Hanggang sa lumayo siya sa akin, pero nanatili pa rin akong nakapikit lalo pa at naalala ko na naman ang Rhea na tumawag sa kaniya no’ng nakaraang linggo. Iniisip ko pa rin na iyon marahil ang dahilan kung bakit siya umalis at nawala siya ng tatlong araw.
Later, I felt him rub the tip of his nose on the tip of my nose so I open my eyes again. I saw him still smiling at me.
Oh, God! Aminado akong hulog na hulog na talaga ang puso ko kay Rufo. But I don’t know how to confess that to him especially and I’m not sure if he has feelings for me too. Or maybe ganoon pa rin ang status namin para sa kaniya... I’m still his bed partner.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Come on. Bumaba na tayo sa kusina para kumain tayo.” Saad ko saka ako kumilos. Hindi naman niya ako pinigilan kaya bumangon na ako nang tuluyan at kaagad na kinuha ang mga damit ko at bale-walang nagbihis kahit nararamdaman ko ang paninitig niya sa akin. Pagkatapos kong magbihis ay nilingon ko siya, nakangiti na ako. “Come on, babe. Bumangon ka na.” Saad ko pa at dinampot na rin ang mga damit niya. Inilapag ko iyon sa gilid ng kama ko habang siya naman ay mataman lamang na nakatitig sa akin.
“Are you okay, baby?” tanong niya mayamaya.
“Of course. Why did you ask?” balik na tanong ko sa kaniya.
Bumuntong-hininga naman siya saka siya kumilos sa puwesto niya at bumangon na rin. Kitang-kita ko ang kahubdan niya nang lumapit siya sa akin at kaagad na kinuha ang mga kamay ko at masuyo iyong pinisil. Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin. “I’m sorry again, Solana. I know you’re mad at me because I was gone for three days and I didn’t even call you.” Aniya at binitawan ang isang kamay ko at umangat ang kamay niya sa pisngi ko at humaplos doon. “Umuwi ako sa bahay dahil nagkaroon na naman ng problema. I need to fix it again before it gets worse.” Pagpapaliwanag niya.
Bahagyang nangunot ang noo ko. May family problem siya?
“So, don’t sulk or get mad at me, okay? Babawi ako sa tatlong araw na nawala ako at hindi tayo nagkasama.” Aniya at ngumiti sa akin habang hawak-hawak pa rin niya ang pisngi ko. “Let’s have a dinner date tonight, what do you think?” tanong pa niya sa akin.
Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti dahil sa sinabi niya. Oh, holy lordy! Bakit naman ang ang rupok ko at ang daling suholan? Isang aya lang ng date okay na agad? Well, kagabi nga isang sorry lang niya bumigay agad ako, ano pa kaya ngayon? Oh, Solana! Napakarupok mo naman pagdating kay Rufo.
“Okay,” sabi ko at yumakap sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko bago ako humiwalay sa kaniya. “Magbihis ka na para bumaba na tayo sa kusina.” Saad ko pa saka ako naglakad papunta sa banyo para maghilamos muna.
NANG SINABI ni Rufo na babawi siya sa akin dahil sa pagkawala niya ng tatlong araw, tinupad nga niya iyon. Since the night he asked me on a date, sa pad niya ako tumira ng apat na araw. Buong araw at buong gabi ay magkasama kami parati. Usual, parati pa rin kaming sabay pumasok at umalis sa school pagkatapos ng klase namin sa hapon. Bago naman kami umuwi sa pad niya, sa labas na kami kumakain. Dinadala niya ako sa mga paborito daw niyang restaurant, para kapag umuwi kami sa pad niya, hindi na namin kailangang magluto. Manunuod na lang kami ng palabas kapag gusto namin, or hindi kaya nagbabasa ng mga novels na paborito niya. Ewan, nahawa na rin ako sa kaniya sa pagbabasa ng libro na hindi ko naman gawain. And of course, hindi ko naman siya mapigilan kapag naglalambing siya sa akin na mag-make love kami. Oh, sweet Jesus! I know na mali na sobra na akong nagpapadala sa init ng mga katawan namin lalo pa at wala namang malinaw na label sa pagitan naming dalawa, na baka masaktan lang ako nang husto kapag dumating ang araw na iwanan na niya ako kasi nagsawa na siya sa akin, nagsawa na siya sa katawan ko. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko, e! Siguro, for now ay i-enjoy at sulitin ko na muna itong saya na nararamdaman ng puso ko dahil sa kaniya, saka ko na lamang iisipin ang problema kapag nariyan na. Ang importante naman sa akin sa ngayon ay masaya ako at nakikita ko rin naman sa mga mata ni Rufo na masaya siyang kasama niya ako.
From behind me, I felt Rufo’s arms wrapped around my waist and he placed his chin on my shoulder and he kissed my cheek.
“Do you want to join me in the shower, baby?” malambing na tanong niya sa tapat ng tainga ko.
Napangiti naman ako. Nasa tapat ako ng refrigerator niya at kumukuha ng tubig dahil nauuhaw ako. I was wearing his round neck t-shirt habang panty lang ang pang-ilalim ko. Siya naman ay nakasuot lang ng boxers niya. We just finished making love a few minutes ago. Pero sa klase ng paglalambing niya sa akin ngayon, I know na gusto na naman niyang ulitin namin iyon sa loob ng banyo.
“I’m tired, babe.” Natatawang saad ko sa kaniya.
“Please!” aniya at paulit-ulit na hinagkan ang pisngi at leeg ko, maging ang balikat ko. “Please, baby! I want you to join me in the shower.” Pangungulit pa niya sa akin.
Malalim ngunit banayad na paghinga ang pinakawalan ko sa ere saka ako pumihit paharap sa kaniya. I immediately wrapped my arms around his neck at bahagya pa akong tumingkayad. “Okay fine,” sabi ko na kunwari ay napipilitan lang.
Sumilay naman ang malapad na ngiti sa mga labi niya saka siya dumukwang at sinilyuhan ng halik ang mga labi ko. Ilang segundong nagpalitan kami ng halik bago ako bumitaw sa kaniya.
“Pero mauna ka na. Tatawagan ko lang si Gabby.” Saad ko sa kaniya.
“Alright. But don’t take too long, baby.” Aniya at marahan pang pinisil ang baba ko.
Nang tanggalin ko ang mga braso ko sa leeg niya ay kaagad akong naglakad papunta sa kama niya at umupo ako sa gilid niyon. Kinuha ko ang cellphone kong nasa ibabaw ng bedside table at tinawagan ko nga ang number ni Gabby. Pero panay lang ang ring sa kabilang linya. Nakailang tawag ako, pero ganoon lang ang naririnig ko, hindi ito sumasagot.
“Oh, Gabriella. Wala ka na naman siguro sa bahay!” saad ko at mabilis na nagtipa sa screen upang magpadala na lang ng text message rito. Pagkatapos ay ibinalik ko ulit sa mesa ang cellphone ko at tumayo. I was about to walk to the bathroom to follow Rufo when suddenly someone knocked on the door. Walang pagdadalawang-isip na humakbang naman ako papunta roon upang buksan ang pinto. Isang babaeng seryoso ang mukha ang bumungad sa akin nang mabuksan ko ang pinto. Just like me, she was a little surprised to see me. Kaagad ako nitong sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Who are you?” tanong nito sa akin at mabilis na nagsalubong ang mga kilay nito.
Hindi agad ako nakapagsalita. Oh, my God! Is she Rhea? Ito na ba ang Rhea na tumatawag kay Rufo no’ng nakaraan?
“I said who are you?”
“S-sino ka?” sa halip ay balik na tanong ko nang makabawi na ako sa pagkatulala ko.