"Masyadong naging mapangahas ang naging action mo kagabi agent black. Hindi ka sumunod sa naging usapan."
Napakunot noo si Angel habang pinapakinggan ang maagang panenermon ng ex niyang talipandas.
At anong usapan ang sinasabi ng cuervo na ito? Sa pagkakatanda nya walang napag-usapan kung ano ang gagawin nila oras na magkaputukan sa loob dahil ang plano lang naman ay ang hulihin sa akto ang dawang grupo. Which is napagtagumpayan nila. Nahuli si Cedric Perez at napatay ang iba nitong kasama pati na ang ka-transaction nito.
"Mabuti nalang at hindi ka nahuli or napinsala ng mga nakasagupa mo."
Dagdag pa nito na lalong nakapagpakunot ng noo nya.
"Teka nga muna. Ano bang pinagpuputok ng botse mo?" Di na niya mapigilang tanong kanina pa ito dada ng dada at nakukulele na siya sa ingay nito talo pa nito ang babae kung makaputak.
"Tapos na diba? Nahuli na natin si Perez. Napilayan na natin ang lintik na sindikato nayan ano pang problema mo? Saka anong plano? Sa pagkakatanda ko wala tayong naging plano sa oras na magkaputukan. And besides wala namang napahamak kagabi dapat nga magpasalamat ka dahil kung hindi sa lakas ng loob ko hindi mahuhuli ang Perez na iyon." Umuusok ang ilong na sabi niya sabay ikot ng mga mata at iniwas ang tingin dito dahil sa totoo lang naiinis na talaga siya.
"Iyon na nga ang problema ko." Singhal nito na siyang nakapagpabalik ng tingin ko dito.
"Ang lakas ng loob mo sumugod sa nagpapalitan ng putok ni hindi mo manlang naisip na maari kang mapahamak. Paano nalang kung napahamak ka nga? Do you think hindi ka hahanapin ng pamilya mo?"
Nagpanting ang dalawa kong tainga sa narinig kulang nalang lapain ko ito sa subrang sama ng tingin.
How dare him mentioned about my family. All of people ito pa talaga ang may lakas ng loob na banggitin ang tungkol sa pamilya ko?
Tiningnan ko ito ng malamig iyong tingin na alam niyang pangingilagan nito. Nagtagumpay naman siya dahil bigla din itong nanahimik siguro napag isip isip na nito ang mga nasabi.
"Wow! Coming from you. Hindi ko alam kung anong utak meron ka. Sa iyo pa talaga nang galing ang salitang pamilya! Nakalimutan mo na ba?" Tiim bagang at blanko ang mata na nakatingin dito. Ayaw na sana niyang ungkatin pa ang kung ano mang nangyari noon pero mukhang panahon ang humihingi ng pagkakataon.
"Nakalimutan mo na ba ang nangyari limang taon na ang nakakaraan?"
Tiim ang labi na tanong niya dito.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Remembering her family bring her so much pain from the past. At kahit anong pagtitimpi niya hindi niya kayang pigilan ang galit kaya sumabog siya. Ayaw sana niyang umiyak sa harap ng mga katrabaho pero anong magagawa nya? Tao lang siya, marunong din naman siyang masaktan marunong din siyang umiyak at marunong din siyang hindi magpigil ng luha lalo na kapag may nasasaling sa emosyon niya bumabalong ang kanyang luha na animo gripong nasira ang handle at hindi na kayang pigilan ang pag bulwak ng luha mula roon.
"A-angel" sambit nito sa pangalan niya magsasalita pa sana pero di na niya ito binigyan ng pagkakataon.
"Nakalimutan mo na ba na namatay ang lahat ng mahal ko sa buhay bago ang gabing iwan mo ako!" Sigaw niya dito.
Napatikom ito at blangkong tumingin sa akin samantalang natahimik naman ang nasa paligid namin at napunta sa amin ang buong attention pero wala siyang pakialam kung pag pyestahan man ng mga ito ang kwento ng buhay nya, what important is mailabas niya ang sama ng loob sa lalaki.
"Nakalimutan mo na ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan noon? Na kahit ako hindi ko maintindihan kung dahilan bang matatawag yon." Punong puno ng pait na tanong niya. Nakita niya ang recognition sa mga mata nito. Mapait siyang napangiti. Now he remembered so sad ako lang pala ang hindi nakalimot.
"Anong klaseng dahilan ang matakot kang pati ako mapahamak tulad ng mga magulang at kapatid ko kaya iniwan mo ako na walang kahit sino sa tabi ko. Walang pamilya dahil patay na silang lahat. Walang katrabaho dahil pinilit mo akong mag resigned. Walang kaibigan dahil natatakot na baka sila madamay. I have nothing left except of you. Ikaw na siyang kinakapitan ko. ikaw na inaasahan kong masasandalan ko ng mga oras na iyon. Ikaw na akala ko hindi ako iiwan. Pero nasaan ka? Sinaktan mo ako. Iniwan mo ako. Gumawa ka ng kwento just to get rid of me." Huminga ako ng lalim at pilit na pinigilan ang luha saka ngumiti ng puno ng panunuya..
"Well, thank you. Dahil kung hindi mo ginawa yun wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Wala ang isang agent black na matapang at handang salubongin ang ano mang kapahamakan." Kitang kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito. Pero huli na ang lahat. Balak sana nitong lumapit sa kanya pero senenyasan niya ito na wag ituloy dahil baka kung ano pa magawa niya.
Huminga muna siya ng malalim at pilit na pinahinahon ang saliri. Gusto niya pag nagsalita siya, wala ng luhang papatak pang muli sa mga mata niya kaya kahit masakit sa dibdib pilit niyang pinigilan ang tumulo ulit ang luha at pinatatag ang sarili.
"No. Dont try to come near me. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ano pa ang magawa ko sayo." Malamig kong sabi at nilibot ang paningin sa loob. Tahimik ang kapwa namin agent na nandoon at walang sinuman ang gustong sumalubong sa mga mata ko maging ang kaibigan kong si shiena. Mabuti naman kung ganun dahil hindi ko kailangan ng awa mula sa mga ito.
"Im sorry about my outburst and also to my drama. Dont mind me. Nagpa-practise lang ako. Balak ko kasing sumali sa comedy bar eh," pagpapatawa ko para kahit papano gumaan ang paligid pati narin ang nararamdaman ko.
Napatawa naman ang mga kasama naming babae except sa mga lalaki na mga tahimik pa din. Mukhang hindi parin naka get over sa outburst ko nagkibit balikat ako. Problema na nila yon.
"Best hindi ka matatanggap sa comedy bar pang heavy drama kasi ang peg mo eh," medyo nangingiti na sakay ni shiena sa joke ko.
humarap ako dito at Pinamaywangan ito.
"Nah, malaking kawalan sa kanila pag di nila ako tinanggap. Abah, ano pang hahanapin nila? Magaling na akong sumayaw may talent pa ako sa pag acting saan ka pa?" Aniko na nag post pa sa harap ng kaibigan namin. Totaly ignoring the stares na nanggagaling sa likod ko.
"Very well said black! Mabuti naman at kaya mo ng kuntrolin ang emosyon mo."
"My Queen" yumuko ako tanda ng pagbibigay galang sa pinaka boss namin.
"Mom?" Kunot noong tanong ni Ashton sa ina.
"What son? I just heard one of my daughter outburst.. thats why I came here. I'm afraid she will not handle her self and no one can able to handle her and she'll end up killing all of you."
Napasinghap ang marami.
"My queen!" Nakikiusap ko itong tiningnan.
"What do you mean my queen?" Seryoso ng tanong ni Ashton sa ina.
"Well, its not my story to tell son, Im going." Kung gaano ito kabilis na nakapasok sa silid ganun din ito kabilis na nakalabas ng silid.
"What is she talking about?" Nang-aakusa na tanong ni cuervo sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay.
"What do you care?" Pagtataray ko.
"May pakialam ako dahil damay ako kung sakaling masiraan ka ng ulo at bigla mo nalang kaming pagbabarilin dahil di mo na makuntrol ang sarili mo." Napanganga ako sa tinuran ng lalaki at maang na napatingin dito waiting for him to say na im sorry I was just kidding. Pero wala, nakalipas nalang ang ilang minuto seryoso parin itong nakatingin sa akin at mukhang hinihintay pa nito ang maging outburst ko ulit tungkol sa sinabi nito sa akin. Nasaktan ako oo pero sawa na siyang masaktan kaya sa halip na magpaapekto sa sinabi nito napasmirked ako.
"Don't worry kung sakali mang masiraan ako ng ulo sisiguraduhin kong ikaw at ikaw lang ang mapapatay ko." Pagkatapos ko iyong sabihin ay tinalikurad ko na ito. Ang kapal ng mukha nito para sabihin yon sa kanya.