Chapter 11

998 Words
"Sigurado ka ba na okay lang talaga ang babaeng yun don?" Tanong ni cuervo ilang minuto na silang bumabyahe palayo sa lugar na pinanggalingan nila.  Padabog siyang humarap dito. "Ganun ba talaga kasama ang tingin mo sa akin at talagang iiwan ko ang kauri ko sa lugar na iyon ng ganun lang? Syempre tumawag ako ng maaring kumuha  sa kanya or pwedeng magdala sa kanya sa hospital kung sakaling mag-aagaw buhay na siya!" Singhal niya sabay irap saka nag iwas ng paningin. Nahagip pa ng mata niya ang  paghigpit ng pagkakakapit nito sa manibela wari'y nagpipigil na masagot siya.  "Alam mo kung nag-aalala ka sa kanya bakit dimo balikan ano?" Sabi niya ng hindi makatiis  Sabay baling ng tingin dito pero agad din niyang nabawi ng makitang nakatingin ito sa kanya at sa paraan ng pagkakatingin nito daig pang hinahalukay ang kaloob looban niya. Pero ng maisip na bakit siya iiwas eh, tama naman ang mga pinagsasabi niya. Humarap siya sa lalaki at tinaasan ito ng kilay. "Anong tinitingin tingin mo? Pwede ba eyes on the road ayaw ko pang mamatay mauna ang babaeng pukpok na iyon bago ako." Pagtataray niya. Napatiim bagang ito sabay iiling at pinabilis ang takbo ng sasakyan. Napakapit siya sa door handle. "Pwede bang pakibagalan tang na mo! Sinabing wala pa akong balak mamatay hayop ka!" Sigaw niya dito. Bigla nitong hininto ang sasakyan buti nalang naka seatbelt siya di siya nauntog sa dashboard ng sasakyan pero yung dalawang sanggano sa likod ayon tumalsik papunta sa likod ng upuan nila narinig pa niya ang lakas ng kalabog noon. Napangiwi siya siguradong masakit iyon. Pero pakialam ba niya sa dalawa sa likod ang dapat niyang harapin ay ang lalaking walang alam kung paano ang tamang pag mamaneho. "Wala-- uhmmmpp"  natigil siya sa balak na pagtungayaw dito ng salubungin siya ng halik sa labi. Hindi lang basta halik kundi mapagparusang halik sa paraan ng pagkuyumos ng labi nito sa labi niya halatang ipinararamdam nito kung gaano  ito kagalit sa kanya. Na istatwa siya at hindi nakagalaw. Hinayaan ito sa gustong gawin sa labi niya pero nanatiling magkadikit ang mga ngipin niya. Ayaw niyang magsalita dahil siguradong iyon ang gagawing daan upang makapasok ang dila nito sa bibig niya at pag nangyari yun mababaliwala lahat ng tatag na inipon niya dahil sigurado siya na madadarang siya sa init na hatid nito. Ilang sigundo din itong nagpakasawa sa labi niya bago siya pakawalan at magsalita.  "Hindi na kita kilala Angel, dahil sa nakikita ko sa iyo ngayon, para kang anghel na may itim na pakpak tulad ng sa ibong uwak,  Ngayon ko lang napagtanto bagay nga sa iyo ang code name mo agent black." Naiiling at puno ng pait at sakit na  sabi nito sa kanya sabay harap ulit sa manibela at pinaandar iyon. Siya naman ay hindi nakagalaw or nakapagsalita sa kalituhan dahil sa sakit at pait na nakita niya sa lalaki. Aaminin niyang apektado siya dahil doon. At hindi niya alam kung totoo ba o kaplastikan lang ang lahat ng iyon o baka apparition lang niya pero ng  pa maalala ang mga nangyari sa mga nakaraan taon mas pinaniwalaan niya ang hulin at hindi totoo ang sakit at pait na ipinapakita nito sa kanya, tumitigas ang puso niya at galit ang nangingibabaw sa kanya kahit alam niya na para din lang sa kapakanan niya ang ginawa nito noon.  Umayos siya ng upo at tumanaw sa unahan. Inaliw ang sarili sa bawat ilaw na nadadaanan nila. Anong oras na ba? bakit parang napakatahimik ng gabi sa kahabaan ng edsa?  Ilang minuto pa ang itinakbo ng sasakyan ng biglang maalala niya hindi pa pala siya nakakapag alcohol. Kailangan niyang mag alcohol baka mahawa siya ng bacteria galing sa dalawang lalaki na nasa backseat ng kotse. "Pag may nadaanan tayong tindahan pakihinto mo ng sasakyan." Maya maya ay sabi niya sa flat na tono. Kailangan niyang magpaka civil dito. Dahil sa tuwing nagmamadilta siya kakaiba ang balik nito sa kanya at sa huli talo siya.  "Why?" Tanong nito na patuloy lang ang pag dadrive. "Bibili ako" sagot niya kahit naiinis siya. Bakit kailangan pa nitong itanong kung obvious naman na bibili siya diba? "Anong bibilhin mo?" That's it! hinarap niya ito ulit "Bibili ako ng alcohol tapos lalaklakin ko para mabusog ako! now are you happy?  or gusto mo pang itanong kung paano ko lalaklakin iyon, willing akong e demo sa harap mo kung gusto mo" na ha high blood na naman na sabi niya sabay paypay ng kamay sa tapat ng mukha na para bang naiinitan siya kasasabi lang niya na ayaw na niyang magmaldita dahil nauuwi sila sa pagaaway wala di niya mapigilan ang sarili.  Nagsalubong ang dalawa nitong kilay pero di na nag komento pa. Buti naman.  "My gosh, bakit ba ikaw pa ang naging partner ko? marami namang matalino sa agency bakit ikaw pa?" Parang di makapaniwalang tanong niya dito. Nagtagis ang mga bagang nito pero wa pakels siya at nagpatuloy sa pagsasalita mahirap nga talagang maging mabait sa taong ang turing mo ay kaaway kahit makipagplastikan lang.  "At sa lahat naman ng matalino alam mo bang ikaw ang nagiisang bobo?" Dagdag pa niya na sinulyapan ito ng tingin kitang kita niya kung paano maglabasan ang ugat sa kamat nito sa higpit ng pagkakakapit nito sa manibela. "One more word may paglalagyan ka sa akin!" Matalim ang tingin na banta nito sa kanya. Napanganga siya. So kaya na nitong pagbantaan siya? Mabuti dahil lalaban na ito ng patas sa kanya. "Why? What are you gonna do to me huh? Dont tell me"  hindi niya natapos ang ano mang nais sabihin ng marahas nitong ihinto ang sasakyan at walang pagiingat na hinigit siya palapit sa katawan nito at saka siya pinarusahan ng walang hanggang kasarapan. Nagpapasag siya but no avail ang lakas niya kaya wala na syang nagawa kundi ang mag paraya. Teka nagparaya o talagang gusto din naman nya.  Yan na nga ba ang sinasabi nya eh. Hindi lang sya maarte marupok din siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD