CHAPTER 9

1289 Words

Matuling lumipas ang mga araw ngunit tila huminto ang paglipas ng mga iyon para kay Ashley. Naging mahirap at sobrang lungkot para sa kanya ng pagdaan ng mga araw na hindi niya namamalayang lumilipas dahil sa labis na pagdadamdam niya sa hiwalayan nila ni Rim. Tulala lang si Ashley na nakatingin sa kawalan. Nagtungo siya sa playground at mag-isa siyang nakaupo sa isa sa mga swing. May mangilan-ngilang mga bata na masayang naglalaro kasama ang mga kalaro at magulang nila na wala namang pakiealam sa kanya. Napakalungkot ng mukha ni Ashley, kabaligtaran ng nakikita sa mukha ng mga batang naglalaro. Napakasakit pa rin para sa kanya ng mga nangyari at hindi niya alam kung hanggang kailan niya ito mararamdaman. Maya-maya ay mapait na ngumiti si Ashley. “Siguradong ang saya-saya nila ngayon,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD