Nakaupo nang pa-indian sa gilid ng hallway si Ashton. Abala siya sa pagbabasa nang binabasa niyang libro na hawak-hawak ng dalawa niyang kamay. Napapangiti pa siya habang binabasa ang mga eksena. Gandang-ganda siya sa bawat tagpo at kinikilig din siya. Inayos ni Ashton ang pagkakasuot ng kanyang suot na eyeglass nang hindi inaalis ang tingin sa libro. Nilipat niya ang pahina at patuloy na binasa ang susunod na tagpo. “Hooo! Kapagod talagang mag-practice.” Kumunot ang noo ni Ashton. Nakuha ng malalim na boses nang nagsalita ang kanyang atensyon. Tumigil muna siya sa pagbabasa saka lumingon sa kaliwa niya. Lalong kumunot ang noo ni Ashton ng kanyang makita ang isang binata na nakaupo katulad niya sa sahig ng hallway at hinihingal. Mukhang kakatapos lang nito sa ginawa at nagpapahinga na.

