Magkaharap na nakaupo sina Ashley at Oslo. Nasa gitna nila ang pabilog na lamesa na nakapwesto sa may garden. Kasalukuyan nilang kinakain ang niluto at hinandang pagkain ni Ashley. Nakadagdag sa sarap ng pagkain ang magandang ambiance sa garden na ang daming mga halaman at bulaklak na nakapalibot. Tama lang din ang ganda ng panahon at presko ang hangin. Sandaling tumigil sa pagkain si Ashley at tiningnan niya si Oslo. Napangiti ang labi niya ng makitang kinakain nito ang niluto niyang kare-kare. Nakaramdam naman si Oslo na nakatingin sa kanya si Ashley kaya tiningnan niya ito. Kumunot ang kanyang noo saka nilunok niya ang kanyang ninguyang pagkain. “Why?” nagtatakang tanong ni Oslo kay Ashley. “Is there something wrong with my face?” pagtatanong niya pa. Ningitian ni Ashley si Oslo. “

