“Welcome back,” nangingiting pagbati ni Ashley kay Oslo na kababalik lang mula sa business trip nito. Umangat ang magkabilang sulok ng labi ni Oslo habang tinitingnan si Ashley. Magkaharap silang nakatayo sa gitna ng living room. “Kumusta naman?” pagtatanong ni Ashley. “Okay lang,” sagot ni Oslo. “Why?” tanong pa niya. Umiling saka napangiti si Ashley. “Wala lang. Gusto ko lang magtanong,” sagot niya. “Mabuti naman at naging okay ang lahat hanggang sa pag-uwi mo,” wika niya pa. Bahagyang tinango na lang ni Oslo ang kanyang ulo. “Sige at aakyat na muna ako sa kwarto. Gusto kong magpahinga dahil napagod ako sa biyahe,” pagpapaalam niya kay Ashley. “Okay,” sagot ni Ashley. “May mga nakahanda ng pagkain kaya in case na magutom ka ay magpadala ka na lang ng pagkain sa kwarto or pumunta k

