Nakatulala si Rim. Hindi maalis sa isipan niya ang mga nangyari kahit na may bahagi sa kanya na pilit itong kinakalimutan at hindi ito binibigyang pansin. Para siyang yoyo na pabalik-balik lang sa simula at iisipin muli ang mga nangyari. Nakatayo si Rim sa harapan ng nakabukas na bintana na nasa kwarto nila ni Sasha at nakatingin sa labas kung saan madilim na ang langit at nagliliwanag ang malapit ng maging bilog na buwan. Nakakabingi ang katahimikan sa loob at sa labas. Nadadama ng balat niya ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa labas papasok sa kwarto. Pamaya-maya ay huminga nang malalim si Rim. Hindi siya makapaniwala sa kanyang sarili na magagawa niya ang ganoong bagay. Hindi siya makapaniwalang mauulit na naman ang mga ginawa niya noon ngunit ngayon, ang dating kabit n

