CHAPTER 27

1381 Words

Nananatiling nakatingin si Ashley kay Rim at gayundin ang huli sa una. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa na nagpadagdag sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila. Hindi akalain ni Ashley na napakaaga ng pagtatagpo muli ng kanilang mga landas ni Rim. Damang-dama niya ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib. Pinipilit niya ang sarili na hindi ipakita na hindi siya kinakabahan at nagtatagumpay naman siyang magawa ito. Hindi dapat siya mabisto ni Rim. Nakatitig naman si Rim kay Ashley. Nanunukat at naninimbang ang pagtitig niya. Tinitingnan niyang mabuti ang pagkakaiba nina Ashley at ang babaeng kaharap niya. Ngunit wala siyang makitang iba liban lang sa nabihisan ng magarang damit at nalagyan ng kolorete ang mukha ng babaeng kaharap niya. Aminado siyang maganda ito, bagay na hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD