"Anak are you sure na okay na iwan ko muna si Gino dito?" tanong ni Mama sakin. Kasalukuyan kong kalong si Gino at pinapa-breastfeed s'ya habang inaayusan ako ng stylist ng event. Ngayon kasi ang photoshoot para sa endorsement ko sa Medlab, isa sa mga tumutulong sa mga treatments ni Hunter. Nagkataon naman na kailangan ni Mama bumalik sa salon at ayaw naman sumama ni Gino kay Mama. "Opo ma. Kaya ko naman Ma, na nandito ang baby makulit na 'to." Kahit gaano pa ka kulit ang baby na 'to, hindi ako mapapagod dito. Saka behave lang naman si Gino kapag kasama ko sa mga shoot. Siguro nasanay na rin paano ba naman nung pinagbubuntis ko siya sunod-sunod ang trabaho at shoots ko noon bago ako tumigil. Lagi nga nilang inaasar na born celebrity si Gino kasi parang sanay na s'ya sa set. Minsan kapag

