Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang sonogram na kanyang hawak, lagi niyang tinitignan iyon sa lahat ng oras. Iyon kasi ang isang dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban, kung bakit hanggang ngayon sinusubukan niyang maging maayos kahit na halos pagsakluban na siya ng langit at lupa. Sa nakalipas na mga buwan, naubos siya ng tuluyan, naibenta na niya ang lahat ng natitira sa kanya at dahil sa kakulangan na rin ng pera ay na-forfeit na nga ang condo na tinutuluyan niya. Wala na siyang ibabayad dahil may iba na siyang pinaglalaanan ngayon. Hindi para tustusan ang mga kailangan niya kundi para sa nalalapit na panganganak ni Erin. Alam niyang may pera si Erin pero gusto niya pa rin gampanan ang obilagsyon niya bilang ama sa bata na dinadala nito. At ngayon maayos na ang lahat, nakag

